16

13.6K 399 39
                                    

Sinundo ko na ang mga bata dahil sa plan nilang overnight sa bahay. Alam ko pinaalam na yon ni Heidi sa mimi niya. Nagulat ako dahil van ang nakaabang na kotse sa labas.

"Sakay na Yulla." Sabi ni Manong na agad din siyang sumakay. Nagulat naman ako dahil nasa loob na ng van si Henly. Lumayo nalang ako ng pwesto sa kanya nasa bandang magkabilang bintana kami.

Mas nagiging awkward pa dahil sa nangyari nung gabi. Ayaw ko namang magkasira sila ng kaibigan nya.

Saktong tumigil ang sasakyan ay nagmadali na akong bumaba. Hindi ko na siya hinintay pa.

Habang naglalakad ako ay bigla namang may sumabay sa akin sa paglalakad.

"Hey.." tawag pansin ni Briella. Napangiti ako sa kanya dahil nakita ko na nagbublush siya na napakagat sa labi. Sa totoo lang ang ganda ganda niya. Matangkad, mahaba ang buhok niya na lagi niyang tinatali ng mataas. Maputi rin siya at mapula mga pisngi. She doesnt wear make up pero litaw ang ganda niya lalo pa dahil may dimples siya at Ang cool niya mag smile.

"Hindi ka pa umuwi?" Tanong ko sa kanya. Nagsmile siya at ngumuti, ngayon ko lang napansin na light brown pala ang kulay ng mga mata niya.

"Uhmm..hindi pa. Maya na siguro." Sagot niya.

"Magpahinga ka rin.." concern na sabi ko sa kanya.

"Makita lang kita..nawawala na pagod ko." Natawa naman ako sa sinabi niyang yon.

"Chessy mo ha."

"Basta mapangiti kita." Di ko na naiwasang pamulhan ng pisngi dahil sa paraan ng pagtingin niya sa akin at  sa cute nyang pagsmile.

"Excuse!" iritang singit ni Henly at binunggo naman si Briella.

Napatingin na nalang ako sa deredretsong paglakad ni Henly.

"Okay ka lang?" Tanong ko.

Ngumiti siya sa akin at nagsmile.

"Oo naman.. Masaya ako na suot mo yan." Tuloy niya sa bracelet.

"Salamat sa pasalubong mo. I like it."

"Sana next time, 'i like you' na ang sabihin mo." Sabi niya at nagmamadaling tumakbo paalis nung nakawan ako ng halik sa pisngi dahil walang nakatingin at nasa mesyo tagong part kami. Nagulat ako sa ginawa niya at napahawak nalang sa pisngi ko. Lumingon pa siya na nakangiti at ngumaway.

"I can go home now. Thanks Yulla!" Napailing nalang ako at napangiti sa ginagawa nya. Mabuti nalang at walang tao kundi nakakahiya. Ano nalang ang iisipin ng mga bata at parents na makakakita. Lalo pa at teacher siya.

Hindi ko rin lubos akalain na sa ganda niyang yon, maganda rin pala ang hanap niya..well, parang si Henly. Tsss! Henly nanaman. Lagi nalabv siyang sinisingit ng utak ko.

Napasimangot ako bigla at hindi ko alam na may nabunggo na pala ako at muntik ma out balance. Mabilis naman ang pagkilos niya at nahapit ako sa balakang. Para namang dumaloy ang kuryente sa katawan ko. Iisa lang na tao ang nakakagawa nun sakin..

Si Henly..

Mabilis naman akong kumilos para makalayo sa kanya. Hindi ko alam pero parang may sumaging kakaibang emosyon sa mga mata niya na agad din namang nawala.

"Hi mommy!" Bati ni Heidi sakin. "Im happy that you and mimi were here!"

Ngumiti ako sa bata at hinalikan siya sa bandang ulo.

"Mommy is blushing.." hagikhik niya.

"Hello Tita Yulla!" Bati ni Sadie at Santi.

"Hi Ate Yulla!" Masayang salubong din ni Billie.

My Greatest Fall (Her Property)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon