Medyo humupa ang ulan kaya naisipan naming lumabas para mamili. Buti nalang bahagyang bukas yong malaking sari sari store at namili ako ng ilang makakain sa gabi. Hanggang ngayon halos di pa rin makadaan sa mga main road dahil sa baha. The news is very upseting too."Uhmm.. ate ano pong alak nyo?" Tanong ni Henly.
"Emperador light, gsm blue, redhorse.." sagot ni ate. May mga kinuha pa siyang kung anu ano at mga juice saka yong gsm blue. Sakto naman may mga lemon din si ate kaya napangiti siya sa mga binili niya. Magaling din kasi si Henly sa pagmimix ng alak. Napansin ko na may kinuha pa siyang ilang alak sa kotse niya.
"Ano yan lagi kang may dala?" Kunot noong tanong ko.
"Minsan lang pag naiisipan." Sagot niya.
Pumasok na uli kami sa bahay at nakakaboring pero pagabi na pala. Nagluto na ako ng hapunan kahit alas singko palang ng hapon. Nakakagutom talaga pag malamig.
Nagluto ako ng siningang na baboy para sa hapunan. Lumakas naman lalo ang ulan na tila walang sawa. Napakalakas na ng bagyo ngayon gawa pa ng malakas na hampas ng hangin. Tahimik lang kaming naghapunan at nang makapagligpit naglinis na ako ng sarili at nagsuot ng longsleeve saka pajama dahil sa lamig. Si Henly sanay naman sa lamig yan kaya yong loose tshirt at shorts ang binigay ko sa kanya.
Hinahanda naman niya ang mag iinumin mamayang gabi. Imposible namang malasing siya mamaya pero sabagay masarap naman uminom mamaya kasi malamig. Gawain ko naman na uminom din pag ganito ang panahon at para makalimot sa mga sakit.
Paglabas ko ng banyo nakita ko siyang busy sa ginagawang cocktail drinks. May mga alak siyang kasama na galing sa kotse niya kanina. Lasenggera talaga kahit kailan. Nang maiayos na niya ang lahat kasama yong mga fruits,chips, peanuts ay tinawag na niya ako. Pinusod ko naman ang mahaba kong buhok.
Masarap yong timpla niyang alak na parang juice lang.
"So now? Speak up." Panira ko sa mood niya. Para kasing ang saya saya niya.
"I admit nagkikita kami ni Sonia non.. pero walang nangyari sa amin. Did you remember nong time na may lipstick ako sa damit yong naospital ka? Sinundan niya ako sa bar. She tried to seduce me pero ikaw ang naiisip ko. Mahal na kita non Sanya. Mahal na mahal. Umalis ako kasi ayaw ko na mag away pa tayo. I wont like you to get involve to my issues. Hindi ko gusto na saktan ka." Paliwanag niya. Uminom lang ako ng alak na parang wala lang sakin ang naririnig ko.
"Akala ko mahal ko pa non si Sonia.." pag amin niya at napatigil ako sa pag inom ng alak. "Nong unang araw na nagkita kami, sa airport. Akala ko siya pa rin kaya naguluhan ako."
"Hindi ka maguguluhan kung ako ang mahal mo." Sarkastiko akong tumawa pag kainom ng alak.
"I was such I fool I know." Mapait na sagot niya. "Pinilit ko na ayusin ito mag isa bago mo pa malaman. Alam ko na maraming beses na kitang nasaktan and I am trying to make things right. Ayaw ko na madamay ka sa mga issues at magulo kong nakaraan. I know I love you more than anything else. Inamin ko sa kanya yon at nagmakaawa siya sa akin dahil mahal niya parin ako. She wanted to be friends dahil daw sa pinagsamahan namin. Gusto ko lang na makilala mo siya na kaibigan ko sana pero alam ko na mali. Alam ko na kailangan ko siyang iwasan para sayo pero.."
"Pero ano? Dahil gusto mo pa rin siya?"
"No.. dahil inamin niya na.. buhay pa ang bata. Ang anak ko."
Nagulat ako sa narinig ko at natigilan sa pag inom. Nakita ko ang paghigpit ng hawak niya sa braso.
"Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon mo kapag nalaman mo na may anak kami. Natakot ako na baka iwan mo ako. Hindi ko kaya yon. Sinasabi lagi ni Sonia na sasabihin niya sa iyo ang tungkol sa bata pero I beg her na ako na ang magsabi sayo. Gusto niyang iwan kita para makita ko ang bata. Ang anak ko."
BINABASA MO ANG
My Greatest Fall (Her Property)
RomanceThis will be another gxg story. Completed story. #35 highest ranking achieve in romance category. Simple lang buhay ko. Yong normal lang na nilalang hanggang may dumating na kakaibang pangyayari na siyang nagbigay ng kakaibang gulo sa mundo ko. I am...