Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
NAWALA ang simangot sa mukha ni Clerry at napalitan iyon ng ngiti nang makita nito ang kararating lang na si Xyro. Maarte nitong sinuyod ang kanyang kabuuan at saka siya tinitigan sa mga mata.
Nasa isang presinto ang PRIME ngayon. Naka-upo sa magkatabing silya sina Clerry at Aaron habang napapalibutan ang mga ito ng ilang mga pulis. Hindi makausap ng mga pulis si Clerry ng maayos kung kaya't si Aaron ang sumasalo ng mga tanong na ibinabato sa mga ito.
Agad na kinapitan nina Bogz, Jam at Gavin si Xyro nang mapansin ng mga ito ang masamang tingin niya sa nakaposas na sina Clerry at Aaron. Malumanay na inalis niya ang mga kamay nito at dahan-dahan siyang lumapit doon sa dalawa.
"I miss you, Xyro."
Walang ekspresyon na tinitigan lang ni Xyro si Clerry. Lalong lumaki ang ngiti nito at nagbasa pa ng labi. Ang nasasaktang si Aaron ay minabuti munang ibaling sa iba ang tingin.
"Please leave us for a while," pakiusap ni Xyro sa mga pulis.
Tumalima naman ang mga pulis gaya ng pakiusap ni Xyro. Susunod sana ang PRIME pero pinigilan niya ang mga ito. Kibit-balikat na bumalik ang mga ito at nagkanya-kanyang puwesto sa apat na sulok ng silid na iyon.
"Suprisingly... ganoon pa rin ang dating mo sa akin," nakalabing sabi ni Clerry.
Hindi na napigilang dakmain ni Xyro ang leeg ni Clerry. "Hindi ka tao!"
"Don't touch her!" pag-alma ni Aaron. "Please!"
Ibinaling ni Xyro ang tingin niya kay Aaron at saka niya binitawan si Clerry. Mabilis niyang hinawakan ito sa kwelyuhan at saka iginiya patayo. Kulang na lang ay masunog si Aaron sa kanyang tingin.
"Ikaw na ang pinakatangang nakilala ko dahil nagpapakatanga ka sa babaeng 'to!" singhal ni Xyro kay Aaron. "Pasalamat ka malayong-malayo ang girlfriend ko sa babaeng sinasamba mo. Palalagpasin ko ang ginawa mo kahit labag sa loob ko... dahil iyon ang kagustuhan niya."
Hindi makapaniwala si Aaron sa kanyang sinabi. Patulak ang ginawa niyang pagbitaw dito. Muli niyang binalingan si Clerry na tila nag-iinis pa dahil sa ngiti nito.
"And you... stupid psycho bitch," mariing sambit ni Xyro. "Ipinakiusap ni Rue sa akin na huwag kang ikulong at iparehab ka na lang dahil kailangan mo 'yon, pero hindi ako pumayag dahil mas kailangan mong pagbayaran ang ginawa mo."
Napataas ang kilay ni Clerry. "Rehab? Tss!" Ipinaikot nito ang mga mata. "Masyadong pabida ang girlfriend mo. Feeling ba niya isa siyang Santa? Oh come on! Kung nakita mo lang ang mga ginawa—"
Hindi na inisip ni Xyro na isang babae si Clerry. Galit niyang sinakal ito. Agad na inawat siya ng mga kaibigan at bahagyang inilayo. Tinapik niya ang kamay ni Bright na nakakapit sa kanyang balikat at muli niyang hinarap ang natatawa pang si Clerry.
"Poor Xyro, hindi mo pa gano'n kakilala ang babaeng mahal mo," ani Clerry sa nang-iinis na tono.