Isang linggo akong hindi nakapunta sa coffee shop gawa ng masyado akong naging abala sa trabaho. Nakakaramdam ako ng stress kaya naisipan ko ng pumunta sa MYS Coffee shop.
"Tagal mong wala!" bati ni Berna.
"Medyo busy kasi." sagot ko sa kanya at kinuha ang order ko. Masaya akong pumunta sa favorite spot ko. Naglagay na ako ng earphone para ikulong muli ang mundo ko. Ayaw ko ng may lalapit o mapagkamalan pa ako. Sumandal ako sa upuan at pinikit ang aking mga mata.
Pakiramdam ko may nakatitig sa akin at ayaw kong idilat ang mga mata ko. Pero nakakailang ang presensyang yon at nakita ko siyang nakatingin sa akin. Kunware ay hindi ko ito napansin pero ramdam na ramdam ko rin ang pag titig niya sa akin. May katabi siyang cute na bata na tahimik sa lang sa gilid. Ang cute ng bata kahawig nya ito. Marahil anak niya. May ginagawa siya at yong bata naman ay prenteng nakaupo lang. Walang kibo at mukhang tulala lang.
Napansin kong itinuon na niya ang pansin niya sa kanyang mga documents. Tahimik lang din ako at makulimlim ang paligid. Lumabas na ako ng coffee shop. Nakatawid na ako sa kalsada nang may marinig akong tawag.
"Mommy!" Sigaw ng isang bata at agad akong napalingon. Nakita ko ang batang kasama nung babae kanina na tumatakbo patawid. Narinig ko ang sasakyang papalapit at out of reflex tumakbo ako para mailigtas ang bata. Mabilis akong yumakap sa kanya para hindi siya masagi ng sasakyan pero sa kasamaang palad natumaba ako dahil sa bahagyang pagkakahagip sa akin. Bahagya kaming gumulong ng bata gawa ng impact pero bulong lakas ko siyang niyakap at pronetektahan ang kanyang ulo.
I am seeing my little sister on this kid.
"Mommy!" umiiyak na sabi ng bata. Alam kong natakot siya.
"Hwag ka ng umiyak. Safe ka na." yakap ko sa bata. Ramdam ko ang sakit ng katawan ko at ilang galos na natamo ko.
"Ano ba naman yan!" galit na sigaw ng may ari ng sasakyan! "bakit hinahayaan mong tumatakbo ang anak mo sa kalsada! Muntikan ko na kayong masagasaan!" galit na sigaw ng lalaki sa akin at umiyak ang bata. Niyakap ko ng mahigpit ang bata.
"Sandali lang! Muntik ng mapahamak ang bata at wag kang sumigaw dahil natatakot na siya!" galit na sigaw ko sa may ari ng kotse.
"Ang kapal ng mukha mong sigawan ako!" maawthoridad na sabi ng lalaki. Hindi ako masyadong makatayo dahil sa medyo masakit pa ang paa ko.
Iyak lang ng iyak ang bata na nakayakap sa akin.
"Tumigil ka na! Natatakot na ang bata! Muntik na siyang nasaktan!" galit na sigaw ko sa hambog na lalaking ito.
"Hindi mo ba alam kung gaano kamahal ang sasakyan ko!" galit na sigaw nito.
"Wala akong pakialam!" inis na sigaw ko sa kanya. "Hindi mo ba alam na naka stop light na kanina pero rumaragasa ka!"
"Naka Green yon!" sigaw nito.
"Nakita mong ng may bata bakit hindi ka huminto agad!" galit na sabi ko sa kanya. Awang awa ako sa bata na nakayakap sa akin at umiiyak.
"Heidi!" narinig kong tawag nung babae at patakbo siyang lumapit sa amin. "Anong nangyari?!" alalang sabi nito at kinukuha sa akin ang bata pero mahigpit na nakayakap sakin ito at umiiyak.
"This isn't my fault! Kasalanan mo yan dahil pinabayaan mo ang bata na tumakbo sa kalsada!" sigaw ng lalaki na namumula na sa galit. "hindi mo kayang bayaran ang sasakyan ko kapag nagasgasan yon!"
Masamang tumingin ang babae na ito sa lalaking mayabang.
"MUNTIK NG MASAGASAAN ANG PAMANGKIN KO!" galit na sigaw nito sa lalaki na halatang natakot naman. Napaatras ito sa takot kahit ako natakot sa mukha ng babae na ito. Isang suntok sa mukha ng mayabang na lalaki at natumba ito.
"It wasn't my fault!" sigaw ng lalaki at sinipa pa siya nung babae. Nagtatakbo ang lalaki sa takot hahabulin niya sana ito pero inalala ata ang pamangkin.
"Are you okay?" tanong niya. "Come here baby, Mimi is here."
"Mommy was hurt!" hikbi ng bata at nakita ko na nanlaki ang mata nung babae at natulala. "Mimi, mommy is hurt! She protected me!" hikbi ng bata at yumakap sa akin. Nakita ko na tumulo ang luha sa mata ng babae.
"Baby, you talk." niyakap niya ang bata na ayaw bumitaw sa akin kaya parang pati ako ay yakap yakap na rin niya. Teka ano bang nangyayari?
"Finally you talk baby." hinahalikan niya ang bata at kita sa mga mata nito ang sobrang saya.
"Mimi! Help mommy!" hikbi ng bata.
"Baby, she's not your mommy." malungkot na sabi nito.
"No! She's my mommy! She save me. She hugged me before I got hurt. She is my mommy!" iyak ng bata at ako naman ay gulung gulo.
"Miss okay ka lang ba?" tanong niya. Napansin niya ang ilang galos sa akin.
"Oo okay naman ako." sagot ko dito pero masakit ang katawan at paa ko at humahapdi na ang mga sugat ko.
Kinuha na niya ang bata at pagkapa ko sa bulsa ko wala na yong phone ko.
"Hala yong phone ko." natataranta ko itong sinilip sa ilalim ng mga sasakyan.
"Mommy? What are you looking?" tanong ng bata pero hindi ko ito pinansin at hinahanap ko pa rin ang phone ko. Hindi naman ako ang mommy ng batang ito.
Sa wakas nakita ko rin ito. Nalungkot ako kasi medyo nabasag na ito at may gasgas pa. Napanguso nalang ako at medyo masakit pa ang paa ko.
"Dadalhin na kita sa hospital." sabi ng babae sa akin.
"Hindi na okay lang ako. Ang mahalaga okay lang ang bata." sagot ko. Lumapit sakin ang bata at niyakap ang binti ko. Sa tingin ko ay 4 years old siya.
Naupo ako ng bahagya para mapantayan siya. Ang ganda ng batang ito at brown ang mga mata.
"Okay ka lang ba?" tanong ko.
"Yes mommy! I'm okay cause you are here!" masayang sabi niya at niyakap ako.
"Uhmm hindi ako ang mommy mo." sabi ko sa bata at napangiwi siya.
"You are my mommy.." hikbi niya. "I feel it. you save me like what mommy did before she's gone."
Naawa ako sa bata. Feeling ko na trauma siya sa pagkawala ng mommy niya. Baka nakikita niya sa akin ang mommy niya.
Bigla naman na natulala ang bata uli at parang walang buhay nanaman siya kagaya ng kanina. Nakita ko na naiyak nanaman ang tita niya at niyakap siya.
"baby! Talk to tita please." iyak na sabi nito pero wala nanamang emosyon ang bata at nakatulala na. Niyakap nalang siya ng kanyang tita.
"Sorry sa abala Miss, pero halika na dadalhin na kita sa hospital. Samahan mo muna si Heidi at para mapalitan ko na rin ang nasira mong phone. Salamat sa pagligtas mo sa kanya." Pinunas nito ang luha at mukhang nakatulog na ang bata sa balikat niya pagkabuhat.
"okay lang ako promise. Kaya ko ng gamutin tong iilang galos."
"No! you are coming with me!" sabi nito at hinila na ako papasok sa isang magarang kotse. Sa backseat niya siniguradong maayos na nakahiga ang bata.
"Pwede ko bang tabihan nalang yong bata?" tanong ko sa kanya.
"She'll be fine at the back. Dito ka na maupo ayaw kong magmukhang driver." seryosong sabi nito. Naupo na ako at inayos ang seatbelt nung nakita ko siyang nag seatbelt. Seryoso ang mukha niyang nagmamaneho.
"This is the first time she talked again." biglang sabi nito. "Naaksidente silang mag anak a year ago. Namatay ang parents niya at natrauma siya. Mula noon tulala na siya at hindi nagsalita. Sakin lang siya sumasama. She suffered from trauma."
Napalingon ako sa bata at naaawa. Napakabata pa kasi niya para maranasan ang ganung bagay.
BINABASA MO ANG
My Greatest Fall (Her Property)
RomanceThis will be another gxg story. Completed story. #35 highest ranking achieve in romance category. Simple lang buhay ko. Yong normal lang na nilalang hanggang may dumating na kakaibang pangyayari na siyang nagbigay ng kakaibang gulo sa mundo ko. I am...