CHAPTER: 9 (Surprise)

44.7K 1.7K 347
                                    

KAHIT halos naliligo na sa pawis ay tuloy pa rin si Gavin sa pag-ikot-ikot sa buong basketball court

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

KAHIT halos naliligo na sa pawis ay tuloy pa rin si Gavin sa pag-ikot-ikot sa buong basketball court. Sinusulit niya ang magandang pagkakataon dahil walang istorbo sa paligid.

Kahit maaari naman siyang maglaro sa sariling bahay ay mas pinipili pa rin niya talaga ang mag-basketball sa paboritong public basketball court na iyon

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kahit maaari naman siyang maglaro sa sariling bahay ay mas pinipili pa rin niya talaga ang mag-basketball sa paboritong public basketball court na iyon. Habang naglalaro ay hindi niya maiwasang maalala ang masasaya nilang laro ni Erin ng magkasama.

Humihingal na huminto si Gavin sa pagtakbo. Mabagal siyang naglakad papunta sa gilid ng court kung saan makikita ang isang may kahabaang bench. Naupo siya doon, kinuha ang nakapatong na face towel sa dala niyang bag at saka niya sinimulang punasan ang kanyang tumatagaktak na pawis.

Kinuha niya ang kanyang cellphone sa bag at tinignan doon kung anong oras na. Kailangan niyang bumalik ng Holly Place 2 mamaya para personal na kunin ang inihabilin ng inang si Veron sa kanya.

4:18pm.

"Okay, i'm done," aniya sabay balik ng kanyang cellphone sa bag.

Isinampay ng paikot ni Gavin ang kanyang face towel sa kanyang batok. Bibitbitin na sana niya ang kanyang bag nang tumunog bigla ang kanyang cellphone. Muli niyang kinuha iyon at dali-daling sinagot nang malaman niyang si Erin ang tumatawag.

[Hello Koy! Good afternoon]

"Good morning d'yan," sambit ni Gavin habang nakangiti. "Ang aga naman yata ng gising mo? Or don't tell me, hindi ka pa natutulog?"

[Haha! Hindi 'no. Maaga talaga akong gumising today]

"May shoot agad kayo ng ganyan kaaga?" kunot-noong tanong ni Gavin.

[Nope, i'm actually free today]

"Then why are you so early?"

[Because i miss you, Parekoy]

Napangiti ng malaki si Gavin. "Iyon lang?"

[What a reply. I'm expecting for something else]

Lalong lumaki ang ngiti ni Gavin dahil sa nagtatampong tono ni Erin. "I miss you too."

MS.RIGHT3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon