Napatingin nalang ako sa bintana ng kotse. Walang umiimik sa amin. Sa totoo lang iniisip ko pa rin ang nangyari kanina. Ang pagkikita namin ni Henly."Flight mo bukas pauwi sa probinsya? Sa apartment ko ba ikaw mag sstay?" Tanong ni Quinn na pumukaw sa atensyon ko. She knows me well. Alam niyang ayaw kong pag usapan ang pangyayari kanina. Isa pa nakakahiya rin sa kanila ni Harley.
"Sa apartment ko na Quinn. Mag iimpake pa ako." Sagot ko.
"Okay.. let me know it you need someone to talk to. Im all ears." Sagot niya.
"Thank you Quinn.. salamat nga pala kanina." Nahihiya kong sabi. "Pasensya na rin sa inyo ni Harley dahil sa nangyari."
"Wala yon Yulla.." sagot ni Harley na nakatingin sa salamin at ngumiti siya.
"Hay naku bessie.. wala yon. Saka gusto kitang sunduin eh." Sagot niya.
Swerte ko talaga sa kaibigan ko. Buti nalang next week pa ang school fare nila Heidi at sakto naman ang leave ko pra sa bakasyon namin nila Kuya. Kahit paano ay makakapag relax ako.
5 days lang ako mag sstay dahil may pasok pa ako at sila naman mahigit isang linggo daw. Doon na rin muna si Brit kasama sila ate at kukunin nalang uli ni kuya sa susunod na buwan. Gusto daw niya na makapag pahinga muna ng matagal sa probinsya.
I made myself busy para di ko maisip si Henly. Mas lalo akong naiinis at naguguluhan. Buti nasabi ko na rin kay Heidi na aalis muna ako saglit. Masaya ang bata na malaman na okay na kami nila kuya at ipapakilala ko siya sa susunod.
Hindi ako gaanong nakatulog sa pag iisip ng kung anu anong bagay. Nag eecho pa rin sa pandinig ko ang sinabi niya na mahal pa rin niya ako pero nahihirapan na akong maniwala sa kanya.
Sa airport na kami magkikita kita nila kuya. Habang naghihintay sa kanila ay may napansin akong nagtatalo sa airport.
Si Sonnie at Sonia?
"Sonia..please." Pakiusap ni Sonie sa kanya. Nasa may bandang likuran lang nila ako kaya rinig ko sila.
Nasa may bandang likuran lang ako kaya alam ko na hindi nila ako makikita.
"Set your self free from her and please come back to me." Nagulat ako sa narinig kong sinabi ni Sonnie kay Sonia.
"Sonnie.. please sorry. Si Henly lang ang gusto ko. Sorry sa nagawa ko..sorry na ginamit kita noon." Mas nagulat ako sa narinig ko na sinabi niya. Parang hindi ako makapaniwala sa nalaman ko. I never expect this. Sila ni Sonnie?
I just remembered noong una ko siyang nakilala yong hinihintay niya sa restaurant kung saan ko rin nakita si Henly na dumating at Brie. Marahil si Sonia ang hinihintay niya that time. I remembered that sadness on Sunny's face nang makita niya rin si Henly that time. They knew something about Sonia.
"Akala ko ba mahal mo na ako. I even sacrifice my friendship with her. She used to be my best friend but I chose you. I chose you kahit na alam ko lang na ginagamit mo lang ako dahil mahal kita. Bago pa naging kayo ni Henly gusto na kita pero siya ang gusto mo kaya pinagsawalang tabi ko. Until things gets rough on both of you na gusto mong maghiwalay kayo at ako ang ginamit mo. Pumayag ako sa pakiusap mo sakin knowing the consequences. Akala ko magiging okay tayo. Masaya naman tayo dba? Please bumalik ka na sakin." Mahaba niyang paliwanag. Napatakip nalang ako ng bibig sa mga nalalaman ko.
BINABASA MO ANG
My Greatest Fall (Her Property)
Storie d'amoreThis will be another gxg story. Completed story. #35 highest ranking achieve in romance category. Simple lang buhay ko. Yong normal lang na nilalang hanggang may dumating na kakaibang pangyayari na siyang nagbigay ng kakaibang gulo sa mundo ko. I am...