Kinagabihan nag bon fire kami at naisipang mag tent para nakabonding. Nung lumalim na ang gabi nakatulog na si Heidi sa tent napangiti naman ako habang hinahaplos ang buhok niya."Mas nagiging kamukha na siya ni Henly." Bulong ko. Hinalikan ko siya sa noo at lumabas na muna ako para magpahangin.
"Yulla.." tawag ni kuya.
"Kuya?"
"Halika maupo ka muna rito.. mag usap tayo."
Naupo naman ako sa tabi niya doon sa may bon fire. May hawak din siyang beer in can at inalok ako ng isa.
"Sa totoo lang napansin ko na ang pagbabago mo. Ano ba ang dahilan ang paghihiwalay nyo ni Henly? Anong nangyari? Halata naman na mahal na mahal ka niya." Panimula ni kuya. "Mahal mo siya. At halata ang pagbabago mo, parang ang lungkot mo."
"Pero diba kuya ayaw nyo naman sa kanya." Sagot ko.
"Galit lang kami non, pero alam mo ba narealize namin na ang sama namin sa iyo pero ikaw pa rin ang unang tumutulong sa amin. Hindi mo kami kinalimutan kahit nasasaktan ka namin." Nahihiya niyang sabi." Saka Yu, ang isang tao ay Hindi magsasayang ng pera ang isang tao kung walang halaga sa kanya ang ito..kung wala lang sa kanya. Lalo na kung paano ka niya ipagtanggol sa amin dati, alam ko na mahal ka niya. Noon palang naisip ko na napoprotektahan ka niya at hindi papabayaan." Mahaba niyang sabi. "Tanggap ko naman ang relasyon nyo dahil alam ko na nasa mabuting kamay ka." Napaisip ako sa sinabi ni kuya. Nasa mabuting kamay nga ba talaga ako noon?
"Sana nga ganun lang kuya.. akala ko nga rin siya na pero paulit ulit lang naman akong nasasaktan hanggang sa nasawa na ako at naglakas na umalis."
"Pero sabi mo ayaw niya ng divorce? Ayaw ka niyang pakawalan. Alam mo sa totoo lang pagsubok yan. Pwede bang malaman ang dahilan? Kung okay lang sayo. Minsan talaga sa isang relasyon may maninira at maninira. Lalo pa sa estado ng buhay niya. Sa mga taong nakapalibot sa kanya. Sa mundong ginagalawan niya." Paliwanag ni kuya. Noon pa man ramdam ko na ang mag kaiba naming mundo kung gaano ako kaliit sa kanya.
Napatingin ako kay kuya. Siguro nga dapat kong sabihin kay kuya ang lahat. Mas lalo sigurong gagaan ang loob ko. Kinuwento ko sa kanya ang lahat hanggang sa huling pagkikita namin ni Henly.
"She still loves you pero dahil sa galit mo sa kanya nagagawa mo siyang labanan. Hindi rin kita masisisi, pero hinayaan mo bang mag explain siya. Pakiramdam ko may matinding dahilan.. she wants you back kasi alam niyang ikaw lang ang mahal niya. Hindi mo ba naiisip ang anak nyo? Si heidi? Pansin mo ba na naiipit na ang bata sa nangyayari sa inyo. She wants to be with you everyday pero hindi pwede kahit p genius ang batang yan. Maguguluhan din siya. Kailangan ka niya dahil ikaw ang mommy niya. Hindi man niya sabihin pero hirap na hirap na siya. Sa totoo lang mali na tumatakas ka. Kailangan mo siyang harapin..dapat pinaglaban mo ang karapatan mo." Mahabang explanation ni Kuya.
"Iniisip ko naman ang bata pero kuya.. masyado ng masakit eh. Nakakasawa rin. Ang hirap paniwalaan na mahal niya ako dahil pakiramdam ko hirap na hirap na ako."
"Nahihirapan ka kasi di mo siya pinagpaliwanag at dahil na rin sa nakatali ka pa sa kanya. Payong kapatid Yulla, kailangan nyo ng masinsinang pag uusap." Suggestion niya at tinapik ako sa balikat.
Napabuntong hininga ako. Siguro nga kailangan ko lang kausapin si Henly para sa closure. I need her explanation but I need to be very careful. She cant fool me again.
Bumalik na ako sa tent at tinabihan ang anak ko na himbing na himbing sa pagtulog. Napagod din siya kanina makipaglaro sa mga pinsan niya na tinuturuan niya ring lumangoy. Nakakatuwa talaga itong anak ko. I kissed her forehead.
BINABASA MO ANG
My Greatest Fall (Her Property)
RomanceThis will be another gxg story. Completed story. #35 highest ranking achieve in romance category. Simple lang buhay ko. Yong normal lang na nilalang hanggang may dumating na kakaibang pangyayari na siyang nagbigay ng kakaibang gulo sa mundo ko. I am...