CHAPTER: 55 (The One And Only Ms.Right)

63.3K 2.3K 1.2K
                                    

Makalipas ang isang taon

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Makalipas ang isang taon...

(NP: Miss Right)

PITONG pares ang kasalukuyang ikinakasal sa napakalawak na hardin ng Sta.Eliza. Pakiramdam ng mga bride ay nasa isa silang paraiso dahil napapalibutan sila ng naggagandahang mga tulips na nasa paligid. Ang bawat isa sa kanila ay kakikitaan ng napakagandang ngiti sa kanilang mga labi.

Ang PRIME na kung titignan ang mga mukha ay kapwa mga seryoso ay pasimpleng ngumingiti tuwing lilingain ang kani-kanilang makakaisang-dibdib... bukod kay Bogz na kanina pa abot-tenga ang ngiti at halos hindi maalis ang tingin sa kapareha.

Noong sabihin ni Bright sa mga kaibigan na gusto na nitong pakasalan si Check ay nanguna sa pag-apila ang pinakamatanda sa PRIME na si Xyro. Katwiran nito ay ito dapat ang maunang ikasal sa nakababata nitong kapatid na si Check. Doon na nagsimula ang ideya ng pagpapakasal ng dalawang pares ng sabay hanggang sa nagsunuran na ang iba pa na may balak na rin pa lang lumagay sa tahimik na sina Bogz at Jam. Sa huli, napagkasunduan ng PRIME na walang maiiwan sa grupo. Ikakasal ang bawat isa sa kanila sa babaeng kanilang minamahal. Hindi naman naging madamot ang kahit na isa man sa kanila bagkus ay nagustuhan nila ang nabuong pasya. Kaya heto sila ngayon, masayang ipinagdiriwang ang banal na seremonyang iyon sa Sta.Eliza na siyang piniling lugar ni Bright para pakasalan ang tinatangi nitong si Check.

"Surot, sigurado ka bang hindi 'to masama?" bulong ni Check kay Bright. "Magkasabay kayong ikakasal ni Yohan, tapos kami ni Kuya. Natatakot tuloy ako. Sabi nila masama yung sukob."

Seryosong nilinga ni Bright si Check. "Sa dami ng pinagdaanan natin, ngayon pa ba ako matatakot? Sumalo na ako ng bugbog, ng bala, ng kongkretong bato, nagka-amnesia, umako ng bata na hindi ko naman pala totoong anak... nahiwalay sa'yo... lahat ng 'yon nalagpasan ko," anitong hindi nakontrol ang sarili. "Iyang sukob pa kaya? Nah! F*ck that traditional beliefs."

Nahinto sa pagsasalita yung Pari at napatingin kay Bright na siyang nasa gitna. Maging ang ibang pares ay napalinga din dahil sa napalakas na boses nito. Pinandilatan tuloy ito ni Check kalakip ng isang pinong kurot sa tagiliran nito.

Nginitian ni Check yung Pari. "Sorry Father, he don't has goods manner."

"Huh?" literal na napanganga yung Pari.

"Nothings Father," nakangiti pa ring tugon ni Check. "You continuing the wedding."

Nagpatuloy yung Pari at tahimik lang na nakinig ang lahat. Walang paglagyan ng saya ang pamilya ng bawat isa. Napaka-engrande ng kasal ngunit pili lang ang mga bisita gaya ng napagkasunduan.

MS.RIGHT3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon