Hapon na nung payagan ako ni Hillary madischarge sa hospital at wala parin si Henly. Bigla kasi siyang nagmadaling umalis kaninang tanghali dahil may emergency daw sa opisina. Sabi niya babalik siya pero wala pa rin siya at naiinip na ako maghintay. Hindi ko alam kung ano ng ginagawa niya. Hindi ko rin naman siya matawagan dahil baka maesturbo ko at ayaw ko namang maging atat na asawa. Nadidismaya lang ako dahil hindi man lang siya nag tetext o tumatawag.
"Ano na kayang nangyari sa kanya?" Tanong ko sa isip ko. Okay na rin ang gamit ko at ready ng umalis.
"Yulla..ready ka ng umuwi?" Narinig kong boses ni George. Nalungkot ako kasi kala ko si Henly na. Tumango ako sa kanya.
"Henly called me na sunduin ka. Nagkaaberya kasi sa office niya kaya di agad makaalis." Paliwanag ni George.
"Ah ganon ba?" Tanging sagot ko at napatingin ako sa hawak kong phone. Nilagay ko yon sa shoulder bag ko.
"Wag ka ng magtampo kay Henly.. For sure babawi yon sayo." Nakangiti niyang sabi at kumindat pa.
"Nakakatampo lang kasi, hindi niya ako tinext." Malungkot kong sabi.
"Dont worry.. Uuwi yon. Saka nga pala may dadaanan tayo. Birthday ng gf ni Kathy at kailangan nating pumunta at baka magilitan tayo."
"Ow? Ngayon ba yon? Sige uwi na tayo."
Tahimik lang kami sa kotse ni George. Iniisip ko kung ano kayang issue ni Henly sa office niya.pero sabagay kahit naman explain niya yon hindi ko rin naman maiintindihan.
Napansin ko na huminto kami ni George sa isang beauty salon. Inalalayan niya akong bumaba. Buti bagong ligo at fresh na ako at hindi amoy hospital.
"Kala ko uuwi tayo?" Tanong ko.
"Uhmm..sabi ni Kathy, dito na daw tayo paayos." Sagot niya.
"Hi Atty." Bati ng parang manager. "Dito po tayo.. Ready na ang gamit. Mrs. Smith, simulan na po natin ang hair and make up."
Hinila na ako ng manager na yon at inupo sa isang upuan. May apat na tauhan ng naghihintay. Medyo naguguluhan ako. May pedicure tas manicure at may sa buhok din. Ihuhuli daw ang make up.
Isang dark blue na off shoulder dress ang pinasuot sakin after akong ayusan paired with black purse and black 3 inches stiletto. Babagya nilang kinulot ang mahaba kong buhok to create a volume with light make up."Wow! You look stunning Mrs. Smith." Masayang sabi ng manager. Di naman maalis ang ngiti nung mga nag ayos sakin.
"Salamat sa inyo. Halos di ko nakilala.sarili ko." Pagbibiro ko.
"Naku maam..light make up lang ginamit namin sa inyo. Walang contour yan saka ang ganda ganda nyo na po. Alam nyo yong simpleng maganda na di nakakasawa.. Yong gandang Pilipina." Sabi noong nag ayos ng buhok ko.
BINABASA MO ANG
My Greatest Fall (Her Property)
RomanceThis will be another gxg story. Completed story. #35 highest ranking achieve in romance category. Simple lang buhay ko. Yong normal lang na nilalang hanggang may dumating na kakaibang pangyayari na siyang nagbigay ng kakaibang gulo sa mundo ko. I am...