Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
NAHINTO sa pagsusulat si Xyro nang makarinig siya ng pagkatok sa pintuan ng kanyang opisina. Nasa Seven Coast main branch siya ngayon na sa Central Ville nakatayo ilang kilometro lang ang layo sa kanilang subdivision.
"Come in."
Pumasok ang isang lalaking service crew bitbit ang isang folder na naglalaman ng summary report ng marketing strategy ng Seven Coast sa Wirlton branch kung saan ito nakadestino ng trabaho. Nakangiti nitong inabot iyon sa kanya.
Ngumiti si Xyro. "Thank you. Polo, right?"
"Yes Sir," nakasaludong sagot ni Polo. "Ah Sir, si Ms.Rue nga po pala, nakita ko po sa labas."
"Huh?" Naigilid ni Xyro ang kanyang mga mata. "Ang aga naman yata niya," pabulong niyang sabi.
Nagpaalam na si Polo kay Xyro. Sinabayan niya ito sa paglabas at natanaw nga niyang nandoon nga ngayon si Rue. May kasama itong lalaki sa isang table na siyang kausap nito. Hindi pamilyar sa kanya yung lalaki pero sa itsura at dating ay disente naman iyon.
Hindi inaalis ni Xyro ang kanyang tingin sa dalawa habang siya ay palapit. Napansin niyang palagay naman si Rue sa kausap kaya naisip niyang isa iyong kaibigan.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"Baby." Tumayo si Rue at humalik sa pisngi ni Xyro.
Nakangiting pinisil ni Xyro ang baba ni Rue. "You're early, wala ka bang pasok mamaya?"
Umiling si Rue pagkatapos ay tinignan nito ang kasama. "Baby, i'd like to meet Doc Aaron. Siya yung new vet nina Chiro and Churros."
Inilahad ni Aaron ang kanang kamay nito. "Hello. Nice to finally meet you."
Inabot agad ni Xyro ang kamay ni Aaron. "Hi, I'm Xyro... Rue's boyfriend."
Sinulyapan ni Aaron si Rue pagkatapos ay ibinalik nito ang tingin kay Xyro. "Yeah, she's always talking about you kapag nasa clinic siya."
"Ikaw ha, baka kung anu-ano na ang ipinagkakalat mo tungkol sa akin," pabirong sabi ni Xyro kay Rue.