12

17K 471 55
                                    

Naeexcite ako kasi ito na ang araw na pupunta kami sa America na request ni Heidi kay Henly. Pansin ko na excited ang bata lalo pa at ang lapad ng ngiti niya at kung anu ano ang kinukwento niya habang nasa byahe kami.

Ito namang si Henly, hindi maintindihan dahil tahimik lang at hindi namamansin pero kapag kausap naman si Heidi ngiti siya ng ngiti na parang ewan. Sa totoo lang naiinis na ako sa Henly na ito kasi napaka bipolar. Hindi ko siya magets.

Ang haba pala ng byahe papunta sa America at nahihilo na ako. Hindi ako sanay na ganito, kaya ko lang ata itagal ay 1 hour sa eroplano.

"Mommy are you okay?" tanong ni Heidi sakin.

"Yes baby, nahihilo lang si mommy. Hindi sanay sa mahabang byahe. How about you?" tanong ko sa bata.

"I'm okay mommy!" ngiti ng bata sa akin. Hinila ng bata ang kamay ko at hinawakan niya. "Mimi!" tawag pansin niya kay Henly na busy magbasa ng magazine.

"Yes?"

"Let me hold your hand!" Excited na sabi nito. Napaka Hyper ng anak ko.

"Oh? Okay?" takang sagot niya sa bata na patanong. Hinawakan niya ang kamay ni Henly at laking gulat ko nang paghawakin niya kami. Hihilahin ko sana pero hinawakang mabuti ni Heidi.

"Hihihi! You should be holding mommy's hand because she is nervous." sabi ni Heidi kay Henly ako naman ay hindi mapakali kasi ang bilis ng tibok ng puso ko nung mahawakan niya ang kamay ko.

"Heidi.. I am okay." sabi ko sa bata. Babawiin ko na ang kamay ko pero hinawakan naman ni Henly ng mahigpit yon at naka intertwine na sa bawat daliri niya na mas kinabilis ng tibok ng puso ko. Kinuha ni Heidi ang ipad niya at pinicturan yon tapos nilagay din niya ang kamay niya at pinicturan uli.

I heard her giggle. "This is the best vacation ever!"

Napansin ko na napangiti si Henly. Her smile is different na para pang ang genuine nun. She is really pretty, hindi ko maiwasang hindi siya tingnan at ewan ko pero parang ang init ng pisngi ko. Suddenly I feel comportable while Henly still holding my hand until I fell asleep.

"Mommy wake up! We are here!" excited na sabi ni Heidi. Nagising naman ako kaagad. Sa wakas nakalapag na rin ang eroplano. Binuhat ni Henly si Heidi at nang makalabas ako sa may upuan hinawakan ni Henly ang kamay ko, intertwined with hers. I let her hold my hands at hindi ko maexplain dahil nasisiyahan ako na ganito kami. Hindi siya nag sasalita pero feeling ko okay kami at hindi ko maikakaila na gusto ko na hawak niya ang kamay ko.

I think I am already falling for her..

Kahit masungit siya, mainitin ang ulo at nakakainis gusto ko na nakikita siya. Kahit madalas hindi naman niya ako kinakausap.

Pero feeling ko mali ito. Mali na mahalin ko siya dahil sa babae siya. Hindi pwede! Siguro mabuti pa na pigilin ko na ang mahulog sa kanya ng tuluyan dahil bukod sa mali ito natatakot ako. Natatakot ako na baka tuluyan akong mahulog sa kanya at hindi ko na kayang pigilan pa. Na baka masaktan lang ako dahil magkaiba kami ng mundo at wala akong assurance sa kanya. She keeps on saying that I am her property but she never said that she likes me. Hindi ko rin maiwasan na baka ginagawa lang niya ito to keep me for Heidi.

Mahal ko na rin si Heidi na parang anak ko at aaminin ko na ayaw ko na ring mahiwalay sa batang ito. Ayaw ko isipin niya na ginagamit ko ang bata para mapalapit sa kanya.

Kahit ako naguguluhan na rin sa iniisip ko. Bahala na I will just go with flow and will not fall for her.

May sumundo samin sa airport at hinatid na kami sa bahay nila sa America. Kahit pala bahay nila dito ay sobrang ganda rin. Dumeretso na kami sa kwarto ni Henly.

My Greatest Fall (Her Property)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon