35

11.7K 368 33
                                    



Hindi na bumalik si Henly sa opisina niya pero nagkulong naman siya sa study room. Siguradong busy nanaman siya sa negosyo niya. Mahirap ng esturbohin dahil sigurado nakakunot nanaman ang noo niya. Inasikaso ko na muna si Heidi na busy din sa pag aaral niya kaya ako naisipan kong mag basa.

"Mommy.. sleep na ako." Paalam ng bata na nililigpit ang mga gamit niya. I make sure na responsable siyang bata at siya ang nag aayos ng mga gamit niya at hindi inaasa sa iba. Maganda na rin yon para alam niya kung nasan ang gamit niya. Masinop din naman siyang bata at natutuwa ako.

"Uhmm..sige anak. Mukhang napagod ka ng husto ngayong araw. Dont over do your study.. take your time. 'Kay?" Paalala ko sa kanya.

"Yes mommy.." sagot niya at humikab. Tinulungan ko na siyang magligpit at nahiga na siya. Mabuti nalang maaga kaming naghapunan. 7:30 palang ng gabi. Mabilis naman siyang nakatulog kaya naisipan ko na rin na maligo na muna. Nadaanan ko pa si Henly sa may library niya na halatang busy pa rin kaya di ko na muna eesturbuhin.

Matapos kong maligo nagulat ako nang maabutan si Henly na naka two piece sa kwarto. Shes so sexy and hot on her red bikini. Kitang kita ang curve niya at makinis na balat. Minsan na eensecure na ako kasi ang ganda niya. Mas maganda pa sa akin eh ako ang babae samin eh. Heheheh.

"Mag suswimming ka?" Tanong ko sa kanya. Masyadong revealing ang suot niya. Pakiramdam ko tuloy ang init sa kwarto namin kahit ang lakas ng aircon. She makes me a perv hmmmp!

"I told you we will do something tonight." Ngisi niya sa akin at may inabot siyang black na two piece. Halos parang nakahubad na ako sa two piece na yon.

"Go ahead love.. it wont be complete if you will not wear that." Di na ako nagprotesta at pumasok sa banyo para magpalit. Pareho ito ng red two piece na suot niya. Medyo nahihiya pa ako na lumabas pero sabagay nakita narin naman niya lahat sakin. May bagay pala na lamang ako sa kanya. Ang dibdib ko hahaha! Pero di naman siya flat chested sakto lang hahahah!

Paglabas ko ay sumipol naman siya. Prenteng nakaupo siya sa gilid ng kama ba nakadekwatro. Lumapit siya sa akin.

"You look hot love." Puna niya at hinapit ako papalapit sa kanya. Ang init ng balat niya at nakakapaso. Isinuot naman ang bath robe sakin at ganun din sa kanya saka ako hinila palabas ng kwarto patungo sa ikaapat na palapag ng bahay niya.

"Henly, dba private place mo yon?" Alangang tanong ko sa kanya.

"Private place na natin ngayon." Sagot niya. Sa 4th floor ng bahay ay may indoor swimming pool siya. Doon din siya madalas magkulong sa tuwing may problema siya. Sa pagkakaalam ko wala pa siyang dinadala roon na kahit sino sa dahilang hindi ko alam. Siguro dahil sa madamot siya kaya gusto niyang masolo. Nagulat nalang ako na gusto niya akong dalhin doon ngayon. Hindi ko siya pinipilit ba ipakita sa akin yon dahil alam ko naman ang salitang Privacy.

Naexcite ako kasi nahihiwagaan din ako sa kung ano ang meron sa indoor swimming pool niya. Kung gaano ito kaganda dahil siya ang nagdesign non. Nakwento niya sa akin yon nong lasing siya. Sinungitan pa nga niya ako noon dahil sabi ko puntahan namin. Sabi naman niya hindi daw pwede kasi sacred place niya yon. Napangiwi nalang ako sa sinabi niya dahil malademonyo naman ang ugali niya.. well noon yon dahil iba na si Henly ngayon.

"Babe are you excited?" Tanong niya nong nasa may pinto na kami. Napatango naman ako.

"Good..you know what. You can swim there naked." Ngisi niya sa akin na kinapula ko. "I cant wait!" Excited na dugtong niya kaya kinurot ko siya sa tagiliran niya. Umiiral nanaman kasi ang kamanyakan niya.

My Greatest Fall (Her Property)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon