52

13.1K 361 16
                                    



Ilang minuto na ako sa kinatatayuan ko at wala pa ring taxi. Gusto ko ng makauwi dahil sa napakalamig. Maya maya may dalawang lalaki na pumwesto sa may kinatatayuan ko rin. Bahagya naman akong kinabahan dahil ramdam ko na nakamasid sila sa akin. Hindi ko rin naman malaman ang gagawin at sumisikip na ang dibdib ko sa kaba.

"Miss, mag isa ka ata?" Sabi ng isang lalaki. Hindi naman ako nakaimik dahil sa kinakabahan ako.

"Nag aabang ka ba ng taxi?" Tanong ng isa. Kailangan kong sumagot para hindi nila isipin na mag isa lang ako. Ayaw kong maging judgmental pero iba ang kaba na nararamdaman ko.

"Uhmm. May sundo ako parating na po." Sagot ko na pilit pinapakalma ang loob ko. Natawa naman yong isa sa sinabi ko.

"Kanina ka pa nariyan sa tingin mo ba susunduin ka pa non? Why don't you join us? Hatid ka namin mamaya." Nakangising sabi nito na mas lalong nagpapakaba sakin gawa ng paraan na pagtingin nila. I need to go back to the restaurant!

Lalayo na sana ako nang bigla akong hawakan sa braso nung isang lalaki.

"Miss sama ka na samin. Mag eenjoy ka naman." Ngisi naman nung isa sakin.

"Bitiwan mo ako." Pag pupumiglas ko at pilit na pinakalma ang sarili ko dahil kapag nagpanic ako hindi ko na alam ang gagawin ko.

"Sumama ka na samin para di ka masaktan." Sabi ng isang lalaki. Sobrang naninikip na ang dibdib ko sa takot. Lalapit na yong isa para yakapin ako nang malakas ko siyang sampalin. Nakita ko ang galit sa mukha nito. Napahawak sa mukha niya at masamang nakatingin sa akin. Nakita ko ang pagtaas ng kamay niya hudyat na sasampalin ako pero walang kamay na dumapo sa mukha ko. Napilitan akong maladilat gawa nang narinig ko ang impit na paghiyaw nung lalaki.

Nasa tabi ko na pala siya.. hawak ang wrist ng lalaki na sasampalin ako. Masama siyang nakatingin dito. Susuntukin siya nung isa pero agad niya itong nasikmuraan. Timadyakan naman niya yong lalaki na muntik na akong masampal.

"You bastard!" Galit na sigaw ni Henly sa kanya habang pinagtatadyakan ito na nakahiga na sa semento na nababasa ng ulan. Susugurin siya nung isang lalaki at bahagya siyang nasuntok.

Masama niya itong tiningnan kasabay ang pag ganti ng suntok sa sikmura at mukha ng paulit ulit. Walang nagawa yong dalawa sa kanya lalo pa halata sa mukha ni Henly ang galit.

"You stupid asshole! Dare to touch my wife and your dead!" Sigaw ni Henly sa mukha nito na kinuwelyuhan. Basang basa na siya ng ulan at ako naman ay takot na takot na.

Sobrang lakas niya na halos walang magawa sa kanya yong dalawang lalaki na yon. Natatakot ako na baka sa kagugulpi niya ay mapatay niya pa. Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang braso niya dahil susuntukin niya uli ito.

"Henly..tama na..baka mapatay mo sila." Naiiyak kong sabi at basang basa na rin ako ng ulan. Natigilan siya at napatingin sa akin. Lumambot ang expression ng mukha niya. Hinila niya ako payakap sa kanya. May kinuha siya sa bulsa at tinawagan. May mga guard na biglang rumesponde.

"Maam Henly? Ano pong nangyari?" Tanong nung guard.

"Siguraduhin niyong makululong ang dalawang yan sa panghaharas sa asawa ko." Galit na sabi ni Henly.

Yon lang ang sinabi niya at hinila na niya ako palayo sa lugar na yon. Gawa ng takot at panginginig dahil sa lamig at lakas ng ulan, hindi ko namalayang napasakay na pala niya ako sa sasakyan niya. Bumalik nalang ako sa ulirat nang punasan niya ang mukha ko.

"Are you okay? Love?" Malambing na tanong niya na nag aalala sakin. Bumilis naman ang tibok ng puso ko. Hindi naman ako makaimik at nanatiling tahimik.

My Greatest Fall (Her Property)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon