39

10.5K 332 69
                                    




Hindi ako makapaniwala sa sinabi ni Sonnie. Tiningnan ko siya at mukhang seryoso siya. Nakakarakot naman ang paraan niya ng pagtingin sa akin. I know she loves her sister and because of me Sunny was hurt.

"Unbelievable right?" dugtong ni Sonnie. "At first di rin ako makapaniwala. She's not like me, then one day she told me that she woke up and she fall inlove with a woman. Believe me, nakakagulat. She's too feminine to fall for the same the sex. She asked me a lot of things. Then I suspected that it was her bff Yulla that she's always telling me." she chuckled a bit. "Nahawa na sakin and kapatid ko. And the sad part is, she fell for a married woman, that see her as a friend only."

Pakiramdam ko kinokonsensya niya ako sa mga sinasabi niya. Pero this is so sudden at ang hirap paniwalaan. Parang imposible at hindi kapanipaniwala.

"I'm sorry." nakayukong sagot ko.

"Don't be..it is not your fault." sagot niya at ngumiti sakin. "It might had been an infatuation dahil first time niyang naramdaman. Don't be guilty, atleast you know her feelings for you. Sana di mo siya layuan dahil mas masasaktan siya." nakita ko ang pakikiusap sa mga mata niya kaya tumango ako.

"Magiging okay ba siya? Anong dapat kong gawin?" nahihiya kong tanong.

"Hayaan mo muna siya sa ngayon. Malamang nahihiya yon. Let me give you a drive then. I know may problema ka din. She'll be okay don't worry. She's a strong woman." sagot niya. Inaya na niya ako palabas.

Nagpahatid ako pabalik sa MYS coffee shop. Ang nag iisang lugar na komportable ako. Walang manggugulo sa akin.

I hope Sunny is fine. Ayaw ko rin naman na masira ang friendship namin. Masyado ng magulo ang isip ko para madagdagan pa ang alalahanin.

Napapikit sa pag iisip. I used to be alone until our path met. Because of that incident I found a family. I feel I was no longer alone, they made me happy. They made me feel that I am not alone. I feel all the emotions, jealousy, happiness, sadness anger and even pain. Because of her, I feel my existence, I feel that I was important.

I should have not run away? I am the wife and this hurts so much. I've been hearing that woman's name ever since. Is she going to take everything away from me?

I must fight... for my family.

Pagkaraan ng ilang sandali ay naisipan ko ng umalis sa coffee shop. Sa totoo lang hindi ko alam kung saan ako pupunta ngayon. Gusto kong umuwi pero natatakot ako. Hindi ko alam pero hindi ko pa kayang umuwi sa ngayon. Natatawa nalang ako sa itsura ko para akong naliligaw na ewan.


Hanggang ngayon ang gulo ng isip ko. Nag aalala din ako kay Sunny. Pero naniniwala ako kay Sonnie na okay lang siya. Sana rin hindi masira and friendship namin.

Bakit ba ang pangit ng araw na ito? We should be enjoying this day, pero nasira na. Hindi ko akalaing makikilala ko si Sonia at ganito pa ang mangyayari. Ang galing niyang mambaliktad na hindi ko inaasahang gagawin niya. Pakiramdam ko naiiyak nanaman ako sa tuwing naaalala ko kung paano ako tingnan ni Henly kanina. Sobrang sakit sa puso. Hindi ko maiwasang isipin na may puwang parin sa puso niya si Sonia.

Natatakot ako, natatakot ako sa maraming bagay, ang hindi ko kakayanin ay kung ginagawa lang ako ni Henly na panakip butas. Umaasa ako na mahal niya ako dahil sa pinapakita at pinapadama niya sa kin. Hindi niya ako papakasalan ng ganun lang. Marami kaming masasayang sandali. Remembering those sweet moments makes me smile but still pain is throbbing in my chest.

"You look sad.." narinig kong boses ni Brie sa likuran. Naupo siya sa tabi ko at alam ko na nakatingin siya sa akin. "And I know you were not okay." dugtong niya.

My Greatest Fall (Her Property)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon