Maayos naman ang pag stay ko sa bahay nila. Alam ko na nahahalata ni Henly na iniiwasan ko siya at mas mabuti na rin na hindi siya lumapit sa akin non. Minsan nakakaramdam ako ng inis sa kanya dahil kung wala siyang gagawin wala talagang mangyayari. Hindi ako makikipagbalikan sa kanya. Minsan naiisip ko rin na baka tanggap na niya na wala na talagang kami. Kaya naghahanda na ako kung sakaling isang araw matanggap ko na ang divorce na hinihingi ko.Diba, dapat maging masaya ako dahil ito naman ang gusto ko?
Hinatid niya ako sa opisina nung umaga mga 3:30am dahil ang shift ko ay 5:00am. Kay kuya delfin sana ako magpapahatid pero nasa kusina na siya non. Sa kwarto ako ni Heidi nagstay. May mga damit pa naman ako sa dating kwarto namin na pinakisuyo ko kay Manang na kunin dahil ayaw kong pumasok sa kwarto namin. Nalaman ko rin kay manang na mula nung umalis ako hindi na rin ginagamit ni Henly ang kwarto na yon. Ginagamit nalang niya yong kwarto sa 3rd floor sa may private pool area niya. May isang kawrto kasi doon.
"Sanya.. andito na tayo." Tawag pansin niya sa akin dahil malayo ang ulirat ko.
"Uhmm.. sorry." Bigla kong sabi. "Salamat sa paghatid." Bubuksan ko na sana ang pinto ng kotse nang pigilan niya ako.
"Let me." Sabi niya at mabilis na bumaba ng kotse para pagbuksan ako. Naalala ko ang mga panahon na si pa niya ito ginagawa sakin.
"Thanks." Tipid kong sabi. "Alis na ako. Ingat ka." Tumalikod na ako.
"Sanya.. wait." Hinawakan niya ang kamay ko at bahagyang hinila pag lingon ko sa kanya binigyan niya ako ng smack sa labi na bahagya kong kinagulat.
"Mula ngayon.. ihahatid na kita lagi sa pagpasok mo at susunduin kita." Sabi niya. Hindi pa ako nakakabawi nang magmadali siyang pumasok sa loob ng kotse. Kinatok ang binatana niya.
"Henly..hindi mo naman." Putol kong sabi nang magsalita siya.
"Bye love, see you later. I love you." Tinaas na niya ang binatana ng kotse niya at umalis na. She left me dumbfounded.
Nasa opisina na ako at kung anu ano naman ang iniisip ko. I tried my best to focus on my work. Kahit kailan puro nalang siya. Malakas akong napabuntong hininga.
"Yulla.." may tumatawag sa akin pero hindi ko pinapansin. Pre occupied pa kasi ang isip ko at baka yong mga kasamahan ko nanaman ito na nangungulit.
"Yulla?" Tawag uli niya at alam ko na nasa malapit siya. Binaba ko ang headset ko para harapin ang makulit na tumatawag sakin.
"Bakit..ba..." putol kong sabi nang makita ang nakangiting mukha ni Brie. Ramdam ko naman ang mga mata sa paligid na nakatingin sa amin.
"Uhmm.. busy ka kasi masyado. Samahan mo naman ako kumain mamaya after ng pasok mo. Para naman makapag usap tayo uli." Deretso niyang sabi.
"Ano kasi..ano.." di ko malaman ang sasabihin ko.
"Hindi kasi tayo masyadong nakapag usap nong huli. Hindi ganun ka klaronat hindi rin maganda yong huli nating pag uusap." Agad nyang dugtong.
"Uhmm kasi.. dont worry. I won't push anymore. Alam ko naman na hanggang kaibigan lang talaga at nauunawaan kita. I am here as a friend." Sincere na sabi niya. She looks okay now. Sana nga dahil ayaw ko na nasasaktan siya. Sobrang bait niya at ang swerte ng babae na mamahalin niya.
"Uhmm sige." Sagot ko at ngumiti siya.
"Alright then, see you later." Sabi nito at tumayo na. Pagkalabas na pagkalabas naman niya ay ang mga kasama ko nagkumpulan sa tabi ko na kinikilig. Napailing nalang ako sa kanila. Masaya ako na okay na rin si Brie. Magaan na ang atmosphere sa aming dalawa.
BINABASA MO ANG
My Greatest Fall (Her Property)
RomanceThis will be another gxg story. Completed story. #35 highest ranking achieve in romance category. Simple lang buhay ko. Yong normal lang na nilalang hanggang may dumating na kakaibang pangyayari na siyang nagbigay ng kakaibang gulo sa mundo ko. I am...