Maraming kwento si Sunny samantalang si Sonnie naman ay nakamatyag lang at nakikinig. Nagsasalita siya kapag tinatanong lang siya. Hindi rin siya gaanong nagsasalita at tipid din minsan ang sagot niya. Binulong naman ni Sunny na ganun lang talaga si Sonnie jaya pinagwalang bahala ko nalang. Kinuwento ni Sunny yong mga travels niya at mga korney na jokes na natutunan niya. Masaya naman si Sunny na magkwento at nakakatawa ang kakulitan niya. Halatang ang saya saya na niya talaga di tulad dati na malungkot siya.
"So you're married?" Biglang singit ni Sonnie habang nagbahagya kaming nagbibiruan ni Sunny.
"Uhmm yes.." sagot ko. Nakatingin siya sa ring ko.
"Nice ring." Komento niya. "Im curious what do you do?" Tanong naman niya.
"Sa ngayon wala pa uli akong trabaho. Full time mom and wife." Sagot ko sa kanya.
"I see..pero mas maganda kasi kung may trabaho ka. You know for lots of possibilities." Makahulugan niyang sabi.
"Like?" Taas kilay na tanong ni Sunny sa kanya.
"In case mambabae asawa mo at iwan ka." Natatawa niyang sabi. Alam ko pabiro lang yon pero di ko gustong marinig mula sa kanya. Hindi naman kami close para mag open siya ng ganong topic at hindi rin naman niya kilala si Henly.
"Son..ano ka ba?! Di magandang biro yan." Suway ni Sunny sa kanya.
"Sis, im just concern. Alam mo naman ang panahon ngayon dba? Pag ang tao nagsawa na madali lang sa kanila ang mang iwan. Mahirap na wala siyang trabaho diba. Paano nalang siya at ang anak niya? Be a carrer woman!"
"Just like what you and I did?!" Taas kilay na sagot ni Sunny sa kapatid.
"Ours is different sis. In her case, shes married and no job..you know."
"Uhmm, I'll be fine. Hindi naman niya sakin gagawin yon." Singit ko sa kanila dahil nagsusungitan na silang magkapatid. Napatingin sila sa akin. Seryoso pa rin ang mukha ni Sonnie at si Sunny naman ay matamis na ngumiti sa akin.
"Dont worry Yulla, lagi naman ako andito for you. If you need help just let me know and I'll be glad to extend my arms for you." Nakangiting sabi ni Sunny na kinangiti ko lang. "I will surely help you in all means."
"Alam mo sis, kung di lang kita kilala iisipin ko na may gusto ka sa kaibigan mo. Youre so extra sweet and caring." Komento ni Sonnie na kinasamid ng isa.
"Of course! Yulla is my bff and a real one. If someone messes with her, that someones messes on me too and don't they even dare to do so." Taas kilay na sabi niya. "They will regret."
"Ohh.. thats sweet! I cant blame you either, Yulla looks nice and sweet." Nakatitig na sabi niya sa akin. "Your husband is lucky."
"Anyways, Sonnie anong oras dadating yang ka date mo na yan? Paimportante ah?" Pag iiba ni Sunny ng usapan.
"Shes on the way." Kagat labi na sabi niya.
"So its getting better now?"
"Indeed and i am so excited to see her." Halata sa mukha ni Sonnie ang excitement.
BINABASA MO ANG
My Greatest Fall (Her Property)
RomantizmThis will be another gxg story. Completed story. #35 highest ranking achieve in romance category. Simple lang buhay ko. Yong normal lang na nilalang hanggang may dumating na kakaibang pangyayari na siyang nagbigay ng kakaibang gulo sa mundo ko. I am...