Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
NAPAHINTO sa paglalakad si Heaven nang mapansin niya sa kanyang dadaanan ang isang kabubukas lang na painting exhibit. Lumapit siya sa signage na sa isang nakatayong canvas pa ginawa para basahin kung sino ang artist na may ari ng lugar.
The Johnriz Madrid's Gallery
"Johnriz Madrid?" mahinang sambit ni Heaven.
"Hi Ma'am, good afternoon!" bati ng isang lady guard sa automatic door na biglang bumukas. "Pasok po kayo," nakangiting paanyaya nito.
Sinilip ni Heaven ang bukana ng exhibit. Doon pa lang ay nakita na niyang marami na ring tao sa loob. Nginitian niya muna yung lady guard bago siya humakbang papasok sa loob.
"Woah!" Hindi napigilan ni Heaven na humanga sa mga unang paintings na kanyang nakita.
Huminto siya sa may kalakihang painting. Natutop niya ang kanyang bibig nang makilala niya kung anong lugar iyon, ang Northwind Park na makikita sa North Point. Labis siyang humanga doon lalo pa't ang lugar na iyon ang kasakukuyan niyang tinatrabahong iguhit ngayon.
Sinuring mabuti ni Heaven ang bawat sulok nung painting. Ang galing naman ng pagkakagawa dito.
Nagpatuloy si Heaven sa pagtingin ng mga paintings. Unti-unting tumaas ang kagustuhan niyang makilala yung artist na may-ari ng exhibit dahil sa labis niyang paghanga sa mga obra nito.
"Excuse me."
Nilinga ni Heaven sa kanyang kaliwa ang isang babae na tumawag sa kanya. "Yes?" Nginitian niya ito.
"Gosh ikaw nga!" sabi nung babae kasabay ng pagpitik nito. "You're the girl from that paintings." Tumuro ito sa kanilang likuran.
Agad na sinundan ng tingin ni Heaven ang itinuturo nung babae. Nanlaki ang kanyang mga mata nang makita niya ang kanyang sarili sa tatlong paintings na nandoon.
"You're so pretty," nakangiting puri nung babae. "Can i take a picture with you?"
"H-Huh?" wala sa sariling nilinga ulit ni Heaven yung babae. "Hmm, okay," pagpayag na lang niya dahil sa hiya.
Nang makaalis na yung babae ay nagkaroon na ng pagkakataon si Heaven na lapitan yung tatlong paintings na siyang tanging naka-display sa dibisyon na nandoon. Napaisip siya nang malalim habang sinusuri ang mga iyon, hanggang sa napako ang kanyang tingin doon sa nasa gitna.
Stolen shots?
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.