CHAPTER: 27 (X Mark)

40.1K 1.6K 359
                                    

"MS

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"MS.RUE."

Agad na napadilat si Rue nang marinig niya ang boses ni Aaron. Paglinga niya sa kanyang kanan ay nakita niyang kinakalagan nito ang nakatali niyang kanang kamay.

"D-Doc—"

Sumenyas si Aaron. "Ssshh." Sinimulan na nitong kalagan ang tali sa kaliwang kamay ni Rue.

Katataas lang ng araw. Ramdam ni Rue ang panghihina lalo pa't hindi rin naman siya nakatulog. Pakiramdam niya rin ay tila umiikot ang tingin siya sa paligid dahil sa gamot na pilit na ipinapainom ni Clerry sa kanya.

Nang matapos maalis ang mga tali sa kamay ni Rue ay nagmadali agad si Aaron na lumipat sa paanan niya para tanggalin na rin ang lubid na mahigpit na nakatali sa kanyang mga paa. Hindi nito napigilang maawa matapos matitigan ang ilang pasa sa kanyang mga binti.

"Kaya mo bang tumayo at maglakad?" tanong ni Aaron.

Maluha-luhang napatitig si Rue kay Aaron. "Thank you," halos pabulong niyang sambit. "I'll try."

Iniupo ni Aaron si Rue. Kinuha nito ang panyo nito at mabilis na pinahid ang ilang dumi sa kanyang mukha. Napangiwi siya nang madaanan nung panyo ang sugat sa kanyang baba.

"I'm sorry," paghingi ng tawad ni Aaron. "Hindi ko siya dapat sinunod."

Umiling si Rue. "I understand. Ganyan naman talaga Doc kapag nagmamahal. Mahal mo lang talaga siya."

Bahagyang ngumiti si Aaron. "Here's your phone."

Inilipat ni Rue ang kanyang tingin sa cellphone na iniaabot ni Aaron sa kanya. Kinuha niya iyon at naiiyak siyang nagpasalamat.

Inalalayan ni Aaron si Rue sa pagtayo. "Wala ng bantay sa labas. Umalis sila kagabi pa. You can go now. Natutulog pa si Clerry."

"Doc, s-si Chiro?"

"She's safe. Don't worry, ibabalik ko siya sa'yo," tugon ni Aaron at saka tumingin sa pinto. "Go now. Paglabas mo, tawagan mo na ang dapat mong tawagan. The location is River East Gate. Nag-iisang bahay lang ito dito. Kailangan mong marating yung bridge."

"Doc Aaron—"

"Huwag kang mag-alala, hindi kami tatakas. Kakausapin ko si Clerry. Susuko kami ng maayos."

May gusto pa sanang sabihin si Rue pero iginiya na siya ni Aaron papunta sa pintuan. Ramdam niya ang hirap sa paglalakad pero kailangan niyang kayanin para makaalis na siya sa lugar na iyon.

"Wear this." Isinuot ni Aaron kay Rue ang isang puting jacket. "Diretsuhin mo 'yan, makikita mo yung pinto palabas."

Tinignan ni Rue yung daanan papunta sa living room at saka siya tumango. "Maraming salamat."

Nagsimula ng maglakad si Rue. Pinuntahan naman ni Aaron ang kuwarto kung saan natutulog si Clerry. Nang marating na ni Rue ang pintuan ay agad niyang hinawakan ang seradura noon. Mas gumaan na ang loob niya dahil makakaalis na siya sa lugar na iyon.

MS.RIGHT3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon