Nang makaalis na sila ay hinapit na ako ni Henly sa kanya at inakbayan. Siya na rin ang nagdala ng regalo sa akin ng dalawa.
Pumasok kami sa isang malaking kwarto na kinuha na niya kanina pa.
"I wonder kung anong gift sayo ng dalawa." Sabi nito na nakatingin sa kahon. "Open mo na." Utos niya at hinuhubad na ang suot niyang pulo
Naupo naman ako sa gilid kama at una kong binuksan ang gift ni George. It was a book for married woman titled 'Wife's Bible'. Parang ngayon palang nag sisink in sa utak ko ang mga pangyayari na kasal na ako kay Henly na asawa na niya ako. Hindi ko alam kung magiging masaya ba ako kasi alam ko na may puwang parin siya sa puso ko kahit alam ko na masasaktan lang din ako sa kanya. Kailangan kong ihanda ang sarili ko sa mga mangyayari.
Sunod kong binuksan ang regalo ni Kathy at ganun nalang ang pagkabigla ko sa nakita ko.
Isang lingerie at strap on.
"Wtf!" Gulat kong sabi at tinakpan ko ang kahon at para naman akong kinakabahan.
"What's that?" Tanong ni Henly.
Napatingin naman ako sa kanya at napaiwas bigla dahil topless na siya at naghahalungkat sa bag sa may lamesa. Mga gamit siguro namin yon na inutos niya kay Manang kanina.
"Ah..ano..wala.." kabado kong sabi. Parang uminit ata. Nakakainis ang katawan niya. Bukod sa matangkad, makinis at maputi ang perfect niya. Siguro kung di siya lesbian may asawa na yan at di yan papakawalan ng magiging asawa niya.
Lumakad sya papalapit sakin at napalunok nalang ako.
"Did she give you something weird?" Tanong niya at inagaw ang kahon.
"Wag!" Sigaw ko pero huli na ang lahat. Naopen na niya at ngumisi. "Go to the shower and wear this." Utos niya at tinulak ako sa banyo papasok.
Napatingin ako sa piraso ng tela na yon. Siraulo talagang Kathy yon. Nakakainis kahit isuot to wala rin dahil kita parin ang katawan ko and what's worst is that strap on! Nakakatakot! Wala na akong nagawa kundi ang maligo at nung matapos ay sinuot ko na yong lecheng lingerie.
Gusto ko sana ito dahil pink kaso naman ang halay halay. Naloloka ako. Pero ano bang dapat kong ikahiya? I should be confident since wala na akong maitatago pa sa kanya. Pero mali pa rin! Pero asawa na rin naman niya ako. Grrrrr! Nagtatalo ang isip ko at naguguluhan ako.
Hindi ko na kaya to! Pakiramdam ko natorture ako.
Napasabunot nalabg ako dahil sa inis nang bigla siyang kumatok sa pinto na siyang kinagulat ko.
"Sanya?!"impatient na tawag niya. "Nalunod ka na ba?" Halata sa boses niya ang pagkainip at bigla din naman niyang binuksan ang pinto ng banyo na nilock ko naman. Ano pang silbi ng pagkatok niya kung bubuksan din naman pala niya.
Inirapan ko nalang siya sa ginawa nya.
"Hindi ka ba marunong maghintay?" Iritang tanong ko.
"I hate waiting sweetheart." Medyo namamaos niyang sabi. Ngumisi siya sa akin at hinagod ng tingin mula ulo hanggang paa.
BINABASA MO ANG
My Greatest Fall (Her Property)
RomansThis will be another gxg story. Completed story. #35 highest ranking achieve in romance category. Simple lang buhay ko. Yong normal lang na nilalang hanggang may dumating na kakaibang pangyayari na siyang nagbigay ng kakaibang gulo sa mundo ko. I am...