49

12.9K 416 87
                                    



I learned from Heidi na umalis si Henly para sa business meeting ang my child beg me to stay with her in their house. Kailangan daw niya ang tulong ko sa projects niya. Tatanggi sana ako pero halos maiyak ang bata sa pakiusap sakin. Wala na akong nagawa kundi ang umoo sa kanya. Saka kailangan ko ng sanayin ang sarili ko. Kailangan ko ng harapin ang katotohanan para makabangon na ako. Kailangan kong ipakita na matapang na ako.

Hinatid ako ni Quinn at Harley sa bahay ni Heidi.

"Bessie.. tawag ka lang kapag umiyak ka nanaman para masundo ka namin agad." Natatawa niyang paalala.

"Bessie wala naman daw diyan saka sabi ng anak ko out of town ng two weeks."

"Out of town kasama ng kabit yon." Pang aasar pa sakin ni Quinn. Natawa nalang ako siguro nga ready na ako.

"Yaan mo siya. Wala na akong paki."

"Good! Ayaw ko makita kang iiyak iyak ha. Kadiri ka pa naman dami mong uhog."

"Baliw! Sige na bye bessie.. Harley..salamat ah. Paki ingatan tong kaibigan kong baliw ah." Natatawa kong sabi sa kanya.

"Syempre naman lalo pat baliw sakin to." Natatawa niyang sagot na kinurot naman ni Quinn sa ilong.

"Baby masakit kasi." Reklamo nito.

"Ewan sayo.. sge bye bye na bessie." Umalis na rin sila at siya namang labas ni Heidi.

"Wow mommy ang ganda mo!" Mangha niyang sabi.

Isang simpleng maroon loose dress lang naman ang suot ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Isang simpleng maroon loose dress lang naman ang suot ko.

"I missed you anak." Masaya kong sabi sa bata at hinalikan siya sa pisngi. Hinila naman niya ako papasok sa bahay. Napuna ko ito na halos walang pinagbago. Nakita ko ang mga pictures namin na andoon pa rin.

She might have kept this for Heidi. Oo bitter na kung bitter. Galit ako kay Henly.. galit na galit. Napupuyos na puso ko ngayon sa kanya. At ang galit na ito ang magpapatatag sakin.

"Mommy! Look I baked cupcakes!" Masaya niyang sabi. Nagulat naman ako dahil marunong na siyang magbake.

"Sino nagturo sayo?" Tanong ko.

"Si lola." Masaya niyang sabi.

"Aah.. di ka pupunta roon?"

"Nope.. kasama sa out of town. Business matters. Gusto sana ako isama kaso ayaw ko andon si Miss Sonia. I dont like her."

So until now.. andito pa rin ang Sonia na yon. Siya siguro ang kasama ni Henly sa mall nung nakaraan. Haaaist shes such a..hmmmp!

"Mommy..masarap ba ang cupcake?"

"Oo naman anak! Galing galing mo."

"Tulungan mo ako ah.. kasi next week may school fare kami. Magbebenta tayo ng cupcakes. Samahan mo ko mommy..please.. kasi ako lang walang mommy pag nagkataon."

My Greatest Fall (Her Property)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon