"Henly umuwi ka na!" Pagtataboy ko sa kanya."Love naman dito na ako magpapalipas ng gabi wala akong sasakyan naka off si mang Delfin at bukas ng umaga niya pa dadalhin yong kotse dito. Ayaw ko magtaxi saka tinatamad ako. Masakit pa din ang tiyan ko at antok na ako." Mahaba niyang paliwanag.
"Fine!" Inis na sabi ko. "Pero umayos ka! Once na may kalokohan kang ginawa sakin! I swear wag na wag kang magpapakita sa akin!" Singhal ko sa kanya. Naglagay ako ng unan sa pagitan namin.
"Promise love. Behave ako. Pero kung gusto ko naman mag make love tayo kalabitin mo.. aray!" Sigaw niya ng kurutin ko siya.
"Get out!" Inis na sigaw ko sa kanya.
"Behave na po boss." Sabi niya at humiga. Tumalikod naman na ako.
"Saka Henly.. wag na wag mo na akong susunduin at ihahatid." Sabi ko sa kanya.
"Pero bakit?! Gusto ko lang naman na safe ka." Napaupo siya.
"Ayaw ko nga kasi. Gagawin mo ang gusto ko o hindi ka na makakalapit sa akin?" Matigas na sabi ko sa kanya.
"Pero love.." malungkot na sabi niya. "Ano pa bang dapat kong gawin. Gusto ko na mapalapit lang sayo na araw araw kang makita. I miss you everyday. Antagal ko naghintay na malapitan ka uli. Ang hirap ng tingnan ka lang sa malayuan." Ramdam ko ang sinasabi niya at napalunok ako. Hindi ko alam pero nahihirapan pa rin ako.
"Hindi mo ako naiintindihan Henly.. hindi pa ako ready. Hindi ibig sabihin na kinakausap na kita ay okay na tayo. Hindi dahil sa nalaman ko na ang totoo ay okay na tayo." Deretso kong sabi. "Hindi pa ako buo. Natatakot ako." Kahit nakahiga ako ramdam ko ang bigat ng paghinga niya. "Hindi pa rin ako nakakamove on sa nangyari at isa pa." Bumangon ako at humarap sa kanya. Kinuha ko ang left wrist niya at tinanggal ang wrist band.
"Galit ako sayo sa ginawa mong ito! Galit na galit ako sayo! Alam mo ba na hindi ako matahimik dahil dito. Sinisisi ko rin ang sarili ko!" Di ko mapigilang sabihin sa kanya. "Masakit pa rin kasi eh."
Hindi siya umimik at naramdaman ko nalang ang yakap niya.
"Sorry love.. sorry kasi ang selfish ko nanaman. Hindi ko nanaman inisip ang nararamdaman mo. Sabi ko I will start from scratch but here I am trying to expedite everything again." Buntong hininga niya. "Sorry for hurting you again. I know you need time.. di na kita kukulitin."
Pareho na kaming natahimik noon at magkatalikod pero alam ko na pareho rin kaming di makatulog. Her last statement echoed in my ears.
"Di na kita kukulitin.."
"Di na kita kukulitin.."
"Di na kita kukulitin.."
Parang pakiramdam ko titigil na siya at tuluyang mawawala. Gusto ko muna makisigurado. Takot na akong mag risk at sumugal. Nakakatakot ng sobra. Kung dito pa lang ay susuko na nga siya ibig sabihin lang non.. hindi niya ako mahal at kailangan kong tanggapin yon. Nakaya ko naman na lumayo sa kanya.. lalo na siguro ngayon.
Shes impatient, hard headed person. Gusto niya makuha agad agad ang gusto niya..
Halos idlip lang ang tulog ko at nagising sa alarm. Nakita ko siyang bahagyang tulog kaya nag asikaso na ako. Matapos kong magbihis ay nakita ko siyang gising na rin at nakahilamos at nakaayos na rin.
"Sabay ka na namin. Andiyan na si Mang Delfin." Tipid niyang sabi. Tumango na ako at sinuot ang sandals ko. Magkatabi kami sa backseat at walang imikan hanggang makarating sa office.
BINABASA MO ANG
My Greatest Fall (Her Property)
RomansaThis will be another gxg story. Completed story. #35 highest ranking achieve in romance category. Simple lang buhay ko. Yong normal lang na nilalang hanggang may dumating na kakaibang pangyayari na siyang nagbigay ng kakaibang gulo sa mundo ko. I am...