Henly is now avoiding me which is much better dahil sa tuwing nakikita ko siya naiinis ako dahil sa ginawa niya sa akin.Ayaw ko rin siyang pansinin pa.
Hindi ko alam kung ano ang nasa isip niya at wala rin akong planong malaman. Makasarili siya at self centered.
Mas late na siyang umuwi at lagi ko ring napapansin na lasing siya o kaya nakainom. Lagi akong nasa kwarto ni Heidi dahil natatakot ako sa kanya. Dahil baka maulit yong ginawa niya sa akin sa van. She was like a different person. Ano kayang nangyayari sa kanya? Namimiss ko yong malambing na Henly na kahit medyo manyak ay makulit at sweet. Yong Henly na nagustuhan ko. I missed looking on her green eyes, her warm hugs and naughtiness.
Napabuntong hininga ako sa pag iisip.
Baka ganoon talaga ang totoo niyang pagkatao.
I need to relax. Masyado na akong nasatress sa nangyayari.
Naisipan kong mag mall para bumili ng ilang bagay na kailangan ko pero masyado pang maaga kaya nag iisip ako ng pwedeng puntahan muna.
"Mommy? Are you okay?" Napabalik ako sa ulirat nang marinig ko ang boses ni Heidi. She was looking at me worriedly. I smiled at her and pinche the tip of her nose.
"Im okay sweetie. Mommy is just thinking something."
"Dont think too much mommy! Mimi loves you." Hagikhik niya. Ayaw ko namang makita niya na di ko nagustuhan ang sinabi niya at pilit na lamang akong ngumiti.
"Bye mommy! See you later!"'paalam ni Heidi sa akin. "Take care."
"Bye sweetie." Humalik na siya sa akin at lumabas na ako ng school nila. It feels like Heidi is coping up already at masaya ako dahil mukhang okay naman na ang bata.
Lumabas na ako at iniisip ko pa rin kung saan ako pupunta ngayon. I grabbed my phone to text some of my friends nang biglang may big bike na huminto sa harap ko. Agad akong napatingin rito.
"Yulla.." nakangiting tawag sa akin ni Briella. Tinanggal niya ang helmet at bumaba sa sinasakyang motor. She looks cool and different on her outfit but she looks hot.
Naka ripped jeans siya with matching highcut na converse na black at tank top sa loob ng black na leather jacket. Nagpaiksi siya ng buhok na medyo hanggang batok pero nakatali naman ito at nag bangs siya. And what complete her looks? Her new hair color na ash light blonde.
"Do you like it?" Tanong niya sa akin.
"You look different." Sagot ko nang makabawi.
"This is really me. I prefer this style." She smiled sweetly. "I just need to change a bit because I need to teach kids." Sagot niya.
"Ah..kaya pala si Teacher Marinela na ang nagtake over."
"Yup! Nag cover lang ako sa pinsan ko." Sagot nya.
"Well, you look good on that. Di ka na masyadong girly." Natatawang sabi ko sa kanya. "You look cool."
Napansin ko na nagblush siya.
"So anong pinagkakaabalahan mo ngayon?" Tanong ko.
"Small business saka admin naman ako sa school."
"Ah kaya pala."
"Have you eaten? Kasi ako hindi pa. Ayain sana kita."
"Uhmm.. May pupuntahan sana ako ngayon." Sagot ko.
"Samahan na kita. Balikan nalang natin si Heidi kapag uwian na nila." Offer niya.
"Sige." Sagot ko. Pumayag na ako dahil hindi ko rin naman alam kung saan ako pupunta.
BINABASA MO ANG
My Greatest Fall (Her Property)
RomanceThis will be another gxg story. Completed story. #35 highest ranking achieve in romance category. Simple lang buhay ko. Yong normal lang na nilalang hanggang may dumating na kakaibang pangyayari na siyang nagbigay ng kakaibang gulo sa mundo ko. I am...