47

12.5K 388 45
                                    




Bumalik na kami sa may operating room at nandoon pa rin si Hillary. Mukhang sinamahan niya si Brit. Napabuntong hininga ako. As possible ayaw ko sana na maka encounter ng kahit sino na may kinalaman kay Henly dahil pakiramdam ko baka anytime soon magkita kami. Hindi ko kaya. Mahirap at masakit.

Paano kung may iba na siya? Paano kung naging sila na ni Sonia? Magulo ang isip ko pero ang nais ko lang naman ay di na masaktan nang dahil sa kanya. It was so tiring to love her. Aminado ako mahal ko pa rin siya kahit sa kabilang banda ay galit ako. I am starting to accept the consequences of my action, sa paglayo ko sa kanya.

Nakangiting papalapit sakin si Hillary.

"Kuya sandali lang." paalam ko kay kuya. Sinabayan naman ako ni Hillary sa paglalakad.

"Mukhang okay na kayo ng kuya mo." Puna niya at bahagya akong napangiti.

"Oo.."

Sa likod kami ng hospital pumunta kung saan tahimik at walang gaanong tao.

"Why did you leave?" Tanong niya.

"I need to.." malungkot na sabi ko.

"Tell me what happened and I promise I will keep this as a secret. I need to know because I might help you and her."

"Sorry Hillary.. Hindi ko pa kaya." Nahihiya kong sagot.

Napabuntong hininga siya.

"This is about Sonia. I know there was something wrong. Kahit si Henly ayaw magsalita pero Yulla, kilala ko si Henly. Mahal ka niya." Sincere na sabi niya pero ayaw ng maniwala ng isip ko na mahal ako ni Henly.

"Did you gave her a chance to explain?" Dugtong niya.

"I have enough evidences. I even saw it with my own eyes. She never bother to explain. She never cared about me." Buong hinanakit kong sabi. Naramdaman ko nalang ang yakap ni Hill sakin. Hindi ko napansin na lumuluha na pala ako. Sariwa parin ang lahat. Masakit pa rin. Hindi ko pa rin pala kaya.

"Its okay Yulla.. I am here to listen and help you. Hindi mo kailangang pilitin ang sarili mo." Pag aalo niya sakin at hinayaan na niya ako na di na muna magsalita. Pakiramdam ko may alam si Hill at may gusto siyang sabihin pero pinipigilan niya ang sarili niya.

Okay na ang ganito..

Nang okay na ako ay sinamahan na niya ako pabalik kila kuya. Andoon na si Henry na halata ang pagod sa itsura niya. Mabilis itong tumayo at lumapit sakin kinabahan ako dahil baka kung anu ano nanaman ang sabihin niya pero laking gulat ko dahil tinawag niya akong ate saka ako niyakap.

"Ate sorry! Sorry!" Iyak niya sakin. Niyakap ko na rin siya at mas lalo akong nabunutan ng tinik. Finally, okay na kaming magkakapatid. Darating din pala ang araw na mag kakaayos kaming lahat.

"Its okay Henry. Sabi ko naman dba lagi akong nandito para tulungan kayo. Wag kang mag alala hindi ako galit sayo." Malumanay kong sabi.

"Ate salamat sa tulong mo. Salamat kasi kahit naging masama ako sayo ikaw parin ang unang tumulong sakin ng walang pagdadalawang isip. Ang laki kong tanga. Sorry ate kung sinaktan kita. Sa mga paratang ko sayo."

"Okay na tayo Henry yon ang mahalaga. Kalimutan na natin ang nakaraan. We can still start a new life na maayos tayong lahat." Nakangiti kong sabi sa kanya.

"Ate hindi ko alam kung paano kita papasalamatan."

"Hindi na kailangan. Kapatid kita at mahal ko kayong lahat."

Muli niya akong niyakap at sobrang saya ko sa araw na ito. Nabawasan ang problema at bigat na nararamdaman ko. Ayos na kami ng pamilya ko. Salamat naman..

My Greatest Fall (Her Property)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon