06

18.2K 547 23
                                    

Napipikon na ako kay Henly dahil lagi niyang sinasabi na pag aari niya ako. Eh hindi naman! Dapat nga siya itong makisama sakin dahil siya ang may kailangan sa akin. Masyado siyang bosy at hindi na ako natutuwa sa kanya. She orders me like I am a robot! At ang isa ko pang kinaiinis ay nung nilagyan niya ako ng kiss mark! Yon pala ang sinasabi ni George na minarkahan. Nakakahiya! Baka kung ano ang isipin non sakin. Badtrip!

Siya nga ang nagpapasahod sakin pero naiinis ako dahil minamanyak niya ako. Bigla siyang nanghahalik, nanghihipo at madalas namang sungitan ako kapag may di siya nagugustuhang bagay o kilos ko.

Marami siyang ayaw at pinagbabawal. Lalong lalo na ang makipag usap ako sa mga lalaki. She was really a pain in the ass! Pero sa totoo lang, kahit cold siya most of the time at manyak, I feel that she cares.. I dont know how to explain but she always check me out.

Everyday sa tuwing di kami magkikita. Magtatanong siya kung kumusta na si Heidi at mga activities niya. Kaya ayon textmate kami. Para kaming ewan dahil after ng topic namin kay Heidi kung anu ano ng tanungan namin. Mga hobbies, likes, dislikes, biography at kung anu anong mga pwedeng mapag usapan. Pag busy siya walang reply. Nakakaloka! Tas nagagalit sya kapag di ako agad makareply.

Nasa mall kami ngayon at namamasyal dahil nag aya si Heidi gumala at hindi naman siya matanggihan ni Henly.

Paikot ikot kang kami at namimili ng mga kailangan ni Heidi, napadaan din kami sa jewelry stores. Ang gaganda pero napapangiwi ako sa price.

"Mommy look! This look good on you!" Masayang sabi ni Heidi na nakaturo sa moon necklace. Crescent yon at ang ganda. "Then mimi will.be the sun and ofcourse me the star!" Excited na sabi niya.

"I don't wear jewelry baby.." bulong ko sa bata at nag pout naman siya.

"It feels like family.." malungkot na bulong niya. Naguilty naman ako dahil nalungkot ang bata at napakagat labi nalang ako. Hindi ko rin alam ang sasabihin ko sa bata.

"Were always be a family, kahit wala yan baby.." bulong ko sa kanya. "I wont leave you, okay."

Ngumiti naman siya sa akin at hinawakan ang kamay ko. Lumabas muna kami ni Heidi sa jewelry store dahil naiihi ang bata.

Saktong paglabas namin, nakita ko siya.. Ang taong galit na galit sa akin pero miss na miss ko na rin. Ang kapatid kong sumunod sa akin.

Nagkatinginan kami at kasama nya ang gf niya. Baka lumuwas at nagdadate.

"Henry.." halos bulong kong tawag sa pangalan niya. Namimiss ko din ang mga kapatid ko.

"Henry, ate mo." Rinig kong bulong ng gf nyang si Marissa.

"Wala akong pakialam sa kanya." Cold na sabi nito. Pinipigil kong maiyak pero ang sakit parin hanggang ngayon.

"Mommy?" Tawag sakin ni Heidi. "Who are they?"

"Uhmm.. My.." hindi ko na naituloy ang sasabihin ko.

"Kita mo yan! Nag anak pa! Siguro ang saya saya na niyan dahil wala na siyang responsibilidad sa amin. Namatay nga si nanay dahil sa karamutan niyan eh." Inis na sabi ng kapatid ko.

"Henry, hindi ko yon ginusto..hindi ko alam.." pigil iyak kong sabi dito.

"Lagi ka namang walang eh! Kasi ang iniisip mo lang sarili mo! Masyado ka kasing mabisyosa. Dahil sayo namatay si nanay kung inalagaan mo nalang sana sila edi sana buhay pa. Wala namang kwenta ang trabaho mo eh!"

Sobrang sakit ng sinabi ng kapatid ko. Hindi ko gusto na makita niya akong umiiyak. Ayoko rin makipagtalo dahil.pagod na ako.

"Hindi mo kasi naiintindihan.." halos bulong kong sabi. Pinipigil siya ng gf nya pero hindi naman siya natitinag.

My Greatest Fall (Her Property)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon