27

12.8K 374 28
                                    

Umalis uli si Henly ng bahay at hindi ko alam kung saan siya pumunta. Sobrang natatakot ako sa kanya pero siguro di naman niya ako magagawang saktan. Sumasama na rin lalo ang pakiramdam ko. Yong kaninang parang sinat lang ay naging lagnat na. Nagbilin na muna ako sa yaya ni Heidi dahil ayaw ko namang mahawa ang bata.

Mabuti maunawain ang anak ko at nagbehave lang siya. Pinilit ko nalang siyang samahan sa dinner kahit halos di ako nakakain.

"Yulla, magpahinga ka na. Ang putla putla mo na. Uminom ka na ba ng gamot?" Alalang tanong ni Manang Gina.

"Sa taas na po Nay. Okay lang po ako." Sagot ko. Hinawakan niya ang noo ko."naku hija! Sobrang taas na ng lagnat mo."

"Okay lang ako nay. Magpupunas lang po ako saka iinuman ko lang ng gamot to at mawawala rin po."

"Sige..basta tawagin mo lang ako kung may kailangan ka ha."

"Opo."

Halos lambot na lambot na akong umakyat sa kwarto. Saglit lang akong nagpunas at hininaan ko ang aircon. Hinihila na ako ng antok kaya nahiga na ako. Para akong pagod na pagod at sobrang sakit na buong katawan at ulo ko na parang binibiak.

Hindi rin ako makatulog dahil sa pag iisip. Pagkaraan pay pumasok na si Henly sa kwarto. Halata sa istura na uminom siya.

Kahit masakit ang katawan ko ay pinilit kong bumangon.

"Saan ka galing?"'tanong ko.

"Bar." Tipid na sagot niya habang hinihubad ang polo na suot. Hinagis lang niya ito kaya pinulot ko.

"Kasama mo sila George?" Tanong ko.

"Si Kathy lang."

Naiirita ako sa amoy ng blouse niya dahil may kakaibang perfume na amoy. Napatingin pa ako rito dahil may bakas ng lipstick. Bumilis ang pintig ng puso ko na lalong nagpasakit sa ulo ko.

Napansin niyang nakatingin lang ako sa polo niya kaya hinila niya ito sa kamay ko.

"Anong ginawa mo sa bar?" Iritang tanong ko.

"Pwede ba Sanya wag mo akong simulan!" Inis na sagot niya.

"Paanong di ako magtatanong, bigla ka nalang umalis ng walang pasabi at uuwi ng ganitong oras na ganyan ang itsura mo!" Naiinis na ako.

"Shut up! Wala kang paki sa mga gusto kong gawin!"

"Ah ganun?! Kasama na ba doon ang pambabae?"

"What are you saying?" Masungit na tanong niya at tumaas pa ang kilay.

"Why dont you check that polo?!" Naninikip na ang dibdib ko sa galit na mas nagpapasama sa pakiramdam ko.

"Now you are accusing that I am cheating on you?" Galit na sigaw niya sa akin at lumapit.

"So how would you explain that!" Sigaw ko sa kanya. "Fck you Henly! Asawa mo pa rin ako."

"Sanya!" Iritang sabi niya. "Matulog ka na at pagod na ako."

Naluha na lang ako dahil parang pinipiga ang puso ko.

"I hate you.."

"Damn it! Ito nanaman ba tayo? Fuck! Ano gusto mong sumama sa babae mo!" Galit na sigaw niya at hinawakan ako sa magkabilang braso.

"Hindi ko siya babae at hindi kita niloloko! Wag mo akong itulad sayo."

"NYETA! Sanya tumigil ka na!" Tinulak niya ako ng bahagya at tinaas ang kanang kamay niya na para akong sasampalin. Natakot ako sa gesture niyang yon kaya napaatras ako. Nakita ko ang pagkuyom ng kamao niya.

My Greatest Fall (Her Property)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon