33

11.4K 353 18
                                    


Gabing gabi na pero wala pa rin si Henly. Noong una wala akong pakialam na kahit anong oras siyang umuwi pero ngayon kinakabahan ako. Hindi ko naman alam paano siya ka kontakin dahil naiwan niya ang phone niya. Kahit gustong gusto kong itext o tawagan sila George at Kathy hindi ko magawa dahil nahihiya ako.

Napatingin ako sa wall clock dahil halos pasado ala una na ng umaga at inaantok na rin ako sa paghihintay sa kanya. Hindi ko namalayan na nakapikit na pala ako.

"Love?" Malambing na tawag sakin ni Henly. Hinahaplos niya ang ulo ko at nararamdaman ko ang pagdampi ng labi niya sa noo, pisngi at labi ko.

I smell alcohol on her breath.

"Henly.. saan ka ba nagpunta? I was so worried!" Agad kong sabi sa kanya.

"Love sorry.. may inasikaso lang ako. Nagmadali ako kaya di na ako nakapaalam sayo."

"Sa susunod kasi magpaalam ka sa akin. Alam mo naman na mag aalala ako sayo. Tapos naiwan mo pa ang phone mo, paano kita kokontakin!" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang halikan niya ako. Isang masuyong halik na halos ikatunaw ng puso ko. I feel theres something wrong.

"Uminom ka? Sinong kasama mo?"

"Ako lang love, napadaan lang sa bar ng kaibigan but dont worry kunti lang naman saka alam ko namang magagalit ka pag di ako umuwi ng maayos. I drive very very carefully para makauwi ng buo para sa asawa ko." Napansin ko na matamlay ang ngiti niya. Pakiramdam ko may problema siya pero hindi niya kayang sabihin.

"Mabuti naman kung ganun. Kundi lagot ka talaga sa akin!" I tried to light up the mood. Ayaw ko namang maging nagger kay Henly. I want her to be pleased.

"Love.." tawag niya sa akin na parang may nais sabihin pero halatang parang nahihirapan siya.

"Uhmm?" Tugon ko at hinihintay ko ang sagot niya. Hinawakan niya ang pisngi ko.

"Wag mo akong iiwan ah.. mahal na mahal kita." Nakakapagtaka si Henly parang may mabigat siyang problema. But I cant force her to speak up, knowing her pride.

"Youre so weird.." puna ko.

"Promise me love.."

Bahagya akong napangiti.

"I love you Henly Fleur Smith.. ikaw lang at alam mo yan. Hinding hindi kita iiwan." Sagot ko. "I already decided Henly so dont worry.." ngumiti siya at hinalikan ako sa noo.

"Ikaw lang naman ang nag iisang lesb..i mean babae na nagpatibok ng puso ko at nagmahal ng ganito. Ikaw lang ang gumulo ng isip ko at hindi naman ako natingin sa ibang babae.. eww kaya yon."

Bahagya siyang natawa.

"Eh yong mga nanligaw sayo?"

"Sus. Kalimutan mo na nga yon mamaya maiinis ka nanaman." Nakasimangot kong tugon. Iinit nanaman kasi ang ulo niya kapag nasingit si Brie sa usapan. Mabait naman si Brie at ayaw kong magalit siya doon. Brie is my very good friend.

"Love naman kasi masyado kang habulin ng mga lesbian!" Medyo halata sa boses niya ang pagkainis.

"Aba malay ko." Sagot ko sa kanya.

"Pero sakin ka naman bumagsak at di kita papakawalan."

"Aba dapat lang kundi kawawa ka! Tandaan mo iba ang alindog ko!" Natatawa kong biro sa kanya. Pero napansin ko ang pagkagat niya ng labi at pilyang pagngiti.

My Greatest Fall (Her Property)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon