CHAPTER: 30 (A Long Heartbreaking Night)

39.8K 1.5K 485
                                    

"YOU'RE not answering my calls

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"YOU'RE not answering my calls."

Ni hindi magawang tignan ni Jane si Dex. Umupo lang siya sa upuang nasa tapat ng office table nito at saka humalukipkip. Kahit hindi niya nakikita ay alam niyang nakatuon ang matapang na mga mata nito sa kanya.

"Still don't care to answer?" nakataas ang dalawang kilay na untag ni Dex kay Jane dahil sa kanyang pananahimik.

"Kaya mo ba ako pwersahang pinapunta dito eh para lang pagalitan ako?" mataray na tanong ni Jane.

"Pwersahan?" magkasalubong ang mga kilay na ulit ni Dex.

"Bakit hindi ba?" tugon ni Jane. Napapadakot siya sa kanyang inuupuan dahil sa inis. "You're using my Mom. How dare you!"

Napangisi si Dex. "Iyan na naman tayo eh." Naiiling na tumayo ito sa inuupuang swivel chair. "Parehas lang naman kaming naggagamitan ng Mommy mo. Wala kaming pinagkaiba."

"Shut up!" ani Jane kalakip ng masamang tingin.

Umikot si Dex at nagpunta sa tapat ni Jane. Yumuko ito at bigla na lang siyang marahas na hinawakan sa kanyang baba. Ramdam niya ang unti-unti pang pagdiin noon dahil sa pagdadagdag nito ng puwersa.

"You... shut... up," mariing pagbabalik ni Dex. Bahagya pa nitong inilapit ang mukha kay Jane. "I f*cking hate being stopped."

Dalawang kamay na sinubukang alisin ni Jane ang hawak sa kanya ni Dex. Na-alarma siya dahil pagtatangkaan siya nitong halikan. Dahil malakas at hindi niya kayang kumawala ay isang sampal na lang ang naisip niyang solusyon para bitawan siya nito na siya ngang nangyari.

Tiim-bagang na itinayo ni Dex si Jane at hinapit sa bewang para mapalapit dito. Bago pa man mailapit nito ang mukha sa kanya ay biglang may kumatok sa pintuan. Hininto nito ang balak na gawin sa kanya pero hindi siya nito binitawan.

"Come in!"

Hindi malaman ni Jane kung ano ang dapat niyang maramdaman nang pumasok si Yohan. Nakahinga siya sa tangkang paghalik sa kanya ni Dex pero naipit naman siya ngayon sa pag-iisip kung ano ang reaksiyon ni Yohan sa nakikita nito ngayon.

"Oh! Hi CMO," bati ni Dex kay Yohan.

Kumunot ang noo ni Jane. What? He is now a Chief Marketing Officer?

"Good afternoon... Sir," seryosong bati ni Yohan kay Dex. Inilipat nito ang tingin kay Jane. "And also to you, Madame."

"Babe," may pagtatanong sa mga matang sambit ni Jane.

Mas hinapit ni Dex si Jane. Napatingin si Yohan sa kamay ni Dex na nasa bewang ni Jane pero tila balewala lang dito iyon na labis na nakapagpasama ng loob ni Jane.

Tinabig ni Jane si Dex at saka siya lumayo. Ipinaglipat-lipat niya ang tingin sa dalawa habang nakakuyom ang kanyang mga palad. Hinuli niya ang mga mata ni Yohan at walang kurap na tinitigan niya ito ng may tapang para iparating dito ang kanyang hinanakit.

MS.RIGHT3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon