"Isang taon na mula nung mawala si mama pero hindi pa rin nila ako napapatawad." Sabi ko sa isipan ko at tumulo ang luha. Agad ko yong pinunasan para walang makahalata.
"Uy Yulla, tears of joy ba yan dahil promoted ka na?" Tanong ng kateam ko na si Julie.
"Ha? Hindi." Nakangiti kong sabi. "Alam mo kasi ang sakit ng ulo ko kaya ito naluluha na." Sagot ko at ngumiti.
"Ah ganun ba. Kala ko umiiyak ka ee." Natatawang sabi nito. Hindi na ako kumibo at nagpatuloy nalang sa ginagawa ko.
Matapos ang trabaho agad na akong sumakay ng jeep para pumunta sa paborito kong coffee shop.
Hindi ko maexplain, kapag andoon ako gumagaan ang pakiramdam ko at nakasanayan ko na na lagi kong pumunta doon. Nagpapalipas oras din ako doon at kapag malungkot ako andoon ako. Bagay na bagay ang name ng coffee shop.
MYS coffee shop.
Makes you smile daw ang meaning ng MYS. Nakakatuwa at ang cute ng naisip. Kala ko dati name ang Mys or baka MYStery or something.. Make you smile coffee pala.
Sa may corner ang favorite spot ko dahil tahimik doon at medyo tago. Pero nalungkot ako dahil may nakapwesto na. Kaya doon ako naupo sa kabilang mesa nalang pagkaorder ko ng frapped at cheesecake.
Kinuha ko na sa bag ko ay phone ko at binasa ko na ang story na hindi ko pa natatapos ang "The Contract."
"Hi Yulla!" Nakangiting bati sa akin ng crew. "Good morning! Kumusta ka na?"
"Hi Berna! Maayos naman kaso naunahan ako sa favorite spot ko." Nakanguso kong sabi.
"Ay oo nga. Kaibigan yan ng asawa ni Maam Gazelle. Hinihintay ata si Maam Dani. Ang ganda niya nuh."
Napatingin naman ako sa gawi nito at napansin ko nga na ang ganda niya. Kahit malayo mapapansin mo na green ang mga mata nito. Matangos ang ilong at itim na itim ang mahaba nitong buhok. Hindi gaanong manipis ang natural pinkish lips niya at ang puti pa. Para siyang modelo at sigurado akong matangkad siya.
Napansin ata nitong nakatingin ako sa kanya kaya napalingon sakin kasabay ng smile at kindat. Agad akong bumawi ng tingin at hiyang hiya ako. At itong so Berna mukhang kanina pa nakaalis..hiyang hiya tuloy akong yumuko sa binabasa.
Ambilis ng tibok ng puso ko at pakiramdam ko ang init ng pisngi ko dahil doon, pero grabe ang ganda ng babaeng yon. Nakakainggit!
Naisipan kong itext muli ang bunso kong kapatid pero sa tuwing magtytype na ako ng message hindi ko magawang I-send. Miss na miss ko na siya. Kumusta na kaya ang batang yon, sana Hindi na siya galit sakin. Sana hindi na siya nagkakasakit, sana okay lang siya kila kuya.
Hindi ko namalayang tumulo nanaman pala ang luha ko sa mga mata. Agad ko yong pinunasan. Pasalamat nalang ako at maaga pa kaya walang makakakita sa ganito kong itsura. Nakaramdam ako na may nakatingin sa akin at yong babae kanina. Titig na titig siya pero hindi ako makakita ng emosyon sa mga mata niya. Para lang siyang nakatitig sa isang poste.
"HENLY!" Narinig kong sigaw ng isang babae at lumapit papayakap sa kanya. Sa babaeng nakatitig sa akin kanina.
"Would you stay away from me!" Iritang sabi nito.
"But we are not over yet!" Inis na sabi ng babae.
"Look, we're done! Ayaw ko na sayo! Nakakasawa ka! Napakapossesive mo at alam mo naman nung una palang na walang mamamagitan satin! It is just pure fck!"
Umiyak yong babae at naaawa ako sa kanya.
"Ang sama mo! Sino ang bago mo! Hindi ako titigil hanggat single ka!"
"Look! Ayon ang gf ko at please lang galit siya sa akin kaya umalis ka na! Kapag lumala ang away namin, magsisisi ka!"
Sa totoo lang mahina lang magsalita yong babae pero naririnig ko parin. Pero yong babaeng bagong dating at napakalakas ng boses niya. Parang biglang natahimik ang paligid at mukhang sumuko na ang babae. Nakarinig ako ng naglalakad at laking gulat ko ng maramdaman ang malamig ng frappe na sumaboy sa mukha ko.
Wtf just happened?
Agad kong tinanggal ang suot kong salamin at nakita ko ang babae na galit na nakatingin sa akin. Magsasalita sana ako pero nanlaki ang mata ko nang sampalin siya nung isang babae, yong nakatitig sa akin.
Kitang kita ko ang galit sa mga mata nito na nakatingin sa babaeng nagsaboy sa akin ng frappe.
"Fck you Henly!" Sigaw ng babae sa kanya at kinaladkad siya papalabas.
"Yulla! Naku! Anong nangyari?" Nag aalalang sabi ni Berna. "Bakit ka binuhusan ng frapped ng babae na yon?!" Inabutan niya ako ng malinis na towel at ang lagkit ng pakiramdam ko dahil sa frapped.
"Miss okay ka lang ba?"'tanong ng isang babae na may maiksing buhok. Alam ko siya ang may ari ng shop at madalas din siya dito.
"Okay lang maam." Sagot ko.
"Halika, sumama ka sa akin nang makapagpalit ka. You can use the shower room na rin." Hinila na niya ako papasok sa loob.
"Sakto, mukhang kasya naman sayo itong polo dress na ito. Ito nalang gamitin mo."
"Naku, maam. Wag na po..okay lang po ako."
"Hindi ka pwedeng umuwi na ganyan ang itsura mo. Take this, sayo na yan. Iyon ang shower room. Hindi naman ako papayag na ang regular customer ko ay uuwi na mukhang naligo ng frappe." Natatawa niyang sabi. Ang bait talaga ng owner ng coffee shop dito.
"Salamat maam.."
"Naku, wag mo nga akong minamaam diyan, Yuri ang pangalan ko. Ikaw?"
"Yulla po." Sagot ko.
"Nice name.. Oh sige na. Mag asikaso na. Asikasuhin ko lang sa labas." Ngumiti siya sa akin. Ang simple lang niya pero ang ganda niyang tingnan ang lakas ng karisma.
Naligo na ako at natuwa ako dahil sakto lang sa akin yong polo dress na pinasuot niya. Sumakto din sa sneakers na suot ko. Hindi na rin malagkit ang buhok ko. Mahaba rin ang buhok ko at may bangs ako. Hinayaan ko nalang na nakalugay.
"Hi!" Bati ng isang babae.
"Sinabuyan ka daw ng frappe ng kasama ni Henly? Pasensya ka na miss ha." Nahihiyang sabi ng isang babae. Mahaba ang buhok niya na kulot sa dulo.
"Okay lang po ako."
"Ikaw si Yulla dba? Regular customer ka dito. Naalala mo nung nagkwentuhan tayo?" Nakangiti niyang sabi.
"Oo naman Miss Gazelle." Sagot ko.
"Gazelle nalang. Napakapormal naman nun." Nakangiti niyang sabi. "Napagsabihan na rin ng asawa ko sI Henly. Sorry talaga Yulla."
"Naku! Okay lang talaga. Siguro napagdiskitahan lang ako nun. Pero promise okay lang ako."
Ngumiti siya sa akin at lumabas na kami. Napansin ko yong babae kanina na may kausap. Alam ko siya yong wife ni Gazelle. Ang ganda talaga nung wife niya kahit na lesbian ito napakaastig tingnan.
"Uhmm, Gazelle uuwi na pala ako. Nasaan si Yuri? Babalik ko nalang itong hiniram ko sa susunod."
"Umalis kasi si Yuri.. Sasabihin ko nalang."
"Salamat Gazelle."
Umalis na ako agad. Nawiwirduhan kasi ako sa pakiramdam ko sa babaeng yon. Napahamak pa ako dahil sa kanya. Sana hindi na mag salubong ang daan namin.
BINABASA MO ANG
My Greatest Fall (Her Property)
RomanceThis will be another gxg story. Completed story. #35 highest ranking achieve in romance category. Simple lang buhay ko. Yong normal lang na nilalang hanggang may dumating na kakaibang pangyayari na siyang nagbigay ng kakaibang gulo sa mundo ko. I am...