41

11.2K 366 202
                                    


"Mommy, let's visit mimi in the office. I miss her lagi nalang kasi siyang busy sa work. Nakakatampo na." Sabi ni Heidi nung sinundo ko siya sa school kanina. Ilang linggo na ba ang nakakalipas mula nung pangyayari na yon.

She kept on sending me flowers as part of her reconciliation. Those flowers are meaning less. All I need is her. Yong bumalik kami sa dati. I know shes is also sorry for what had happened lalo na kapag umuuwi na siya ng late. May times na umiiyak siya at alam ko yon. Alam ko marami din siyang problema kaya inuunawa ko nalang muna. Ayaw ko na siyang mahirapan. Lumayo na rin ako ng tuluyan sa mga kaibigan ko. Mas mabuti na rin siguro ito. Once maging maayos na ang lahat siguro saka hihingi ng tawad sa kanila.

"Sige anak." Nakangiti kong sagot sa kanya. "Kuya sa office po tayo ni Henly." Pakiusap ko kay kuya Delfin at tumungo naman siya.

Mabuti nalang maayos ang suot ko ngayon sa pagsundo sa kanya. Sa totoo lang naisipan ko rin na daanan si Henly sa opisina para mayaya man lang siyang magmeryenda.

 Sa totoo lang naisipan ko rin na daanan si Henly sa opisina para mayaya man lang siyang magmeryenda

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Mommy.. we're here!" Excited na sabi ng bata nang makarating kami sa opisina ni Henly. Hawak kamay kaming pumasok sa opisina dala ang meryenda na binili namin kanina sa daan. Halata sa mukha ng bata ang excitement.

Sumakay kami agad sa elevator pag dating sa 3rd floor may mga empleyado na sumakay. Ang taas kasi ng building na ito at sa 51st floor si Henly.

"Yeah.. oo di nga daw kagandahan ang asawa ni President." Komento nung isang empleyado.

"Kaya siguro hindi siya napunta. Mas maganda pa rin si maam Sonia. Modelo yon eh. Bakit kaya sila naghiwalay?" Sabat naman ng isa.

"Dunno. Pero base sa mga sabi sabi mahirap lang daw naging asawa ni President. Baka naman inakit o ginayuma si Pres." natatawang sabi ng isang babae.

"Alam mo naman na talo ang maganda sa malandi." Singit nung isa pang babae.

"Uy grabe kayo. Si Maam Sonia ang nang iwan kay President kaya wag kayong ano diyan. Wag kayong maging chismosa mali mali kwento nasasagap nyo." Mataray na sabi ng isang babae na nasa unahan lang namin ni Heidi. Buti nalang di naiimik si Heidi at sana di nya sila naiintindihan.

"Saka may bata rito kung ano ano sinasabi nyo." Saway niya sa mga kasama. Tiningnan lang siya ng mga kasamahan niya sabay inirapan. Napailing nalang siya sa ginawa nila.

Bumukas uli ang elevator at sumakay ang secretary ni Henly. Kilala ko na siya dahil sa nagkikita rin kami sa tuwing napunta ako sa office ni Henly. Inayos niya ang salamin niya.

"Mrs. Smith!" Masayang bati niya nang makita ako sa likuran. "Bibisitahin nyo si President? Aww kasama si Heidi! Hello Heidi!" Magiliw na sabi nito.

"Hello Miss secretary!" Bati ni Heidi.

"Glenda, ilang ulit ko bang sasabihin sayo na Yulla ang itawag ko sakin." Nakangiti kong sagot sa kanya.

My Greatest Fall (Her Property)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon