58

14.8K 431 148
                                    




She's persistent sa panliligaw niya. Yeah..nagsisimula na uli ako makaramdam ng kilig sa kanya at tinutunaw na niya ang kung anu mang matigas sa puso ko. She's making me fall for her again but I was still very careful. Natatakot pa rin ako at ayaw ko rin na magpadalos dalos ng disesyon.

Kaoout ko lang sa office nang mapansin ko agad si Heidi na nag aabang. Nanlaki ang mata ko at excited akong napatakbo papunta sa anak ko.

"Mommy!" Masayang bati niya pagkayakap ko at halik sa kanya.

"Anak ko. Bakit andito ka?" Nakangiti kong tanong sa kanya.

"Uhmm..lets have a family day together with mimi. Sunduin natin sa office." The way she speaks is not asking for a favor and definitely an statement. Just like Henly and when they use that tone, there's nothing you can do and can't argue.

"Okay?" Nangingiti at alanganin kong sagot.

"Yulla babes!" Tawag ni Ara.

"Omg?! Whos that little girl! Ang gandang bata!" Agad na tanong ni Elle.

"Guys.. anak ko nga pala si Heidi.. anak, mga kaibigan ko sila. Si Tita Ara, Tita Elle, Tita April at Tita Lisa."

"Good afternoon." Bati ni Heidi at nag si pag sabi sila ng Hi sa bata.

"Kamukhang kamukha siya ni green eyes nuh." Puna ni April.

Lumakad na kami at nasa may entrance lang ang kotse kasama ni Heidi si Kuya Delfin. Wala si Ate Gina.

Sumakay na kami sa kotse at nagbyahe na papunta sa opisina ni Henly. Magkahawak kamay kaming sumakay ni Heidi sa elevator. Doon lang kamay sumakay sa ordinary na elevator. Wala naman kaming dalang key card para sa express elevator ni Henly.

Pagkarating sa floor ng office ni Henly.

"Mommy..wait lang pupunta lang ako ng function room. Andoon si Tito babatiin ko lang saka may kukunin ako." Paalam ng bata.

"Samahan na kita."

"No mommy! Mauna ka na." Tanggi niya siguro may surprise nanaman ang bata kaya aligaga nanaman siya. "And puntahan mo na si mimi." Sabi niya at tumakbo na sa kaliwa kung saan ang function room. Lumakad na ako para punatahan si Henly sa office niya nang may marinig akong nag uusap sa labas. Napatigil ako at bahagyang sumilip lang.

Umiiyak si Sonia na nakayakap sa kanya. Sa Henly naman di ko makita ang mukha dahil nakatalikod sa akin. Is she hugging her too? Nakaramdam nanaman ako ng kirot sa puso ko.

Damn it! Nagsisimula pa lang kami pero ganito na agad? Nagseselos ako! Bakit ba hindi niya maiwasan si Sonia.

Nanlaki ang mata ko nang halikan siya ni Sonia. Matagal at wala siyang ginawa para itulak ito. Sonia's head move like shes kissing her intimately. Gusto ko silang sugurin pero hindi ko kaya at di ko kayang gumawa ng kung ano mang eksena sa opisina niya.

"I hate that I love you Henly. I hate you so much. You're hurting me again." Sabi ko sa isip ko at tumalikod na. Nakasalubong ko nalang ang kuya ni Henly at si Heidi na mukhang masaya pero nang makita ako ni Heidi nagbago ang itsura niya na parang naiiyak.

"What happened? Why are you crying? Sinaktan ka ba ni Henly?" Alalang Tanong ni Kuya. Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako. Umiling nalang ako.

"Uuwi na ako.. anak sorry. Masama ang pakiramdam ni mommy. Kailangan ko ng umuwi, kayo nalang ang umalis." Paalam ko sa bata.

"Mommy..samahan na kita." Umiling ako.

My Greatest Fall (Her Property)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon