54

12.9K 431 87
                                    



Nagising ako na masakit ang buong katawan ko at mag isa lang ako. Usapan nga pala namin na aalis na siya after ng wish niya na halik but more than that happened. Last night was..beyond an explanation. Hirap na hirap akong tumayo dahil sa sakit nang pagitan ng hita ko at balakang ko. Nakakaramdam din ako ng inis na hindi ko maipaliwanag pero pinagsawalang bahala ko nalang.

Ito naman ang gusto ko diba? Ang tumigil at umalis na siya.

We are totally over. Finally..

I should be happy, right?

Bumubuhos ang tubig mula sa shower at hindi ko mapigilang maalala ang nangyari kagabi. Nalaman ko na ang totoo. Sobrang sakit ng puso ko nang malaman ang lahat, gusto kong umiyak kagabi pero pinipigilan ko ang sarili ko. Pero hindi pa rin yon ang dahilan para basta ko nalang siya patawarin. Galit pa rin ako sa kanya sa mga nangyari.

Some of her reasons were too lame. Shes a coward! Siguro kung noon ko pa yon nalaman hindi na umabot sa ganito.

My life must go on without her..

Days passed at hindi siya nagparamdam. I feel so uneasy pero mas mabuti na ito. It only proves na hindi kami para sa isat isa. She wants me back, huh? Pero wala siyang ginagawa. Nakakainis ka Henly!

"Ow may gee!" Agad na puna sa akin ni Elle sa opisina. "Bakit ang ganda ganda mo ngayon? Ganyan ba pag binabagyo?"

"Baliw ka! Dami mo talagang alam." Natatawa kong sagot.

"Yulla babes, namiss ka namin." Sabi naman ni Ara.

"Oo namiss asarin." Natatawa kong sagot sa kanya.

"Guys..andito na yong boss. Nagtotour. Grabe ang ganda!" Amaze na sabi ni April. Napalingon ako dahil nacurios ako kung sino yon at ganun nalang ang gulag ko.

Shes wearing a vest, slacks and her signature undercut on the right side of her head. Nagulat din siya nang makita ako and she smiled sweetly. Halata naman sa mga kasama ko ang tuwa at pagkamangha sa kanya.

"Yulla.. you're working here?" Masaya niyang tanong sakin. "Small world."

"Ah yeah." Nahihiya kong sabi at ang mga mata nakatingin sa amin.

"I guess this is a sign that we are really meant to be?" Nakangiti niyang sabi sabay halik sa pisngi ko malapit sa labi. Narinig ko naman ang mga bulung bulungan sa paligid at para naman akong naestatwa sa nangyayari. Si Elle at Ara halatang tulala. I saw Tl Jessie and everyone staring at us.

"Miss Granger, I didnt know that you know Yulla." Basag ni Manager sa katahimikan.

"Of course! I know her." Sagot niya pero nakatingin sa akin. Ako naman gusto kong lamunin ng lupa. Halata ang pagkabigla ng lahat. Napakagat labi naman ako dahil hindi ako makapagsalita.

"Brie.. uhmm.. I need.. to go back to work." Pag iwas ko sa kanya. "Excuse me."

Umikot ako ng station at umupo sa isang pwesto doon na medyo malayo. Nakasunod naman yong tatlo sa akin na bahagya akong senesenyasan kung ano ba ang nangyayari. Napabuntong hininga naman ako.

"Yulla babes! Ano mo yon?" Kulit ni Elle.

"Kaibigan ko nga." Sagot ko. I made myself busy para walang gumulo sa akin. Alam ko na nagtataka ang lahat kung bakit ko kilala si Brielle. Sa dami dami ng tao may ari din pala siya ng kompanya na ito? Grabe ang hiya at kaba ko kanina na para bang gusto kong kainin ako ng lupa.

Nagmadali rin akong mag out ngayon dahil nakakainis ang mga tingin ng mga kaopisina ko. Kasabay ko pa rin sila Elle sa pagbaba nang biglang may lumapit sa akin.

My Greatest Fall (Her Property)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon