40

12.5K 383 254
                                    




Marami akong gustong itanong sa kanya pero hindi ko magawa. Hindi ko alam ang magiging reaksyon niya at natatakot din akong malaman. Natatakot din akong malaman kung ano ang isasagot niya.

"We're here." sabi nito sakin na nagpabalik sa ulirat ko. Napansin niya ata ang pananahimik ko.

"Please don't overthink." muli niyang sabi at hinawakan ang kamay ko. "She's just a friend and you are my wife."

Hindi ko ma explain ang nararamdaman ko. I feel like I want to believe her but my brain is saying the other.

"Don't do it again.. Sana maintindihan mo ang sitwasyon namin. She had been through a lot." muli niyang sabi at kinabilis ng tibok ng puso ko. I feel so scared na parang unti unti na siyang mawawala sakin dahil sa babae na yon.

"Iiwan mo na ba ako dahil bumalik na siya?" lakas loob na tanong ko. Halata sa mata niya ang pagkalito at lungkot. "You can just be honest." dugtong ko sa kanya.

"You are my wife." ulit niya sa akin. "Sorry kung nasasaktan kita, I didn't meant to. Alam ko hindi mo ako maiintindihan, pero Sonia has a part of my life. Hindi maalis yon." pag amin niya sa akin. Ang sakit ng sinasabi niya.

"I guess di ko talaga maiintindihan. You are my first, hoping to be my last." halos pabulong kong sabi. "She told me everything earlier. Inunawa ko yon, pero sana Henly wag mo na akong pahirapan pa. Dahil sa totoo lang baka hindi ko na kayanin pa. Masakit eh, nadudurog ako." pigil iyak kong pag amin sa kanya.

"I.. Im so sorry." nahihiya niyang sabi.

"Henly, mahal kita alam mo yon at kaya kitang intidihin. Bilang asawa mo, gagawin ko ang lahat para di ka mawala sa akin."

"I love you Sanya, I really do." malungkot na sabi nito. bumulong ang isip ko na sana ako lang ang mahal niya. Hinalikan niya ako sa noo at lumabas na rin kami ng kotse.

Pumasok na kami sa loob ng bahay at agad na sumalubong si Heidi.

"Mommy, I am glad you were okay." masayang sabi ng bata.

"Sorry Heidi.." hingi ko ng paumanhin sa bata.

"No mommy, don't say sorry. I understand what happen." sagot ng bata na kinakunot ko ng noo. "Mommy, go ahead and change clothes, I dont want you to get sick, I'm a big girl so dont worry about me. I'll go back to my studies." nakangiti niyang sabi sakin at hinalikan ako sa pisngi. Hinalikan ko rin sa siya sa noo.

Magkasama naman na kami ni Henly na pumasok sa kwarto. Nauna na akong pumasok sa banyo para makaligo na rin. Lumabas na rin ako agad ng banyo at nakita ko siyang hawak hawak ang phone ko na may binabasa. Halata sa mukha niya ang pagkainis.

"And what's with you and Sunny?" nanggagaliiting tanong nito. Nagtataka naman ako sa reaksyon niya.

"Huh?"

"She tried to kiss you?!" Nagulat ako sa sinabi niyang yon. "You were with those bitches! For Pete's sake Sanya!" I hate it when shes mad. Natatakot ako sa kanya. Napasandal nalang ako sa likod ng pintuan ng banyo sa takot ko sa kanya.

"She tried, pero umiwas ako agad."

"Don't tell me that bitch is also your friend?! Dammit!" inis na inis na sabi nito at ang higpit ng hawak niya sa phone ko. "Lahat na lang ba ng kaibigan mo may gusto sayo? For now on! Hindi ka na pwedeng makipagkita sa kanila, hinding hindi na. Kung aalis ka its either kasama mo ako o si Heidi." nanggagalaiting utos nito sakin.

"Henly, hindi mo pwedeng gawin sakin ito. Wala akong ginagawang masama."

"Oo ikaw wala, pero ang babaeng nakapaligid sayo na humahanap lang ng pagkakataon para makakuha ka!"

My Greatest Fall (Her Property)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon