CHAPTER: 41 (You Are There)

40.3K 1.7K 532
                                    

"S-SALAMAT

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"S-SALAMAT."

Unti-unting umangat si Check mula sa pagkakasandal sa braso ng sumalo sa kanya. Nakita niya ang pagtitig ng mga mata nito sa kanya pero bigla rin iyong umiwas. Kung gaano kabilis ang naging pagkilos nito para saluhin siya ay ganoon din ito kabilis na umalis kahit pa hirap ito sa suot nitong sapatos.

Sinundan niya ito ng tingin. Nakita niyang dirediretso ito sa paglalakad hanggang sa marating nito ang daan palabas nung bar. Pinutol lang niya ang tingin dito nang sunduin siya ng mga kaibigan at tanungin kung nasaktan ba siya.

"Okay lang ako."

"Are you sure, Pakner?" nag-aalalang tanong ni Jane. "Look at me."

Nakangiting tumango si Check bilang pagsagot. Tuluyan na siyang bumaba doon sa platform. Nang makabalik siya doon sa mesa ay nagpalinga-linga siya, nagbabakasaling bumalik yung sumalo sa kanya pero hindi na talaga niya ito nakita.

"Maybe we should go home now," ani Rue.

"Mabuti pa nga siguro," ani Cheena na panay ang iwas sa kamay ni Erin. "Bugbog na yung braso ko sa isang 'to eh."

Nakatakip ang bibig na tumawa si Heaven. "Pansin ko nga."

"Okay, let's go home," anang lasing na rin na si Reiko. "Five minutes. Mag-CR lang ako," paalam nito at saka ito tumayo.

Tumayo rin si Jane. "Me too." Kinapitan nito si Reiko para alalayan na rin ito sa paglalakad. "I'll go with you."

Samantala, sa likurang mesa ay biglang tumunog ang cellphone ni Yohan. Binasa nito ang nangtanggap na text at agad ding ibinalik ang cellphone nito sa dalang props na shoulder bag.

"Una na raw umuwi si Kuya," pagpapaalam ni Yohan sa binasang text.

"Iyon lang ang sinabi? Any other—"

"Shut our mouth," pagsagot agad ni Yohan sa hindi na pinatapos na tanong ni Jaxx.

Makalipas ang ilang sandali ay nagdesisyon na ngang umalis sina Check. Nagtinginan ang PRIME at sabay-sabay na ring tumayo ang mga ito para sila ay sundan.

Habang naghahanda na sa pag-alis ay nagtaka ang PRIME kung bakit biglang nagbabaan ang mga girlfriends nito sa van. Natigilan sila nang makitang naglalakad ang mga ito papunta sa direksiyon nila sa pangunguna ni Erin.

Kinatok ni Erin ang bintana nung SUV na dala ng PRIME. Nagtinginan muna ang mga ito at saka nagbulungan kung ano ang maganda nilang gawin pero nauwi rin agad ang mga ito sa pagbaba nung bintana.

"Yes?" bungad ng nasa may bintana na si Jam.

"Can I talk to Gabby?" nakangiting sagot ni Erin. "Please?" Papikit-pikit ang mga mata nito.

Nilinga ni Jam ang napapalunok na si Gavin. Umurong ito para makipagpalit ng puwesto. Hiniling ni Erin na tuluyan na lang nitong buksan yung pintuan ng sasakyan nang sa ganoon ay mas makapag-usap sila ng maayos. Dahil hindi makatanggi ay ginawa naman iyon ni Gavin.

MS.RIGHT3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon