Nanlumo ako sa narinig..para akong binagsakan ng langit at lupa. Please lang panaginip lang ang lahat ng ito diba? Sana magising na ako. Umiiyak na silang lahat.. pakiramdam ko namatay din ako..Wala na nga ba talaga si Henly?
Huli na ba talaga ang lahat?
Ito na ba yong sinasabing huli na at nasa huli ang pagsisisi?
Lumapit ako sa kanya kahit hinang hina na ako. Walang tigil ang pagluha ko. Nagsisisi ako sa mga ginawa ko. Gusto kong magwala.. hindi pwede to.. hindi..
"Damn you Henly! Biro lang to dba? Dba?" Patuloy prin ako sa pag iyak. Di sila umiimik at tulad ko ay umiiyak din. Hindi rin sila makapaniwala sa nangyayaring ito.
"Henly! Please wag ko akong iiwan mahal na mahal kita. Di ko kayang mawala ka na ng tuluyan sakin. Sorry sa nasabi ko nung nakaraan.. hindi ko sinasadya yon! Nagalit lang ako at nagselos. Please Henly gumising ka na.. ikamamatay ko kapag nawala ka na. I swear na susunod ako sayo kapag iniwan mo ako right on this moment! Henly! Please mahal na mahal kita! Pangako babalik na ako sayo! Uuwi na ako tapos magsisimula uli tayo!" Hagulgol ko sa kanya at nakaramdam ako ng yakap.
"Promise ko sayo.. makikinig muna ako sayo! I will not going to jump into any conclusions. Hindi na ako tatakas! Mas magiging matapang na ako... Kakalimutan natin ang mga pangit na pangyayari! Please Henly.. wag mo akong iwan." Patuloy pa rin ako sa pag iyak at nahigpit siyang yakap.
Hindi ko kayang mawala siya..
"Henly.. mahal na mahal kita.. hindi nagbago yon kahit umalis ako. Ikaw lang ang tanging minahal ko.."
Nakaramdam ako ng kamay na yumakap sa akin. Isang mahigpit na yakap na para akong nabuhay at nakahinga ng maluwag. Napatingin ako sa kanya at hindi nakapaniwala na nakatitig ako sa berde niyang mga mata..
"Love..sabi mo yan ah.. wala ng bawian." Malamlam ang mga mata niyang nakatingin sa akin. Gising siya! gising na siya! Buhay si Henly!
Saka nagtawanan sila George at Kathy habang ang mommy naman niya ay pumapalakpak. Napatingin ako sa paligid sa kanila..
Natahimik naman ako sa nangyayari. Wtf? Pinagkaisahan nila akong lahat?!
"Henly Fleur Smith! Nakakainis ka!" Sigaw ko sa kanya. Tumatawa na rin siya dahil marahil sa namumula na ang mukha ko sa inis pero niyakap niya ako at hindi pinapakawalan.
"Marami akong witness sa mga promises mo. Walang bawian love.. mahal na mahal kita." Malambing na sabi niya.
"Nakakainis ka! Siraulo ka! Ang sama sama mo!" Iyak ko habang hinahampas siya sa dibdib. Nakakainis talaga siya sobra akong natakot.
"Sorry na love.. ito lang daw ang way para aminin mo na mahal mo pa rin ako. Masaya ako sa mga narinig ko mula sayo.. sabi na eh mahal mo talaga ako. Takot ka lang love.. sorry kailangan na namin talaga itong gawin.. actually.. It was mommy's idea. Thank you mommy.. the best ka talaga."
Naka thumbs up pa ang mommy niya habang nagpupunas ng luha. Napatitig ako uli sakanya. Nagulat siya nung niyakap ko siya. Sobrang higpit na para bang takot na takot ako na mawala siya. Napaiyak uli ako sa dibdib niya.
"Wag na wag mo ng uulitin ha.. lalo na ang pagtangkaan ang buhay mo. Halos di ko kayanin alam mo ba." Patuloy pa rin ako sa pag iyak. Bahagya niya akong nilayo sa pagkakayakap sa kanya para titigan. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko habang pinupunas ang luha at hinalikan sa noo. "Akala ko tuluyan ka ng mawawala sa akin.."
BINABASA MO ANG
My Greatest Fall (Her Property)
RomanceThis will be another gxg story. Completed story. #35 highest ranking achieve in romance category. Simple lang buhay ko. Yong normal lang na nilalang hanggang may dumating na kakaibang pangyayari na siyang nagbigay ng kakaibang gulo sa mundo ko. I am...