38

11K 368 239
                                    




Hindi ko inaasahan ang isang pangyayari na magaganap sa araw na ito.

"Yulla.." alalang tawag ni manang sakin.

"Nay bakit po?" Tanong ko rito. Kasalukuyan kasi akong nagbabake ng cake at inaayos ang mga gamit.

"May naghahanap kasi sayo." Parang hindi niya malaman ang sasabihin.

"Naghahanap?" Takang tanong ko. "Wala namang gaanong nakakaalam kung nasan ako nakatira. Sino po yon Nay?"

"I let myself in since kanina pa ako naghihintay. I need to talk to you Yulla." Mataray na intrada ng isang babae na basta nalang pumasok sa kusina. Halata sa mukha ni Manang ang kaba, pag aalala at alam ko kilala niya ang babaeng ito.

"Manang naman..thats not how you treat me before." Sabi nito kay Manang. "Parang hindi mo naman ako kilala."

Siya yong babaeng kasama ni Henly nung gabi ng party. She is really beautiful that I must admit. Matangkad at parang isang modelo sa tindig.

"Pasensya na ho maam." Hingi ng paumanhin ni Manang. Ngumiti naman ito. "Yulla, hija maiwan ko muna kayo."

"Sige po nay."

Matamang tinitigan ako ng babae na ito. Hindi ko siya kilala para hanapin niya ako. Makita ko pa lang siya ay naninikip na ang dibdib ko sa galit.

"Wala pa si Henly dito." Basag ko sa katahimikan at sinimulang ituon ang pansin ko sa gagawin ko. Narinig ko ang bahagya niyang pagtawa.

"I actually want to talk to you."

"Para saan?" Tanong ko.

"Iwan mo na si Henly. I want you to divorce her." Deretsong sabi nito at nabitiwan ko ang hawak ko. Tiningnan ko siya at seryosong nakatingin sakin.

"Oh..oo nga pala. I forgot to introduce myself. My name is Sonia Davis, Henly's first. First in everything..almost a wife.." Mayabang na pagpapakilala niya. "And now Im back I am claiming whats mine."

Hindi ko alam pero mas sumisikip ang dibdib ko. Halos hindi ako makahinga.

"Then asks her to divorce me." Inis na sagot ko sa kanya.

"She wont do that because of Heidi. I know shes keeping you because of that Kid." Sarkastik na tawa niya. "She wont keep you this long kung wala siyang mapapala sayo. Wake up dear..Henly is mine and not yours so bring her back to me now."

"Wala akong ibabalik sayo dahil walang sayo. Asawa ako ni Henly at kasal kami. Mahal niya ako kaya ikaw ang tumigil! Wag mong sirain ang pamilya ko!" Kahit na kapusin ako ng hininga ay nagawa ko p ring sumagot sa kanya.

"Look how pathetic you are. This is for your own good. Masasaktan ka lang ng sobra dahil kahit baliktarin man natin ang mundo mahal ako ni Henly at kahit kailan hindi mawawala yon." Seryoso niyang sabi.

"Kaya ba nagawa mo siyang iwan at ipagpalit siya at saktan ng paulit ulit?" Tanong ko at napansin ko ang sakit na gumuhit sa mga mata niya.

"I have no intentions to do it. Her mom made me do it. Sa sobrang pagmamahal ko kay Henly ginawa ko ang lahat para isalba siya. Her mom will disowned her. She doesnt like me dahil baon kami sa utang at kailangan naming bumangon. Hindi ko kayang ipaglaban si Henly nong mga panahong yon dahil bata pa kami at wala akong maipagmamalaki." Tumulo ang luha sa mga mata niya. "I love her so much that I let her go. Na kahit ang sakit sakit ay tiniis ko. Hindi ko siya kayang makitang naghihirap. Knowing her mom." Pinunasan niya ang luha nya. "Walang araw na hindi ko siya naisip at alam mo kung gaano kasakit ang maisip na gabi gabi iba ang babaeng kasama nya. Halos mamatay ako nang malaman kong kasal na siya kaya umuwi ako agad. Hindi ko man lang nalaman. Umaasa ako na kami pa rin." Sa narinig kong kwento niya ay nakaramdam ako ng awa. Para akong kontrabida sa relasyon nila na hindi na nila pwedeng ituloy pa.

My Greatest Fall (Her Property)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon