44

12.1K 384 62
                                    



Thankful ako kay Hillary dahil sa utos nya na bawal na may pumasok sa silid ko. Ayaw ko muna ng may kausap o kahit na sino. Pakiramdam ko rin na wala na akong gana sa buhay pero I need to go on. Kailangan kong maging malakas para ipakita sa kanya na mali na sinaktan niya ako ng ganito.

Kahit mahal pa rin kita Henly hindi na ako maniniwala at makikinig sayo. Hindi ka rin naman naniniwala sakin. You never listen to me. You never trust me.

And now everything is ruined.

Ang pamilyang pangarap ko ay isang ilusyon lang pala. Tapos na ang lahat. Natapos sa isang iglap.

"Mommy.." narinig kong tawag ng bata sa akin. Siya lang ang nais kong makasama sa mga oras na ito.

"Anak.." naiiyak kong tawag sa kanya.

"Mauunawaan mo ba kung aalis na muna si mommy? Na kailangan muna na mag isip at makarecover?" Tanong ko sa bata. I know shes too bright to understand my situation.

"Youre leaving?" Naiiyak na tanong ng bata. Tumulo na ang luha ko.

"I need to Heidi. I know you will understand me. Mommy is suffering from too much pain." Niyakap ako ng bata at pilit na pinipigil ang mga luha niya.

"I understand mommy." Bumuntong hininga siya. "I am strong and I am going to be fine." Pilit na ngiti ng bata. Hinaplos ko ang buhok niya. I so love this kid but I need to leave.

"This is because of mimi." Sabi niya. Hindi naman ako makasagot.

"Anak..may mga bagay lang na kailangan muna nating lumayo para nahanap at mabuo ang sarili. Kailangan ko to anak. Pero hindi ibig sabihin non kakalimutan kita. Sa ngayon hindi mo pa maiintindihan ng lubusan. I know how bright you are Heidi. Dont worry, lagi tayong magkikita at tatawagan kita pero wag na wag mo lang ipapaalam kahit kanino. You know na hindi ko rin naman kaya na mawalay sayo. Hindi kita pababayaan kahit di na ako nakatira sa inyo. I love you more than anyone else dahil sayo naramdaman ko ang halaga ko. Dahil sayo nagkabuhay ako anak. Dahil sayo naramdaman ko na may silbi pa ako. Promise we will see each other and this will be our secret. This will be between you and me only." Paliwanag ko sa kanya.

"I know you kept on crying ever night. I know there's something wrong. Promise mommy Ill be okay. I know you need this and promise no one will know about our secret. Kakampi rin natin sila Yaya and everyone in the house." Sabi ng bata sakin. "When I grow up.. I want to live with you mommy. I know you cant bring me because it will be kidnapping..sabi ni Yaya. Kaya mag hihintay ako mommy. Papakatatag ako para sayo. Ayaw ko na pati ako isipin mo pa. I always believe and trust you mommy. You never break your promises."

Mahigpit kong niyakap ang anak ko. Ang swerte ko sa batang ito. Nakahinga ako ng maluwag dahil siya lang naman ang inaalala ko. Ngayon makakaalis ako ng maayos. Mahahanap ko na ang sarili ko. Walang sino man ang makakaalis ng sakit sa puso ko. Walang sino man ang makakabuo sakin. Walang sino man ang gagamot ng sugat ko kundi ako lang. ako lang ang makakagamot sa sarili ko.

"I love you mommy." Di na napigil ng anak ko ang umiyak. Pinunasan ko ang luha niya at hinalikan ko siya sa noo. Pinupunasan niya rin ang luha ko.

"I love you more anak ko. Lagi kang behave ah. Wag mong papabayaan ang pag aaral mo. I want you to be healthy. Lagi pa rin tayong magkikita kaya wag kang mag alala." Sabi ko sa kanya at tumango siya.

"I know youll keep your promise thats why I am not worried that you need to leave." Sagot ng bata sakin. "Ill be strong mommy and I will make you proud of me."

Napangiti ako sa kanya at pakiramdam ko lumalakas ako.

Nakakabawi na rin ako ng lakas kahit papaano. Alam ko na nagtataka na ang lahat kung bakit bawal pumasok sa kwarto ko. Paliwanag ni Hillary sa kanila ay mayroon pa akong trauma sa aksidente. Alam ko na nasa may pinto lang si Henly at sumisilip silip sa akin. Hinayaan ko na rin silang pumasok sa kwarto pero nanatili lamang akong walang imik sa kanila. Nagmamasid lang ako.

My Greatest Fall (Her Property)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon