Late na rin kami nagising ni Henly kaya halos hapon na nang makarating kami sa hospital.
Gamit ang sasakyan niya na hinatid ni Manong Delfin ay tinungo na agad namin ang hospital na pinagdalhan sa kapatid ko na pag aari rin ng pamilya nila.
Sa isang opisina kami pumunta dahil kakausapin daw niya yong pinsan niya na sinabihan niya.
"Henly, mabuti at napadaan ka na rito. Akala ko maaga kayo at hapon na oh." Bati sa kanya ng isang babaeng doctor.
"Hey.." bati niya sa doctor. Matangkad ito sa kanya at maganda rin na medyo pangahin nga lang at brown ang mata.
"Who's this pretty girl with you?" Tanong nito na nakatitig sa akin.
"Hill, back off thats my wife. Don't look at her like that!" Masungit na sabi ni Henly at inakbayan pa ako. Nanlaki ang mata nito. Sa tingin ko les din ang siya. Ang gaganda nilang nilalang nakakaloka lang.
"Woah! Ang daya mo! Di ka man lang nagsabi at di ka nang invite sa kasal nyo! Iniisip ko na gf mo palang siya dahil sa.." natigilan niyang sabi at matalim naman siyang tiningnan ni Henly. Pakiramdam ko si Sonia ang nais niyang tukuyin.
"Next week sa US papakasal kami punta ka kung gusto mo. Saka yang bunganga mo masyadong madaldal at kung ano ano pa sinasabi mo.."
"The hell?! Pati sa US? Badtrip ka bakit ngayon ka lang nagsabi?! May mga pasyente pa ako." Busangot na sabi nito. "But I will try saka sorry na. Nakakabigla lang kasi." Sabi nito sabay ngumiti. May dimples din siya gaya ni Briella.
"Sige..anyways kamusta yong binilin ko?" Tanong ni Henly.
"Naka schedule na siya sa makalawa. we have the best heart surgeon, equipment and best anesthesiologists for her. Since sabi mo na kailangan siya imonitor at tutok dapat. Kumuha na ako ng 3 magagaling na nurses para bantayan yong bata 24 hours. Settled na ang lahat." Nakangiting sabi ng nurse. "Saka nasa private room siya para less stress. Sagot mo naman lahat eh ahahaha!" Malakas na tawa ng doctor. Halos maiyak naman ako sa narinig. Nakahinga ako ng maluwag at mahigpit kong hinawakan ang kamay ni Henly.
Lumingon siya sa akin.
"Thank you.." medyo namamaos kong sabi dahil sa pagpigil ng iyak. Hinalikan niya ako sa noo.
"Pakilala mo naman ako sa wife mo bago kayo langgamin diyan.." natatawang sabi ng doctor.
"Whatever.. Sanya, pinsan ko pala ang pinakamanyak na doctor..si Hillary Smith. Couz, wife ko Yulla Sanya Smith.. Pero tawagin mo siyang Yulla, 'kay?"
"Bagay sayo ang name mo Yulla.. Sing ganda mo.. Nice meeting you kahit ang pangit ng way ng pagpapakilala sakin nitong asawa mo. Sana mapagtyagaan mo ang pagka bipolar niyan."
Bahagya akong napangiti sa kanya.
"Nice meeting you din. Salamat din sa pagtingin sa kapatid ko."
"Walang anuman. Wag kang mag alala kami na ang bahala sa kapatid mo." Nakangiting sagot niya.
Matapos ang pag uusap na yon ay lumabas na kami ni Henly. Hawak niya ang kamay ko at pupunta kami sa kwarto ng kapatid ko.
"Henly..may mga documents ka pala na kailangan mong pirmahan." Habol sa kanya ni Hillary.
"Hintayin mo ba ako o gusto mo ng mauna?" Tanong niya.
"Pupuntahan ko na siya." Sagot ko. Binigyan niya ako ng smack sa lips bago tumungo kay Hillary na nakangiti. Namula naman ako sa ginawa niya at bahagyang pang aasar ng pinsan niya. Dumeretso na ako sa kwarto ng kapatid ko. Medyo kabado rin ako baka dahil andoon si Kuya at Henry.
BINABASA MO ANG
My Greatest Fall (Her Property)
RomanceThis will be another gxg story. Completed story. #35 highest ranking achieve in romance category. Simple lang buhay ko. Yong normal lang na nilalang hanggang may dumating na kakaibang pangyayari na siyang nagbigay ng kakaibang gulo sa mundo ko. I am...