Ilang buwan na ba ang nakakalipas mula ng umalis ako? Halos mag iisang taon na ata. Akala ko makakalimot ako. Akala ko mababawasan ang sakit. Akala ko mabubuo ko ang sarili ko pero lahat yon ay akala ko lang. Hanggang ngayon, sariwa at masakit parin ang lahat. Mas lalo palang masakit na lumayo sa kanya. I admit, I still love her and missed her but I can't deny that I am frustrated and disappointed too. Mas nangingibabaw ang sama ng loob ko sa kanya. Marahil dahil sa naipon na ang sakit na sumabog nalang. Naiinis din ako sa sarili ko dahil minahal ko siya ng ganito.
Naniniwala pa rin ako na balang araw hihilom din ang sugat sa puso ko. Makakaya ko rin ito.
Ngayon, ito ako tulad ng dati. Mag isa na lamang. The usual old me before she came to my life. Alone..
"Good morning everyone!" masiglang bati ng Team Lead namin sa opisina. Busy ako sa pagsagot ng mga cases at emails namin.
"Aga aga busy na busy tayo." agad niya na puna sakin.
"Medyo marami po kasing cases ngayon." sagot ko at tipid na ngumiti.
Bumalik ako sa dati kong trabaho. I love it here dahil andito ang mga dati kong kaibigan. Halos mahigit 2 years na at marami sa kanila ang promoted na. Kabisado ko pa rin ang dating trabaho ko though marami ng updates and changes. Mabilis lang naman makabisado ang trabaho kaya in 3 months na bumalik ako promoted na ako sa Escalation Team. Sa madaling salita tumatanggap kami ng Email, chat at supervisor calls and inquiries ng mga clients. Na miss ko ang trabaho ko rito at mga ka team ko na uli ang mga kaibigan ko.
Okay din ako dahil hindi naman sila nagtatanong sakin at kung bakit mahigit dalawang taon ako na di nagparamdam man lang sa kanila. Hindi naman kasi ako makwentong tao. Sanay na sila sa akin.
Bali balita rin sa kompanya na medyo tagilid ang account namin at malaki ang chance na mag pull out o alisin na ng client namin ang account sa site. Which is pinipilit na hindi matuloy dahil sa bukod sa madali ang account, masaya naman dito at okay ang culture sa trabaho.
"Ano kayang magyayari satin kapag nag pull out na nga client?" tanong ni Isabelle na katatapos lang sa ginagawa niya.
"Pero sana naman wag kasi ang hirap magsimula uli diba. Saka sanay na tayo sa trabaho natin." segunda ni Ara na may ginagawa pero nakikisabat.
"Sana naman kasi gawan ng upper bosses natin ito. Sayang naman kung papakawalan itong account. Ang daming mawawalan ng trabaho." sabi naman ni April. Isa siya sa magagaling na ka team ko.
"Pero bali balita ko may mag iinvest daw." biglang singit ni Elle na dakilang baklang chismosa.
"Oh? san mo narinig?" tanong ni April na halata sa mukha ang tuwa. Bali balita rin kasi na parang gagawan ng paraan basta magkaroon ng mag iinvest.
"Aba iba! Isipin mo tila pabagsak na ata tong kompanya natin." natatawang sabi ni Ara.
"Malay mo may magawa naman ang new boss. Hindi naman kasi mag iinvest ang mga mayayaman kung alam nilang wala silang mapapala dba." suhestyon ni Elle.
Maya maya kung saan saan na umabot ang usapan. Kung anu ano na ang napagkwentuhan namin at wala na kaming ginawa pa kundi ang magtawanan. Masaya naman ako na kasama sila dahil kahit papaano nakakalimot ako sa lungkot at sakit na nararamdaman ko. Isa rin sila sa mga dahilan kaya pinili ko na bumalik sa trabaho na ito. Panandalian akong nakakalimot sa tuwing kasama ko sila. I know Henly doesnt know them. She never bothered to ask me anyways before.
Siguro masaya na rin siya ngayon na wala na ako sa buhay niya. Halos isang taon na mula nung umalis ako at wala na akong narinig tungkol sa kanya. Hindi ko na rin siya nakita. Even her friends. Wala naman akong plano pang malaman ang kung ano mang bagay na may kinalaman sa kanya. Sarili ko muna ang iniisip ko ngayon. Kailangan kong gamutin ang sarili ko. Walang sino man ang makakatulong sakin kundi sarili ko lang.
BINABASA MO ANG
My Greatest Fall (Her Property)
RomantizmThis will be another gxg story. Completed story. #35 highest ranking achieve in romance category. Simple lang buhay ko. Yong normal lang na nilalang hanggang may dumating na kakaibang pangyayari na siyang nagbigay ng kakaibang gulo sa mundo ko. I am...