32

11.7K 355 44
                                    

"Love.. I love you so much.." malambing na sabi niya sa akin habang nakaalalay ang magkabilang braso sa gilid ko. Kitang kita ko rin ang pawis niya sa noo. Gamit ang palad ko ay pinunasan ko yon.

"I love you too.." nakangiting sagot ko. Hinalikan niya ako sa noo at marahan na siyang tumabi sa akin. Bahagya niya akong inalalayan para maihiga ako sa braso niya at niyakap.

"I love it when were cuddling like this.." sweet na sabi niya sa akin. Bahagya naman akong napahikab at narinig ko ang marahang pagtawa niya. "Mukhang napagod ang misis ko." Sabi niya sabay halik sa ulo ko.

"Ikaw ba hindi napagod?" Tanong ko. Pilya siyang tumawa at lalong dumikit sa akin.

"Sa tingin mo love, ako mapapagod? Gusto mong isa pa?" Tanong niya na tumataas taas pa ang dalawang kilay.

"Ikaw Fleur ha! Napaka mo talaga!" Sagot ko sa kanya at kinurot siya sa tagiliran siya naman tumawa lang.

"That's because I cant get enough of you." Sagot niya sabay nakaw ng halik sa akin. Ako naman parang kinikilig sa kanya. Nagsumiksik na tuloy ako sa bandang leeg niya dahil alam ko nagmumula na ang mukha ko. Mahigpit na yakap naman ang ginanti niya sa akin. Nasa ganong posisyon kami nang tumunog ang phone niya. Business tone niya yon kaya bumangon siya para hanapin ang phone niya. Wala siyang paki alam na naglalakad ng nakahubad at ako naman nakatingin lang. Ang sexy niya talaga. Nasa bulsa niya ng pants ang phone niya at pinulot niya ito saka sinagot.

Napansin niyang nakatitig ako sa kanya and that made her smirked at me. Kumindat pa siya at napailing nalang ako sa ginawa niyang yon. Bumangon na rin ako para makaligo at makapag pagbihis na. I noticed na seryoso ang mukha ni Henly habang may kausap sa phone at mahina ang boses. I wonder what happened.

Pag labas ko ng banyo siya naman ang pumasok. Halos mapatili ako nang tapikin niya ang pwetan ko at hilahin ang towel. Tatawa tawa naman siyang pumasok sa banyo. Maloko tlaga itong babaeng ito at madalas umiiral ang kamayakan at pang aasar.

"Baliw ka talaga!" Sigaw ko sa kanya.

"Yes..love..baliw sayo!" Sabay tawa niya ng malakas.

"Leche ka!" Sigaw ko.

"I know you love me!" Sagot naman niya. Hindi ko alam pero napapangiti nalang ako. Nagbihis nalang ako. Napaupo ako sa gilid ng kama nang mapansin ko na may nag text sa kanya. Una hindi ko pinansin pero umilaw uli ito.

"Please meet me." Yon lang ang nakita ko dahil nawala na ang ilaw sa phone niya. Ayaw kong mangialam ng gamit niya lalo na ng phone niya. I already trust her at alam kong di niya yon sisirain. Baka naman sa business nya lang yon.

Maya maya sige namang ring ang phone niya nakita ang name sa screen na parang "Son" pero di ako sure dahil palakad na ako non sa may pinto dahil kumakatok si Ate Gina.

"Uhmm..bakit ate?" Tanong ko sa kanya.

"Eh kasi Yulla..ma..may bisita kayo sa baba." Parang alalang sabi nito. "Hindi ko alam gagawin eh kahit mga kasambahay kasama din si sir Harrison."

"Yong kuya ni Henly? Sige ate Gina..sasabihan ko si Henly. Si Heidi?" Tanong ko.

"Nasa kwarto."

"Sige, salamat ate. Sabihan ko lang si Henly."

"Sige Yulla." Napansin ko ang pagiging di mapalagay ni Ate Gina. I wonder kung anong meron sa baba. Sakto naman at nakabihis na rin si Henly.

"Anong meron?" Tanong nito na sinusuklay ang buhok.

"Nasa baba daw ang kuya mo." Halata sa mukha niya ang pagkagulat.

My Greatest Fall (Her Property)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon