Kung anu ano ang gumugulo sa isip ko habang hinihintay si Henly sa opisina. She should have stayed but she left with that witch. Hindi ko na alam ang iisipin ko ngayon. Naguguluhan ako. Alas sais na pala ng gabi nang mapatingin ako sa relos at gising na rin si Heidi na busy sa pagbabasa ng lessons niya."Mommy? Matagal pa ba si mimi?" Tanong ng anak ko.
"Hindi ko alam anak. Hindi siya nagsabi." Sagot ko sa kanya.
I tried to call her multiple times pero di niya sinasagot hanggang sa maging unattended na ang number niya. Napabuga nalang ako ng hininga at naiinis na ako. Pakiramdam ko napapagod na ako. Bakit ba kasi hindi niya magawang magsabi sakin? Pakiramdam ko kasi may mali.. hindi ko maipaliwanag.
"Mommy?" Tawag sakin ni Heidi. "Im hungry."
Napatingin ako sa relos.
Alas syete na pala ng gabi. Ngumiti ako sa anak ko. Mabuti nalang kasama ko siya kundi kanina pa ako umiiyak.
"Sorry anak. Tara uwi na tayo." Aya ko sa kanya.
"Pano si Mimi?" Tanong niya. "Dba sasabay siya sa atin?"
"Late na anak. Baka busy sa work ang mimi mo." Paliwanag ko sa kanya napasimangot naman ang bata sa sinabi ko pero alam ko na nahalata niya ang lungkot ko nang matamis siyang ngumiti sakin.
"It is okay mommy. Ill take care of you." Malambing na sabi niya at humawak sa kamay ko. "Let's go home."
Lumabas na kami ng opisina ni Henly. Halatang pauwi na rin ang ibang empleyado. May ilang bulungan akong naririnig at mga tumitingin sakin. Wala na akong lakad pa para pansinin sila kaya pinagsawalang bahala ko nalang. Bahala sila sa iniisip nila dahil wala akong pakialam.
Naalala ko na wala nga pala si Kuya Delfin dahil pinauna ko na kanina dahil sabay dapat kami ni Henly.
Magtataxi nalang siguro kami.
Nasa may taxi bay kami nang biglang may humintong kotse sa tapat namin.
"Yulla.." tawag ni Sunny at mabilis na bumaba sa kotse.
"Hi." Tipid na bati ko sa kanya.
"Bakit kayo andito? Nasan sundo nyo? Pauwi na ba kayo?" Sunos sunod niyang tanong.
"Uhmm oo. Pauwi na kami. Wala si kuya Delfin ngayon." Sagot ko.
"It is not safe sa inyo ng bata na umuwi ng ganitong oras. Hahatid ko na kayo." Alok niya. Napatingin ako sa bata na nakahawak sa kamay ko. Tama siya..mahirap na sa panahon ngayon.
"Sige Sunny. Salamat." Nakangiti kong tanggap sa alok niya. Matamis naman siyang ngumiti sakin. Una niyang binuksan ang pinto sa likod ng kotse niya at pinasakay ko si Heidi. Siya na rin ang nag ayos ng seat belt ng anak ko.
"Thank you." Magalang na sabi ko Heidi.
"Youre welcome princess." Sagot ni sunny sa kanya. Bubuksan ko na sana ang pinto sa passengers seat nang unahan niya ako. Gentlewoman?
"Salamat." Sabi ko sa kanya. Matamis siyang ngumiti sakin at nang masara ang pinto ay mabilis na siyang umikot para sumakay. It feels like marami siyang nais sabihin pero di niya masabi dahil andito ang bata.
"Di ka na nagtetext sakin." Nakanguso nitong sabi.
"Uhmm..nasira kasi ang phone ko. Hindi pa ako nakakabili uli." Pagsisinungaling ko sa kanya.
"I see.. kala ko kasi iniiwasan mo ako." Malungkot na pag amin niya. Hindi naman ako makasagot sa kanya at tumingin nalang sa labas. Nang makarating kami sa bahay mabilis siyang bumaba ng kotse para pag buksan ako kasunod naman non ay si Heidi.
BINABASA MO ANG
My Greatest Fall (Her Property)
RomanceThis will be another gxg story. Completed story. #35 highest ranking achieve in romance category. Simple lang buhay ko. Yong normal lang na nilalang hanggang may dumating na kakaibang pangyayari na siyang nagbigay ng kakaibang gulo sa mundo ko. I am...