Maaga na akong nag asikaso kinabukasan dahil sa hindi rin ako.makatulog. Ang anak ko naman sinilip ko sa kwarto at mukhang tulog ba tulog. Napangiti naman ako dahil sarap na sarap siya sa tulog niya at dahil maaga pa naman hindi ko na sya ginising. Maghahanda muna ako ng almusal niya.
Pagbaba ko nairita naman ako sa nakita ko. Magkasama nanaman yong dalawa sa sala at naglalampungan. Ayan ba ang walang sila? Mabuti nalang at di ko kasama si Heidi pababa kundi karumaldumal na kalaswahan ang makikita niya. Natigil naman sila nung nakita ako.
"Hi Yulla!" Bati nito sakin. Tipid kong ngumiti at dumeretso sa kusina. Inihahanda ko na ang lulutuin na breakfast ni Heidi.
"Yulla, hija." Tawag pansin ni Manang sakin.
"Po?"
"May naghahanap sayo sa labas. Kaibigan mo raw?"
"Kaibigan? Wala naman nakakaalam na andito ako." Takang sabi ko. "Anong name?"
"Ano ngang sabi nung bata na yon. Tomboy hija ee, magandang bata din kaso gupit lalaki. Ayon Mars daw!"
Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni manang. What the heck just happened? Paano niya nalaman na andito ako at saka hindi naman kami nag usap. Hala anong kalukohan ito?! Mabilis naman akong lumabas at nakasalubong ko pa si Henly na papasok naman sa kusina. Mabuti at hindi pinapasok ni manang. Natanaw ko siya agad na nakasandal sa isang big bike. Infairnes ang gwapo niya. Naka leather jacket sya, black pants at boots.
Alam ko na nakita na niya ako kasi napangiti siya at may kinuha sa gilid ng motor nya. Bulaklak? Pag ka open ko ng gate ay agad siyang lumapit sa akin.
"Good morning gorgeous! Tama nga sila sa umaga makikita mo talaga na maganda ang babaeng gusto mo. Ang tunay na ganda." Banat niya na kinagulat ko naman.
"Anong ginagawa mo rito?" Agad kong tanong.
"Sorry Yulla, walang alam si insan kaya sinundan kita. Na love at first sight ako sayo at sabi niya imposibleng anak mo daw yong batang kasama mo." Medyo napakamot pa ito sa batok at nagbublush. Maputi rin kasi ito at makisig ang dating. "Para nga pala sayo." Sabay abot ng bulaklak sa akin. Sa totoo lang nagulat ako at lihim na napangiti. Ito ang unang beses ko na bigyan ng bulaklak.
"Ha..ano kasi Mars, sana di mo na ito ginawa..haaaist paano ba ito.." Hindi ko malaman ang isasagot ko.
"You deserve that.. Alam ko kahapon lang tayo nagkakilala at hindi ko na mahintay na makita ka uli kaya pumunta na ako agad. Pasensya na kung nabigla kita." Hingi niya ng paumanhin.
Naloloka naman ako sa pangyayaring ito.
"Can I invite you out?" Tanong niya.
"Sorry Mars, kasi di ko naiiwan ang anak ko. Maya maya kasi magigising na siya eh."
"Maybe next time?" Tanong niya. "Bukas or sa susunod. We can schedule it."
"Sorry pero kasi aalis kami bukas." Napansin ko na nalungkot siya at naaawa naman ako sa itsura niya. Nag effort pa siya na pumunta ng ganitong oras.
"Sayang naman." Malungkot niyang hayag. "Dont worry..marami pa namang ibang pagkakataon eh.. Sana next time payagan mo ako."
"Ano kasi Mars, wag mo naman akong binibigla.." natataranta kong sabi.
"Yulla, can I court you?" Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Kasasabi ko lang na wag biglain eto naman ang follow up niya.
"Sorry Yulla, gusto talaga kita nung una palang kitang makita."
Hala..first time na may mag tanong sa akin ng ganito at talagang nagulat ako.
"Sanya!" Cold na tawag ni Henly. Masama ang tingin niya sa amin?
BINABASA MO ANG
My Greatest Fall (Her Property)
RomanceThis will be another gxg story. Completed story. #35 highest ranking achieve in romance category. Simple lang buhay ko. Yong normal lang na nilalang hanggang may dumating na kakaibang pangyayari na siyang nagbigay ng kakaibang gulo sa mundo ko. I am...