Yong akala mong okay na ay hindi pala. Yong akala mong nakahanap ka na ng kakampi ay masasaktan ka pala uli.Pagkahatid ko kay Heidi ay hinihintay ko si Brie dahil may usapan kami ngayon pero mukhang wala pa siya. Lagi naman siyang maaga sa mga usapab namin. May nakita naman akong babae sa may labas ng school na nakaupo sa may bleacher. Naupo na rin ako roon.
"Tagal tagal tagal tagal tagal!"'reklamo ng babae sa tabi ko. "May hinihintay ka din ba dito?"'tanong niya at tumango ako.
"Naku pasaway din yong hinihintay mo! Hindi dapat pinaghihintay ang mga babae."
Maganda siyang babae na parang mukhang barbie doll.
"Alam mo ba kanina pa akong 6am andito para abangan yong taong yon. Di ko kasi maabutan sa bahay nila."
"Wow..kanina ka pala dito. Sino bang hinihintay mo?"
"Uhmm ex ko siya eh. Susunduin ko sana kasi kailangan nyang pumunta sa US. May problema kasi eh sabi ni Tita ayaw nya daw umuwi kaya kaladkarin ko raw."
"I see.. Eh bakit dito mo siya hinihintay?"'tanong ko.
"Dito raw siya lagi sabi ng maids nila. Saka sabi rin ng pinsan niya."
"Ah kaya pala.."
"Ikaw ate? Sino hinihintay.." Hindi na niya natuloy ang sasabihin niya nang bigla itong tumili. "Brielleee!" Agad siyang tumakbo kay Brie at niyakap ito at pinaghahalikan. Napatingin nalang ako sa kanila at pakiramdam ko naloko uli ako.
Tumayo na ako para umalis pero naramdaman ko ang paghawak niya sa braso ko.
"Yulla wait.." pigil niya sa akin.
"It's okay Brie..kanina ka pa niya hinihintay.." pilit akong ngumiti sa kanya.
"It is not what you think." Para namang nag echo yon sa pandinig ko. Sinabi rin yon ni Henly. Napabuntong hininga nalang ako.
"Brielle? Kilala mo pala si ate? Ano mo siya?" Tanong nung babae. Nakatitig lang sakin si Brie at napaiwas ako ng tingin sa kanya. Ang mga mata niya parang nagsusumamo na wag akong umalis.
"Yulla.. Please." Pilit kong binabawi ang braso ko pero di naman niya yon binibitiwan.
"Fine, lets go." Hinila na ako ni Briella at mabilis namang humarang ang babae.
"What is going on?"'iritang sabi ng babae.
"Terese please leave.." kalmadong sabi ni Brie sa babae pero may diin ang nga sinasabi nito.
"Fine! Pero sana maaawa ka kila Tita! Wag kang selfish masyado." Iritang sabi nito. Tumingin pa siya sa akin at umalis na. "Ito lang pala ang pinagkaaabalahan mo dito."
Umalis naman na agad yong babae kanina na halatang naiinis. Sabagay kanina pa siya naghihintay at ex din siya ni Brie at ganito pa ang makikita niya, syempre masasaktan yon at halata naman na may feelings pa siya kay Brie.
"Uuwi na ako." Sabi ko sa kanya.
"Dba may usapan tayo?" Malungkot na sabi niya. "Yulla naman.."
Hindi ako makaimik dahil natatakot ako sa pwedeng mangyari. Sobrang natrauma na ako sa nangyari sa akin kay Henly noon lalo pa ngayong nagugustuhan ko na si Brie. Yes..I like her..
Tumalikod na ako pero hinila na niya ako payakap sa kanya.
"Wag mo akong iwan.." naiiyak na sabi niya.
"Sorry..masyado lang siguro akong takot. I think I should tell you my story." Seryoso kong sabi sa kanya.
"Im all ears.. Makikinig ako sa lahat ng sasabihin mo. I am just waiting for you to open up. Saka Yulla, ex ko siya pero matagal na kaming wala. Ikaw ang Mahal ko maniwala ka sa akin." Hayag niya at hinawakan ang mga kamay ko.
BINABASA MO ANG
My Greatest Fall (Her Property)
RomanceThis will be another gxg story. Completed story. #35 highest ranking achieve in romance category. Simple lang buhay ko. Yong normal lang na nilalang hanggang may dumating na kakaibang pangyayari na siyang nagbigay ng kakaibang gulo sa mundo ko. I am...