Hindi na ako nakaligtas sa mga kaopisina ko at pinilit akong pinakwento. Hindi ko masyadong kwenuwento ang ibang mga bagay. They were all suprised sa narinig sa akin."Mahal ka niya Yulla babes!" Kilig na sabi ni Elle.
"Sa tingin ko dapat balikan mo na siya dahil alam mo na ang totoo." Segunda naman ni Ara.
"Sa totoo lang Ara, kahit nalaman ko na ang totoo hindi ibig sabihin non na magkakabalikan kami. Nawala na ang tiwala ko sa kanya at nahihirapan ako. This won't change the fact that were over." Sagot ko sa kanya.
"Pero mahal mo siya..mahal mo pa rin siya hanggang ngayon." It was not a question but a statement from Ara. Napatingin ako sa ibang direksyon para maiwasan ang mga tingin nila at napabuntong hininga ako.
"Hayaan mo siyang maghirap! Wag easy to get. Mali pa rin ang ginawa niya." Komento naman ni April. "Hindi kayo maghihiwalay kung walang issues. Nasagad ka lang at nasaktan kaya di kita masisi kung nangkaganyan ka."
"Tama si April. Tama lang ginawa mo." Sabi naman ni Lisa.
"Pero ang tanong.." sabi ni Elle na bahagyang nag post. "Masaya ka ba?"
Napakagat labi ako at iniisip ang sagot sa tanong niya.
"There's a reason behind everything.." sagot ko.
"Yeah. Nagkabati kayo ng mga kapatid mo at higit sa lahat narealize niya ang halaga mo." Nakangiting sabi ni April.
"Well.. sa totoo lang Yulla babes.." pasuspense na sabi ni Elle.. "Ramdam ko takot ka lang talaga. Takot kang masaktan kahit alam mo naman sa sarili mo na mahal mo siya."
Natahimik ako sa sinabi ni Elle. She is so damn right.. masyado na akong takot na masaktan uli. I already took the risk and in the end I suffer big time..
"""""""""""
Dahil sa bagyo napostpone yong family day nila Heidi. Sabi ni Heidi may binili daw silang damit ng lola niya para sa aming dalawa. Okay na rin yong mga cupcakes na dadalhin namin. Buti wala si Henly sa bahay nila dahil sa opisina daw ito.
Yong dress namin ay parang denim. Maong yong pang itaas at floral yong palda. Ang shoes namin ay white sneakers. Ang bata ang nag decide ng lahat. Maganda yong dress na napili niya sa totoo lang. Tinali ko ang mahaba niyang buhok at inayos ang bangs gaya rin ng sa akin.
Andoon nga pala ang lola niya na tumutulong sa amin sa mga cupcakes. Nakita ko na close na rin sila ng lola niya at natutuwa ako na makita na sweet sila."Ingat kayo." Sabi ng mom ni Henly sa amin na may matamis na ngiti sa labi. "Wait picture ko muna kayo." Sabay labas ng mamahalin niyang phone para picturan kami.
BINABASA MO ANG
My Greatest Fall (Her Property)
RomanceThis will be another gxg story. Completed story. #35 highest ranking achieve in romance category. Simple lang buhay ko. Yong normal lang na nilalang hanggang may dumating na kakaibang pangyayari na siyang nagbigay ng kakaibang gulo sa mundo ko. I am...