Pauwi ako nang may makita ako sa daanan. Hinaharana nung babae yong isang babae gamit ang gitara. Nakakatuwa silang panuorin at talagang effort yong ginawa niya. Ang ganda pa ng boses nung kumakanta. May dala pang flowers. Such an effort!
Naalala ko dati kinakantahan ako ni Heidi nakakamiss. Sumagi din sa isip ko ang mga pasimpleng pang iinggit ni Sonia dati na madalas daw siyang kantahan ni Henly na maganda ang boses niya na ni minsan di ko naman narinig. Hinayaan ko nalang yon dahil sigurado nang iinis lang siya.
Henly was nice until she came. She gave me thousand of sweet memories yet thousand of pains too. Its really excruciating.
Kinakabahan ako ngayon dahil pupunta ako sa bahay niya. Hindi ko alam pero hindi talaga ako komportable. Hindi ko pa kaya na bumalik doon. Nahihirapan ako.
Sa subdivision ay huminto ako sa isang park. Naupo ako sa isang swing at tumingin sa langit. We used to be happy as a family.
Nakakapanghinayang din sa totoo lang pero wala na rin. Sira na ang lahat.
I should be thankful na okay pa rin kami ng anak ko.
Sa tuwing naalala ko ang lahat masakit pa rin pero unti unti ko namang naoovercome kahit papaano.
Loving her is poisonous and deadly.
Paano kaya kung magkita uli kami? Ibibigay na ba nya ang divorce? Ang tagal na mula nung umalis ako. Hinanap niya kaya ako?
Napailing ako para supilin ang iniisip ko.
Matagal din akong nagtago. Siguro sumuko rin siya kung hinanap man niya ako pero imposible kasi busy siya sa babae niya.
"Tama na Yulla!" Saway ko sa isipan ko.
"Alam mo miss halata sa mukha mo ang bigat ng dala mo. Sa tingin ko ang tagal mo ng kinikimkim yan. Advise ko lang minsan kailangan mo nang mapaglalabasan ng mga nandiyan sa puso mo." Biglang sabi ng isang babae na umupo sa kabilang side ng swing. Napatingin ako sa kanya.
"Pasensya na kanina ka pa kasi buntong hininga ng buntong hininga. Halata kasi sayo na may mabigat kang dalahin. Just like me." Nakangiti niyang sabi at tumingin sa langit. Simple lang siya at parang ako lang pero ang pagkakaiba namin kahit na parang may problema siya nagagawa niya pa ring ngumiti.
"Paano mo nagagawang ngumiti?" Di ko mapigilang itanong.
"Because I need to." Sagot niya. "Laban lang hanggang kaya."
"Youre right." Sagot ko at tipid na ngumiti.
"Ako nga pala si Mazee. Ikaw?" Tanong niya sakin.
"Mah-zi?" Pronounce ko sa name niya. "Nice name very unique. Ako si Yulla." Pakilala ko at inilahad ko ang kamay niya. Inabot naman niya ito for shakehands.
"Mas maganda ang name mo." Ngiti niyang sabi.
"Taga rito ka ba?" Tanong ko sa kanya.
"Ah oo kakalipat ko lang nung isang taon pa. Doon ako sa left wing, ikaw?"
"Uhmm.. may dinadalaw lang ako. Dati taga right wing ako." Sagot ko naman sa kanya.
"Ay ganun ba. Uhmm in case na may maitutulong ako sayo. Katok ka lang ayon bahay ko oh." Turo niya sa isang bahay na malapit ng kunti sa park.
"Salamat." Sagot ko sa kanya.
"Mazee!"tawag sa kanya ng isang lalaki na babae? Woah! Ang gandang pogi saka sa pananamit niya. Una ko agad napansin ay ang blue eyes nito at halatang may lahi. Ang puti pa niya at silver gray ang buhok na hanggang batok at nakatali ito sa bandang taas. Ang tangos ng ilong at sa tingin ko nasa 5"10 ang height. May dala itong isang bugkos ng bulaklak na puti.
![](https://img.wattpad.com/cover/100724271-288-k858661.jpg)
BINABASA MO ANG
My Greatest Fall (Her Property)
RomansThis will be another gxg story. Completed story. #35 highest ranking achieve in romance category. Simple lang buhay ko. Yong normal lang na nilalang hanggang may dumating na kakaibang pangyayari na siyang nagbigay ng kakaibang gulo sa mundo ko. I am...