Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
ISASARA na sana ni Check ang kahon na pinaglagyan niya ng mga bagay na ibinigay ni Bright sa kanya nang maalala pa niya ang isang bagay. Umurong siya ng upo sa kanyang kama at saka hinila ang pinakaibaba ng bedside drawer.
Kinuha niya doon sa drawer yung photo album na may iilang litrato lang nila ni Bright ang nakalagay. Bubuklatin na niya sana iyon pero pinigilan niya ang kanyang sarili. Inilagay na niya iyon doon sa kahon.
Sinubukang buhatin ni Check yung kahon. Luh! At ayaw mo pa talagang magpabuhat.
Nakapamaywang na pumunta si Check sa kanyang nakabukas na pinto at saka niya isinungaw ang kanyang ulo doon. Tinawag niya ang katulong na si Gina para magpatulong sa pagbuhat nung kahon.
"Where are we going to put this, Princess?"
Sumama ang mukha ni Check. Nanlaki ang butas ng kanyang ilong. "Ginagalit mo ba ako Ate Gina?"
"Of course not, Princess," may accent pang sagot ni Gina. "Why? Is there something wrong?"
Ikaw na Te! Ang lakas makabwiset ah! Jombagin ko kaya 'to, o 'di kaya sipain ko palabas ng bintana?
"Princess?" untag ni Gina kay Check na sinabayan pa nito ng pagpitik. "Are you sick? Why aren't you—"
"Stop english! No englishing allow! I fires you if you not stop! I am only right to english, understands?!"
Kinagat ng katulong na si Gina ang ibaba nitong labi kasabay ng pagkamot sa ulo nito. Tumango-tango ito at saka kumapit na doon sa isang dulo nung kahon para masimulan na nila ang pagbubuhat.
Pinagtulungang buhatin nina Check at Gina yung kahon. Dinala nila iyon doon sa storage room na makikita doon sa garahe ng bahay. Nakita iyon ni Cynthia pero hindi na siya nito tinanong. Nagustuhan nito ang kanyang ginawa dahil isa iyong hakbang sa kagustuhan niyang makalimot.
Pumasok si Check ng may ngiti sa kanyang labi. Mas inagahan niya ang kanyang pag-alis dahil ayaw niyang ihatid siya ni Zandler. Medyo nakaramdam nga lang siya ng kunsensiya dahil alam niyang malayo-layo rin ang pinanggagalingan nito para lang mapuntahan at ihatid siya.
Paikot si Check sa pasilyo ng 4th floor ng college building nang mabangga siya ng isang nagmamadaling lalaki. Sa lakas ng pagkakabunggo sa kanya ay napaupo siya at muntikan pang mauntog ang likod ng kanyang ulo sa sahig. Mabuti na lang ay maagap niyang naisuporta ang kanyang mga siko.
"Naku! PRIME Princess," may takot na sambit nung lalaki.
Tinulungan agad si Check nung lalaki. Lalo itong nakaramdam ng takot nang makita nito na may ilang nakasaksi sa nagawa nito sa kanya. Ang akala kasi nito ay walang ibang nakakita. Agad itong yumuko at paulit-ulit na humingi ng tawad sa kanya.
"I'm so sorry. Hindi ko talaga sinasadya. Please, 'wag mo sanang akong parusahan," pakiusap nung lalaki habang magkadikit ang mga palad nito.
Kinuha ni Check ang kanyang panyo at saka niya idinikit sa dumudugo niyang kanang siko. "Okay lang," aniya at saka siya ngumiti kahit na kumikirot yung sugat sa kanyang siko. "Alam ko namang hindi mo sinasadya."