CHAPTER: 8 (That Night)

49.1K 1.8K 794
                                    

TULALA si Bright

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

TULALA si Bright. Ang mga mata niya ay nakatuon lang sa kisame ng kanyang tahimik na kwarto. Halos masakop niya ang malaki niyang kama dahil sa kanyang puwesto.

Binabalikan niya ang nakaraan, ngunit kahit anong pilit niya ay wala siyang makuhang sagot sa kanyang katanungan. Nang mga panahon na iyon ay hindi niya kilala ang kanyang sarili, magkaganoon man ay malinaw sa kanya ang kanyang mga ikinikilos o ginagawa noon.

Paano nga bang nagkaanak sila ni Leonah gayong alam niyang ni minsan ay wala namang nangyari sa kanila? Lalaki siya at may kahinaan pero kahit daang ulit na siyang akitin noon ni Leonah ay hindi siya nagpadala dito. Malinaw sa kanya na hanggang yakap at halik lamang sila ng mga panahong iyon.

Sumara ang mga palad ni Bright na nakatihaya sa kanyang kama. Don't be stupid Bright. Don't f*cking believe her, she's just so desperate.

"She can't do that to us," sambit niya ng rumehistro sa kanyang isipan ang nakangiting mukha ni Check.

Inilinga ni Bright ang kanyang ulo pa-kanan para tignan ang tumutunog niyang cellphone na nasa kanyang tabi. Kinuha niya iyon at nalaman niyang si Check ang tumatawag.

"Hello," mahina niyang bungad.

[Hello ka d'yan! Nasaan ka ba ngayon? Dapat sinama mo na lang ako e. Nababagot kaya ako dito, hindi ko naman malaro yung mga tuta kasi natutulog... pinapagalitan ako ni Kuya kapag nakikita niyang lumalapit ako. Tsk! Si Krungy lang yung gising. Ayoko naman doon kasi ngawa ng ngawa, ayaw sa akin. Ang damot pati ni Kuya, bahay nina Rue 'yon pero feeling niya kaniya yung bahay. Ayaw ako papuntahin sa kusina!]

Napangiti si Bright dahil sa mabilis na pagsusumbong ni Check sa kanya. Iba talaga ang dating sa kanya ng kanyang girlfriend dahil madali nitong nababago ang kanyang timpla.

[Hoy Surot! Nakikinig ka ba?]

"Yeah, i'm listening," tugon ni Bright. Tumagilid siya ng higa. "Susunduin kita mamaya d'yan."

[Luh! Bakit aalis pa ba tayo? E anong oras pa 'yon? Alas-singko na kaya]

Napatingin si Bright sa suot niyang relo. Pumikit siya ng mariin habang iniisip kung itutuloy ba niya ang kanyang pag-alis. Palapit na ang takdang oras pero hanggang ngayon ay hindi pa buo ang kanyang desisyon.

[Finish or not finish, pass your paper!]

Napakunot-noo si Bright sa isinigaw ni Check. "Huh?"

[Ang tagal ng sagot mo, nag-iintay ako]

"I'll pick you up at 7, sa labas na tayo kumain ng dinner," tugon ni Bright.

[Hmm, okay]

Kung ano-ano pang mga bagay ang idinaldal ni Check kay Bright na halos hindi na niya naintihan dahil may iba siyang iniisip. Sa pagbaba ng tawag ay nabuo na rin ang kanyang desisyon na kanina pang umaga niya pinag-iisipan.

MS.RIGHT3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon