Kahit pilit ko mang punasan ang mga luha ko ay ayaw nitong tumigil. Nakalimutan ko pa lang itext si Kuya Delfin para masundo ako. Nanginginig ang kamay kong kinuha ang phone ko sa bag kaya nahulog din naman iyon.
Pupulutin ko na sana nang may dumampot na non para sa akin. Her eyes full of sympathy. Siguro kanina pa siya nakamasid sa akin o sa amin.
"I won't ask if your okay or not because the answer is obvious." Sabi nito. Nakayuko lang ako at pilit na tinutuyo ang mga luha ko. Naramdaman ko nalang na hinila niya ako at niyakap.
"Cry as long as you want. I've been there." Muli niyang sabi.
"Sunny.. anong ginagawa mo rito?" Tanong ko. "Kanina ka pa?"
"Medyo lang naman. I was craving for brownies and coffee kaso mukhang may party sa loob then I saw you crying." Sabi nito sa akin. Shes trying to wipe my tears.
"Don't worry.. Ill be fine." Sagot ko. Inabot niya sa akin ang phone ko. Itetext ko na sana si Kuya Delfin nang pigilan niya ako.
"Hatid na kita." Aya niya at hinila na ako papunta sa kotse niya. Pinagbuksan niya ako ng pinto at sumakay na rin ako. Pakiramdam ko pagod na pagod na rin ako at gusto ko ng makauwi. Sinabi ko sa kanya ang address ko at nag drive na rin siya agad. Alam daw niya kung saan yon. Tahimik lang din kami sa buong byahe. Ang isip ko naman ay na kung saan. Nag oover think ako sa mga bagay bagay at hindi ko ito gusto.
"We're here." Sabi niya saka lang ako bumalik sa ulirat.
"Thank you Sunny."
"You are most welcome. Yulla, if you need me I am always here. Please take care of your self." Sincere na sabi niya at hinalikan ako sa pisngi. Tumango na ako at lumabas sa sasakyan niya. Parang may gusto siyang sabihin pero hindi niya masabi. Hindi ko na hinayaang lumabas pa siya dahil malaking abala na ang nagawa ko sa kanya. Mabilis naman akong sinalubong ni Mang Delfin.
"Hija, di ka na nagpasundo?" Alalang tanong ni Kuya Delfin.
"Okay lang po kuya. Hinatid po ako ng kaibigan ko." Sagot ko. Pilit akong ngumiti. Una kong pinuntahan si Heidi sa kwarto niya na himbing na himbing sa pagtulog. Hinalikan ko siya sa noo at bigla akong naiyak.
"Di ko kaya na mawala kayo." Hikbi ko at umalis na ako baka magising pa ang bata. Wala pa si Henly at sinubukan kong tawagan pero nakapatay ang phone niya. Kung anu ano naman ang pumapasok sa isip ko kaya napunta ako sa kusina at naisipan kong uminom. Sige paring tulo ang luha ko. Alam ko na lasing na ako sa dami ng nainom ko kaya pinilit ko nang umakyat sa kwarto. Hindi ko gusto ang pakiramdam na ito. Binalot ko nalang ang sarili ko sa kumot at pinilit na matulog kahit hindi ako dalawin ng antok. Sana paggising ko tapos na ang bangongot na ito.
"""""""
Narinig ko ang pagbukas ng pinto sa kwarto. Nanatili akong walang kibo at nakatalukbong ng kumot.
"Love..sorry nagka aberya lang." sumampa siya sa akin at yumakap. Galit ako sa kanya at naiinis. Ayaw ko siyang kausapin. Nanatili akong walang kibo kahit anong halik pa at yakap ang gawin niya. Masama pa rin ang loob ko.
"Galit ang misis ko." Buntong hininga niya. Nanatili akong walang imik hanggang sa tuluyan na akong nilamon ng dilim at nakatulog na may luha sa mga mata. Sino bang hindi mgagalit sa ginawa nya?
Nagising ako dahil sa sobrang sakit ng ulo ko. Alam ko tanghali na rin dahil sa mataas na ang sikat ng araw. Mabuti nalang Sabado ngayon at walang pasok ang anak ko. Bahagya akong dumilat at napahawak sa ulo ko. Gayon na lamang ang pagkabigla ko sa nakita kong ayos ng kwarto.
Punong puno ng pulang rosas ang kwarto at may teddy bear sa tabi ko. Sobrang dami ng bulaklak sa paligid, nakakamangha.
"Teka? Patay na ba ako?" Tanong ko sa isip ko. Kinuha ko ang teddy bear at yong isang rose. Inamoy ko yon.
"Anong pakulo ng bumili sayo?" Tanong ko sa teddy bear. Pero na ooverwhelm ako sa ginawa niyang ito. Am I all this worth para gawin niya ang ganitong bagay?
"Morning love.." bati niya sa akin at may dalang tray. "Breakfast in bed."
Lumapit siya at nilagay ang tray sa gilid. Hahalik sana siya pero umiwas ako dahil galit pa rin ako sa kanya.
"Anong pakulo mo?" Inis na tanong ko.
"Bumabawe sa Misis ko."nahihiya niyang sagot. Bahagya pa siyang napakamot.
"Don't you like it?" Tanong niya. Kinakabahan ako sa pagbawi niyang ito. Ang alam ko kasi sa ugali niya kapag di siya guilty pinag sasawalang bahala niya lang ang inis ko sa kanya pero ngayon ang sweet niya masyado at nakakatakot.
"Look love..I know what I did last night was unacceptable. Nagkataon lang kasi na magkasama kami meeting nang imbentahan kami ni Dani sa party na yon. Naiwan ko ang phone ko sa office kaya di kita agad nasabihan. Hindi ko naman din maiwan kasi kaibigan namin yon. Dani knows her. I promised her na ihahatid ko siya kasi wala siyang dalang kotse, halos nakalimutan ko na nga siyang ihatid nung hinila kita palabas, nagulat nalang ako nakasunod pala siya at sumakay naman agad..kawawa naman kasi kung hindi ko ihahatid eh." Mahabang paliwanag niya pero irap lang sinagot ko.
"I love you Sanya..you know that." Hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan yon. "Wag ka ng magselos sa kaibigan ko. Wala lang yon kahit tanungin mo pa sila Dani."
"Why would I believe you?"
"Kasi mahal mo ako dba?" Hopefull na tanong niya na kinabuntong hininga ko nalang. Naiinis ako dahil sa mga titig niya, lambing niya at ginawa nyang ito nawala na ang sama ng loob ko sa kanya. Ganito ba talaga ang love? Ganito ba talaga pag asawa mo? Kahit masakit na ay maniniwala ka pa rin sa kanya. Shes my first and I want her to be my last. Sana mali lang lahat ng mga iniisip ko. Dahil hindi ko na kakayanin pa ang sakit.
"Oo na.." halata ang ngiti sa mga mata niya.
"Tatampo ako sayo Love, kung sino sino na ata ang lumapit sayo kagabi. Tas hindi ba alam ng Gerald na yon na asawa kita?" Inis na sabi nito na kinasimangot ko.
"Ewan ko sayo Henly. Ikaw nga ang sweet sweet nyo nung KAIBIGAN mo eh. Para kayong couple. At saka kilala mo pala yong kaibigan na yon ni Dani edi dapat alam niya. Ni hindi nga rin alam nung pinsan mo na si Hellendra na ako asawa mo." Inis na sagot ko sa kanya.
"They knew..hindi palang kita napapakilala. Sorry na love pero wag kang lalapit sa Gerald na yon."
"Eh kung sabihin ko na wag kang lalapit sa kaibigan mo gagawin mo?" Balik ko sa kanya na kinatahimik niya.
"Love naman eh." Maktol niya. "Kaibigan ko yon."
"Fine! Do what you want!" Singhal ko sa kanya at kinuwelyuhan ko siya. "Make sure you wont do stupid things kasi di ako magdadalawang isip na iwan ka. Isa pa bawas bawasan nyo ang kasweetan nyong mag kaibigan dahil hindi magandang tingnan." Gigil na sabi ko sa kanya na pilyang kinangiti niya.
"Nakakatakot naman magselos ang misis ko." Komento niya.
"Henly seryoso ako!"
"I know love.." at hinapit niya ako para siilin ng halik. Nagmamadali akong bumitaw sa kanya.
"Henly di pa ako nagtotoothbrush at naliligo.." pigil ko sa kanya pero pinapapak na ako ng halik sa leeg na kinakakapos ko ng hininga. "Galit pa rin ako sayo.."
"You still smells good love at tatanggalin ko ang galit mo.." husky na sabi niya.
"Let me take a bath first." Nahihiya kong sabi. Muling sumilay ang pilyang ngiti sa labi niya.
"Let me bath you then." Mabilis siyang bumangon at binuhat ako na parang sako ng bigas papunta sa kwarto wala na akong nagawa pa sa kanya. Alam ko rin ang nais niyang gawin sa banyo at naiisip ko lang para naman akong na eexcite. Wife duty it is.
Gusto ko ako lang..gusto ko sa akin lang siya at ako lang ang hahanapin niya. No one will take her away from me.. she had all in me and shes all I have.. I will make sure to fight for her.. my wife.. Shes only mine..
BINABASA MO ANG
My Greatest Fall (Her Property)
RomanceThis will be another gxg story. Completed story. #35 highest ranking achieve in romance category. Simple lang buhay ko. Yong normal lang na nilalang hanggang may dumating na kakaibang pangyayari na siyang nagbigay ng kakaibang gulo sa mundo ko. I am...