Niyaya ako ni Briella na lumabas ng isang gabi at pumayag naman ako dahil gusto ko rin namang makaranas uli ng gala. Hindi naman ako nahirapan kay Heidi dahil magbebehave naman daw siya sa yaya niya. Hindi ko lang masabi na si Briella ang kasama ko dahil baka magalit ang bata.
I just want to enjoy myself.
Sinundo ako ni Briella gaya ng usapan namin ng 7:00pm. Naka park na ang kotse niya sa may gilid at mabilis naman siyang bumaba nang nakita ako.
Naka black siya na parang polo na blazer ay may panloob na sa tingin ko ay white. Naka slacks siya na fit sa kanya. Yong buhok niya nakalugay and I must say she looks so cool and hot. Mabuti nalang ay nagdress ako. Medyo nahirapan din ako pumili. s
She smiled at me at nahiya ako sa way ng pagtingin niya sa akin. Kinulot ko ang dulong bahagi ng buhok ko na may clip sa gilid at inayos ko ang bangs ko. Nagsuot din ako ng heels."You are gorgeous as ever." Bungad niya sa akin.
"Sus bola.." natawa kong sagot.
"Im just stating the obvious." Ngiti niya sa akin at humalik sa pisngi ko.
"At ikaw naman..uhmm You look handsome." Nakangiti kong sabi sa kanya at napangiti naman siya agad na labas ang dimples niya. Shes so cute!
"Thanks.." pinagbuksan niya ako ng pinto na kotse at inalalayang sumakay.
Nag dinner kami sa isang restaurant na pinareserve niya daw. Maganda sa lugar na yon kaso lang masyadong classy. Kaya pala nagtext niya magsuot ako ng formal.
May nagmumusic din sa gilid at romantic ang place para sa mga couples na nagdadate. Henly never did this to me.
"Yulla? Is there something wrong?" Alalang tanong niya. Naguilty naman ako. Hindi ko dapat isipin ang isang taong walang pakialam sa akin. I should focus on this date and to this wonderful person whos in front of me.
"I'm okay." Ngiti ko sa kanya at pinisil ang kamay niya. Ngumiti siya sa akin. Nagkwentuhan kami ng kung anu ano tungkol sa mga ginagawa namin. She always uplift the mood kapag nagiging malungkot ang kwentuhan.
Tumayo siya sa gilid ko at inilahad ang kamay.
"May I have this dance with you."
"Hindi..ako marunong." Nahihiya kong sagot. Inabot ko naman ang kamay ko sa kanya para hindi siya mapahiya.
"I'll guide you." Bulong niya sa akin at hinila na ako sa gitna. May nga couples na sumasayaw na rin. Nilagay niya ang mga braso ko sa balikat niya at ang mga kamay niya ay nasa bewang ko. Napangiti ako sa kanya at ganun din siya. Ang ganda talaga niya lalo na sa malapitan.
"I'm happy na pumayag ka sa date na ito."
"Bakit naman hindi." Natatawa kong sagot sa kanya at bahagya siyang natawa.
"I love you Yulla.." malambing na sabi niya sa akin. Hindi naman ako makasagot. Ngumiti siya sa akin. "Dont worry, I will wait."
First time ko na may nagsabi sa akin ng I love you. Aaminin ko sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Isinandal ni Briella ang ulo ko sa dibdib niya at na relax ako.
BINABASA MO ANG
My Greatest Fall (Her Property)
RomanceThis will be another gxg story. Completed story. #35 highest ranking achieve in romance category. Simple lang buhay ko. Yong normal lang na nilalang hanggang may dumating na kakaibang pangyayari na siyang nagbigay ng kakaibang gulo sa mundo ko. I am...