Malaya na ako nakakadalaw sa kapatid ko. Minsan di ko maiwasang malungkot dahil sa paningin parin ni Henry ako ang masama. Nasasaktan din ako sa trato niya na parang hindi ako nag eexist o kapamilya nila. Kay Kuya Harry naman ay parang wala lang din. Hindi rin niya ako kinakausap. Siguro ganun katindi ang galit nila sa akin at mukhang hindi nila ako napapatawad.
Pinapalakas ko ang loob ng kapatid ko dahil kinabukasan ooperahan na siya. Sana naging maayos ang resulta at maging okay na siya.
Lumabas na ako ng hospital ng kwarto kapag kapaalam ko sa kapatid ko.
"Alis ka na ba?" Tanong ni Doc Hillary sakin sakto kasi ang daan niya sa may tapat ng room ng kapatid ko.
"Oo.. Salamat uli doc."
"Hill nalang, parang pinsan mo na rin ako since asawa mo naman si Henly. We are family." Masayang sabi nito.
"Asawa?" Gulat na tanong ni Marissa. "Nag asawa ka na pala ate." Kinakabahan naman ako sa tingin ni kuya at ni Henry sa akin.
"Henly? Pangalan pangbabae?" Tanong ni Marissa. Napalunok naman ako at hindi ko alam ang sasabihin ko pero siguro naman wala na silang pakialam sa akin.
"Oh, Henly..sinusundo mo ba si Yulla?" Tanong ni Hillary sa kararating na si Henly na prenteng naglalakad papapit sa amin. "Sayang, daan kayo sa office mamaya, may pasyente lang akong pupuntahan." Sabi ni Hillary pagkatingin sa relo niya. Ngumiti siya sa akin at kumaway naman kay Henly.
I didnt expect na pupunta siya rito. Napansin ko na napatingin sila kuya sa kanya at tiningnan lang din ni Henly. Tumango lang siya sa pinsan niya at lumapit sa akin.
"Let's go." Aya ni Henly sa akin at inabot ang kamay ko. Nagpatangay lang ako sa kanya pero agad namang nagsalita si kuya.
"Yulla, siya ba ang asawa mo?" Bakas sa boses ni kuya ang pagkairita at nakikita ko naman sa mata ni Henry ang pagkadisgusto. Gusto kong ideny pero unfair kay Henly at lalo pa na siya ang gumagastos sa lahat at siya ang dahilan sa paggaling ng kapatid ko.
"Oo.. Siya nga ang asawa ko." Sagot ko na iniiwasan silang tingnan dahil parang diring diri sila sa akin na siyang dumudurog sa puso ko. Masakit isipin na bukod sa galit sila sa akin ay parang ang dumi dumi ko sa paningin nila.
Napahilamos si kuya gamit ang dalawang palad niya. Napakuyom naman ng kamao si Henry. Maagap naman akong hinila ni Henly papunta sa likuran niya.
"So what kung ako ang asawa ni Sanya? Hindi ba wala na kayong pakialam sa kanya kaya di dapat kayo maging apektado." Kalmadong sabi ni Henly.
Gustong magsalita ni Kuya o ni Henry pero di nila magawa. Iniisip din nila ang tao sa paligid.
Ramdam ko ang tensyon sa paligid.
"Wala ka na talagang kayang dalhin kundi kahihiyan?" Di na mapigilang tanong ni Henry. "Sira ka talagang babae ka kahit kailan! Ano nalang sasabihin ng mga tao, ng mga kamag anak kapag nalaman nila na nag asawa ka ng..kapwa mo! Hindi ka na nahiya sa pangalan ni papa. Pahamak ka kahit kailan!"
The least thing I want to happen is to cry. Ang sakit ng sinasabi niya at ayaw kong mag away away kami pero useless na rin naman ang lahat. Sarado ang isip nila at kahit maghapon akong magpaliwanag ay wala na rin namang silbi.
"Hindi ko inaasahang gagawin mo ito Yulla. Anong nangyari sayo?" Kalmado pero ramdam ko ang inis ni kuya. "Ayaw ko ng lalapit ka kay Brit."
Nagulat ako sa narinig ko.
"Pero kuya?! Nag aalala ako kay Brit! Gusto ko siyang.." putol kong sabi.
"Manahimik ka na! Baka mahawa pa sayo si Brit!" Singhal ni Henry.
BINABASA MO ANG
My Greatest Fall (Her Property)
RomanceThis will be another gxg story. Completed story. #35 highest ranking achieve in romance category. Simple lang buhay ko. Yong normal lang na nilalang hanggang may dumating na kakaibang pangyayari na siyang nagbigay ng kakaibang gulo sa mundo ko. I am...