Nagising ako sa isang puting silid. Nasisilaw ako at masakit ang buong katawan ko. Naririnig ko rin ang tunog ng mga aparatus sa paligid ko."Nasan ako?" Bulong ko sa sarili ko. Ni hindi ko magawang magsalita at sobrang sakit lang ng nararamdaman ko. Pilit kong inaalala ang nangyari. Nag flash back sa isip ko ang papalayong sasakyan ni Henly na kasama si Sonia. Tumulo ang luha sa mga mata ko kasabay ng paninikip ng hininga. Sobrang sikip na para bang hindi ko na kaya pa ang mga sakit na nararamdaman ko.
Naaksidente nga pala ako nang araw na yon.
"Oh my God! Thank goodness at gumising ka na Sanya." Narinig kong boses niya at muli nanamang gumuhit ang sakit sa puso ko kaya wala akong nagawa kundi ang umiyak nalang. Ayaw ko na siyang makita. Galit ako sa kanya! Pakiramdam ko durog na durog ako. Mas nasasaktan ako sa presensya niya.
Pilit kong binabawi ang kamay ko pero wala na akong lakas. Nakita ko na umiiyak siya pero wala na akong pakialam sa kanya. I hate her so much!
"May masakit ba sayo? Tell me Sanya." Natataranta niyang tanong. "Hillary!" Narinig kong tawag niya sa pinsan niya na nagmamadaling pumunta sa pinto kasabay naman ang mabilis na may pumasok sa kwarto para i check ako. Tuloy tuloy pa rin ang pag agos ng luha sa mga mata ko. Sobrang sakit na makita si Henly. Paulit ulit parin na bumabalik sa isip ko ang pangyayari nong araw na yon. Kung papaano siya unti unting nawala sa paningin ko nung araw na naaksidente ako.
"Oh please Yulla." Nag aalalang sabi ni Hillary sakin. "Calm down."
"Paali..sin mo..siya." I managed to speak kahit na sobrang hirap gawa na nanunuyo pa ang lalamunan ko. Kunot noong tumingin sakin si Hillary at kay Henly. Pero wala siyang nagawa kundi ang sundin ako. I know she understand what I meant. I feel exhausted. I dont want her near me because it adds the pain that im bearing right now.
"Henly..lumabas ka na muna." Pakiusap ni Hill sa kanya.
"Bakit ako aalis?" Nagtatakang tanong ni Henly na halata sa mukha niya ang puyat dahil sa eyebags niya at maputla siya ngayon.
"Please Henly lumabas ka na." Pilit ni Hill sa kanya. "We need to further do an assessment."
"Bitiwan mo ako. Kailangan ako ni Sanya." Iyak na sabi niya. Hindi ko alam kung bakit ako nasasaktan habang nakikita ko ang pag iyak niya kasabay nang pagpapaalis ni Hillary sa kanya.
"Sanya.. dba you want me to stay' right love?" Tanong niya sakin na umiiyak. Halatang ayaw niya akong iwan ng mga sandaling yon. Pero lumingon ako sa kabilang gilid na patuloy pa rin sa pagluha. I dont want to see you anymore Henly.
"What's wrong Sanya?" Iyak niya sakin. "Why?"
"Leave.." pilit kong sabi sa kanya. Narinig ko ang mga hikbi niya. My heart says i want her to stay with me. I want to hug her but my brain says no. Galit ako sa kanya. Galit na galit dahil sa mga ginawa niya sa akin pakiramdam ko naipon lahat yon at ngayon ko lang nagawang ilabas. Mahal ko si Henly sobra pero sobra na rin ang sakit na nararamdaman ko. Loving her is excruciating. Ayaw ko ng maging tanga. She took me for granted and I am am fed up.
"Okay.. lalabas na muna ako ngayon. Please magpalakas ka. I love you Sanya." She said in defeat. Nang marinig ko na nag i love you siya ay mas lalo akong naiyak at nasaktan. Hindi na ako dapat pang maniwala sayo. Ang sakit marinig ang mga salitang yon. Shes breaking me more yet I still love her but I am tired of loving her.
You hurt me..
You lied to me..
You cheated on me..
Pagod na akong umunawa pa.
Suko na ako Henly.
Ayaw ko na..
BINABASA MO ANG
My Greatest Fall (Her Property)
RomanceThis will be another gxg story. Completed story. #35 highest ranking achieve in romance category. Simple lang buhay ko. Yong normal lang na nilalang hanggang may dumating na kakaibang pangyayari na siyang nagbigay ng kakaibang gulo sa mundo ko. I am...